Nang dumating na nga ang araw ng bakasyon ay sabay sabay na nagpaalam sila Vi at mga kaibigan nito sa isa’t-isa. “Pano ba yan girls, maghiwalay muna tayong lahat.” pabirong sabi ni Maky saka nag group hug sa kanilang magkakaibigan. “Grabe ka naman Maky 3 months lang tayong hindi magkikita eh” sabi pa ni Sam. “Anong 3 months lang?!” sarkastikong sagot ni ni Maky. “Grabe ka girl! Huwag kang OA tandaan mo magtratrabaho ka pa para may pang gastos next year” sabi naman ni Hail sa kaibigan na nakanguso na. “Huwag niyo ng asarin ‘yang si Maky baka mamaya mas mamiss niya tayo eh” sabi ni Vi saka nag ayang kumain muna bago sila maghiwahiwalay. Naisipan nilang kumain na lang sa isang chicken wings restaurant na malapit lang din sa school nila. “Kanya kanyang bayad ah” inunahan na ni Sky ang m

