CHAPTER 05

2202 Words
Sa mga sumunod na araw naging normal lang ang araw ni Theo at Vi papasok sa classroom, makikinig sa professor, kakain kasama ng mga kaibigan at uuwi para makapag-pahinga. Umaga pa lamang ay halata na ang pagod at stress sa mukha ni Vi halos araw araw kasi siyang nagpupuyat sa pag aaral kaya naman hindi na maipinta ang mukha nito. Mas lalong naging stressful ang umaga niya ng masiraan sila ng sasakyan papasok sa eskwelahan. Hindi na niya hinintay pa na maayos ng kanyang driver ang sasakyan kaya naman napagdesisyonan niya na mag commute na lamang, ngunit sa kasamaang palad halos lahat ng jeep at taxi ay puno kaya wala siyang choice kung hindi maglakad na lamang. Nasa kalagitnaan si Vi ng paglalakad nang nakarinig siya ng isang busina ng sasakyan at nakitang huminto ang sasakyan sa gilid niya. Agad naman siyang napatinggin sa isang magandang BMW na kotse na agad din nagbukas ang bintana. “Sakay na” sabi ng taong nasa loob ng sasakyan. Hindi siya sigurado kung sino iyon kaya naman dumumog siya palapit sa may bintanang nakabukas.Tinignan niya ang taong nasa loob at ilang beses siyang napakurap upang makitang maigi kung sino ang nagsalita. Gulat siya ng makita si Theo, ang taong iniistalk niya gabi gabi at ang taong inaantay niyang pumunta sa sat cafe tuwing lunch break. Walang ibang nasagot si Vi kung hindi “huh?” “Sabi ko sakay na tayo tutal naman parehas tayo ng pupuntahan” “Pupuntahan?, saan tayo pupunta?” “Sa school?, hindi ba?” “Oo, pero mauna ka na maglalakad na lang ako” tugon ni Vi at naglakad muli. Ayaw niyang sumakay sa sasakyan ni Theo dahil nararamdaman niyang bumibilis ang t***k ng puso niya. “Hindi ito maganda kalma lang heart” sabi niya sa sarili saka tinapik ang dibdib. Hindi pa man siya nakakalayo ay may kotse nanamang bumusina sa tabi niya at nang tingnan niya ito nakita niya ulit si Theo. “Sakay na, malalate ka na.” sabi nito saka bumaba ng kotse at pinagbuksan ng pintuan si Vi. Sa pagiging marupok ni Vi wala siyang nagawa kung hindi pumasok sa kotse nito. Pagpasok pa lang niya ay naamoy na niya agad ang Calvin Klien na pabango ni Theo. Pero napukaw ang atensyon niya ng makitang titig na titig ito sa kanya. “May problema ba?” tanong ni Vi. Pero imbes na sagutin ito agad na lumapit si Theo sa kanya saka isinuot ang seatbelt niya. Hindi na alam ni Vi kung ano ang itsura niya sa panahong iyon pero isa lang ang nasisiguro nito at yun ay ang malapit na itong mag hyperventilate sa sobrang kilig. “Tara na?” tanong nito saka nagpatuloy na sa pagmamaneho papunta sa kanilang eskwelahan. Buong biyahe ay walang naging imik si Vi para bang nawalan ito ng boses kaya naman hindi din niya na namalayan na nasa harap na pala sila ng M.A.B. “Baba ka ba o bubuhatin kita?” tanong sa kanya ni Theo “Huh?” “Kanina pa tayo andito sa drop off point ng M.A.B. hindi ka ba bababa?” “Ah,,eh, bababa na. Salamat pala sa paghatid.” sabi nito saka binuksan ang pintuan ng kotse. Pero bago niya pa maisara nagsalita ulit si Theo. “Hindi ito libre ah.” “Sige ililibre kita sabihin mo lang kung kailan at saan.” sabi niya bago tuluyang isara ang pinto at naglakad papunta sa id scanner ng building. Habang nagmamaneho si Theo napansin niya ang isang ducati na motor na papasok ng M.A.B. at kung hindi siya nagkakamali kay Shawn ang sasakyan na iyon. Kaya naman itinabi niya muna ang kotse sa gilid saka tiningnan ang kaibigan na may kasama nanamang babae. “Tsk dapat hindi na ako nagtaka na may kasama siyang babae.” sabi niya sa sarili saka tinignan muli ang gawi ng kaibigan. ***** Habang naglalakad si Vi papasok sa kanilang classrrom hindi pa din mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Hindi siya makapaniwala na ang taong iniisip niya buong linggo ay ihahatid siya ngayong umaga. “Kung alam ko lang na siya pala ang maghahatid sa akin edi sana nag long gown at make up pa ako” sabi niya sa sarili saka kinuha ang cellphone sa bulsa. ` Kinapa kapa niya ang bulsa ng kanyang