Chapter 1

2346 Words
"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible." - When Harry Met Sally Unedited "Another shot, please." Pabagsak na naibaba ni Hector ang baso kasabay rin ng pagbasak ng kanyang mukha sa pabilog na counter ng bar dahil sa sobrang kalasingan. Nang magbukas ang Jayc's Pub ng alas sais ng hapon, siya ang kauna-unahang naging customer doon. Malawak at napaka elegante ng naturang pub. May mga katamtamang laki ng mesa ang nagkalat sa loob nito. May malawak na stage sa gitna kung saan araw-araw iba-iba ang nagpe-perform. At dahil Sabado, isang kilalang grupo ng mga banda ang tumutugtog ngayon. Kadalasan rin na makikita rito ang mga sikat na artista at kung hindi man ay napapabilang naman sa mayayamang angkan ang pamilya. Isa na roon si Hector Montefalco. Ang playboy at nag-iisang anak ng nagmamay-ari ng isang international airlines at gasoline station. Kamakailan lang nang pumanaw ang mga magulang nito sa kadahilanang bumagsak ang sinasakyang private plane na sinasakyan ng mga ito patungong Fiji para sana magbakasyon. Hindi na muling nakabangon pa si Hector sa maraming beses na nitong pagbasak. Lasing na lasing na siya. Isang linggo na niya itong ginagawa. Mabuti na lang at kilala siya ng may-ari ng naturang pub na anak ng matalik na kaibigan ng kanyang mga magulang na mas matanda ng dalawang taon sa kanya. "Ayan siya, sir. Tulog na po." Saad ng bartender na hiningan niya ng alak kanina. Umiling na lang ang lalaki nang makita siya na naman sa sarili. "Bring him to my office. Mamaya ko na lang tatawagan ang mga kaibigan niya para sunduin siya rito." Kumilos naman agad ang dalawang lalaki at pinagtulungan nilang buhatin ang walang malay na binata at dinala sa opisina ng kanilang amo. Alas onse ng gabi, magkasabay na dumating sina Luigi at Luis sa Jayc's Pub. Agad naman silang dinala ng guard sa opisina ng may-ari na nasa second floor. "Ano bang nangyayari kay Hector? Isang linggo na siyang lagi na lang ganyan. Babae ba?" tanong ni Lance na may-ari ng pub sa dalawa na nakatayo sa harapan ng maliit na sofa na kung saan nakahiga ang lalaki. Nagtinginan ang dalawang lalaki. Dahil kahit mga kaibigan niya ang mga ito, hindi rin nila alam kung bakit bigla na lang naglalasing na ang kaibigan nila. Imposible naman na dahil iyon sa pagkawala ng mga magulang nito. Matagal nang tinanggap ni Hector ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Kung babae naman ang magiging dahilan, imposible rin. Dahil wala sa isip ng lalaki ang magseryoso pagdating sa mga babae. "Malabo." Magkasabay na sagot nila. Pinagtulungan ng dalawa na buhatin si Hector palabas ng pub house. Sa fire exit na sila dumaan nang hindi na maabala pa ang mga nagkakasayahan sa baba. Ayaw din kasi nila na may makakita ulit na mga taga midya na buhat-buhat nila ang kaibigan. May mga naglalabasan