pantalon pero wala doon ang cellphone niya. Kaya naman agad niyang inilapag sa gilid ng hallway ang lahat ng gamit niya saka hinanap ang cellphone sa loob ng bag. Pero sa kasamaang palad wala din iyon sa loob ng kanyang bag. Nagpapanic na si Vi ng madatnan ni Maky, “Oh Vi anong meron?” tanong ng kaibigan. Agad niyang nilingon si Maky na medyo buhaghag ang buhok na para bang nagcommute ito o kaya sumakay sa motor pero isinawalang bahala niya na lang ito. “Nawawala yung phone ko. Maky marami akong files, reviewers and notes sa phone ko hindi iyon pwedeng mawala.” sabi niya sa kaibigan na agad namang tinulungan siya sa paghahanap muli. “Saan ka ba kasi nagpunta, baka naman naiwan mo sa bahay niyo or kaya nahulog mo.” “Sigurado akong dala ko kanina alam ko nilagay ko sa bulsa ko. Sure ako.” sabi nito na para bang iiyak na sa pag aalala. “Alam ko na, tawagan kaya natin yung phone mo kasi baka may nakapulot.” suhestiyon ni Maky saka nilabas ang sariling cellphone upang tawagan ito. Naka dalawang missed calls na sila pero wala pa ding sumasagot hanggang sa tumunog ang campus bell wala pa din sumasagot kaya naman nagpatuloy na lang ang dalawa sa paglalakad habang sinusubukan pa ding tawagan ang cellphone nito. Nakarating na sila sa kanilang classroom ngunit wala pa ding nakakasagot sa cellphone ni Vi. “Wala pa din ba?” tanong nito saka inilagay ang ilang gamit sa kanyang upuan. “Wala pa din eh, i-loudspeaker ko na lang para marinig mo.” sabi ni Maky saka inayos ang sariling gamit. “Hello?” Kinuha agad nito ang cellphone ni Maky “hello, sino to?” tanong niya sa kabilang linya. “Theo Alvarez speaking” sagot nito. Pinagtinginan siya lahat ng mga nasa loob ng classroom kaya naman dali dali siya tumakbo paplabas ng classroom habang hawak ang cellphone ni Maky. “Hello? Andyan ka pa ba?” tanong nya sa kabilang linya. “Yes” may halong pag aalinlangan ang boses ng kausap. “Paano mo pala nakuha yung phone ko?” tanong niya ulit. “Naiwan mo sa kotse ko kanina kaya kinuha ko na muna. Ibabalik ko din sana sayo kaso nakita kong malapit na din akong malate kaya itinago ko muna.” pagpapaliwanag nito. “Ahh ganun ba, pwede ko bang kunin mamayang lunch time?” suhestyon niya sa kausap. “Pwede naman kaso hindi ako makakapunta sa M.A.B. may practice kasi kami para sa presentation mamaya. Kung gusto mo ikaw na lang ang pumunta dito sa lib arts.” “Sige ako na lang ang kukuha diyan” masayang sagot niya “Magkita na lang tayo sa may ‘yellow cafe’, alam mo naman kung saan yun hindi ba?” “Oo, minsan na kaming kumain diyan kasi masarap yung turon at shanghai na tinda diyan” sagot muli nito. “Ok then, see you later tawagan mo na lang itong phone mo kung nasa yellow cafe ka na” “See you later too. Goodluck Atty” malambing na sabi niya bago pinatay ang tawag. Nang maibaba ang tawag agad naman ng pumasok si Vi sa classroom ngunit pagkapasok pa lamang niya ay inulan na siya ng pangaasar ng mga kaklase at kaibigan. *** Nang makapagpark si Theo sa labas ng lib arts building agad niyang kinuha ang mga gamit sa backseat ngunit napansin niyang may cellphone na naiwan sa passengers seat. Sa pagtataka kung kanina iyon kinuha niya ito at saka pinindot ang home button. Agad namang bumungad sa kanya ang mukha ni Vi kasama ni Titus bilang wallpaper. Kaya naman agad din niya itong nilagay sa silent mode saka ibinulsa. Habang kinukuha ang iba pa niyang gamit tumabi naman sa kanya ang isang ducati na motor. Agad tinanggal ng nakasakay sa motor ang kanyang helmet saka tumingin sa kanya. “Hey, bro ang aga aga mukhang bad mood ka na” bungad ni Shawn na inaayos ang pagpark sa motor. “Eh ikaw ang aga aga may nilalandi ka na” iritadong tugon nito. “TSK masyadong bitter” “Sabihin mo nga bakit ka nasa MAB kanina?” Tanong niya saka isinara ang pintuan ng kotse. “Nakita mo ako sa MAB?” Gulat na tanong ng kaibigan. “Oo may kasama ka pa ngang babae eh” panunuksong sabi nito saka nagsimulang maglakad papasok ng kanilang building. “TSK selos ka lang kasi ako close na sa crush ko eh ikaw no progress pa din with Ms. Coffee” “Says who?” “Wait, don’t tell me kaya ka nasa MAB kanina kasi kasama mo si Ms. Coffee?” Gulat at nakaawang na bibig na tanong ni Shawn. Hindi niya ito sinagot at saka nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa kanilang classroom, kaso bago pa siya makapasok ay nakasalubong pa niya si Titus sa hagdan. “Swerte na kanina, sinundan pa ng malas” “Sinong malas?” Tanong ni Shawn na nasa likod niya. “Ikaw, ikaw ang malas. Ang aga aga ikaw agad ang nakita ko” “Bro it really hurts… ang magmahal ng ganito” sabi ni Shawn saka sumayaw sayaw pa. Kaya naman iniwan na lang niya itong loko lokong kaibigan saka pumasok sa room saka pumunta sa upuan niya. “Ang aga aga De Luna kung ano anong ginagawa mo. Ang baboy kala mo naman magaling kang sumayaw” sabi ni Lance saka binato ng notebook si Shawn ngunit nakailag ito. “Inggit lang kayo kasi ako gwapo na magaling pang sumayaw” proud na sinabi niya saka kinuha ang notebook para ihagis pabalik kaso imbes na si Lance ang tamaan tumama ito sa ulo ni Khiel kaya naman tumakbo siya palabas ng classroom para makatakas dito “SHAWN DE LUNAAA!!” sigaw ni Khiel saka siya hinabol. “Good Morning Bro” bati ni Titus sa kanya kaso nginitian lang niya ito saka umupo sa kanyang upuan. “Ang aga aga mukhang bad mood ka” sabi naman ni Lance na ngayon ay nakaupo sa tabi niya. “Syempre sino ba ang hindi ma-babadmood kung yung taong gusto mo ay may gustong iba” sabi niya dito. “Ok lang yan bro marami pa namang iba dyan eh. Kung gusto mo ipapakilala kita sa kapatid ko este ‘kaibigan’ ko” sabi ni Titus saka tinapik ang balikat niya. Mas napuno ng iritasyon si Theo dahil sa sinabi nito kaya naman lumabas muna siya ng classroom para magpahangin saglit. Pagkalabas pa lang ay nakikita na niya ang dalawang kaibigan na naghahabulan pa din na parang bata, isinawalang bahala na lang niya ito saka sumandal sa pader. ` “Theoo, tulungan mo akoo”, “SHAWWWNNNN” sigaw ng mga kaibigan na naghahabulan pa din. Umiling iling na lang siya at naisipang ilabas ang cellphone na naiwan ni Victoria. Nakita niyang tumatawag ang kaibigan nitong si “MAKY” kaya naman sinagot niya ito. “Hello” ika niya saka nagpakilala sa kausap. Boses pa lang ay alam na niya na si Vi iyon kaya naman gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. “Magkita na lang tayo sa may ‘yellow cafe’” sabi niya saka pinatay ang tawag. Nang makapasok sa classroom hindi niya mapigilang ngumiti at kiligin ng kaunti. Kaya naman hanggang magsimula ang pang umagang klase hindi niya mapigilang tumingin sa orasan. “Mr. Alvarez, kanina ka pa tumitingin sa orasan may problema ba?” Tanong ng kanyang prof na ikinagulat nito. Napailing iling si Theo saka nagisip ng nagdadahilan dahil kung hindi good game siya sa prof niya, major subject pa naman ito. Tumayo siya saka nagpaliwanag dito “I’m sorry Sir. I’m keeping track of the time because I have to drink my medicines and other vitamin supplements. Lately po kasi nagiging anemic ako” palusot niya na sinakyan naman ng kanilang prof. “Bro, ok ka lang ba since when ka naging anemic?” Tanong ni Shawn ng makaupo ito. “Since this morning” sabi niya sa kaibigan. Kaya naman simula noong oras na iyon ay hindi na siya tumingin pa sa orasan at tinuon ang buong atensyon sa class discussion, ngunit wala talagang pumapasok sa utak niya kaya nag kunwari na lang itong nagsusulat. Hanggang sa matapos ang pangumagang klase at lunchtime na. “Tara na bro para makapagpractice na tayo” sabi ni Lance saka naglakad papunta sa pintuan. “Yellow Cafe here I come, lunch time naa yum yum yum.” sabi ng loko loko nitong kaibigan at umaktong gutom na gutom. Siya naman ay sobrang saya dahil makikita pa niya si Vi bago sila magpresent at hindi lang iyon yayain din niya itong kumain kung ok lang. SEE YOU ON NEXT CHAPTER:))) ! PLEASE CONTINUE SUPPORTING ! - CiTrineLily -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD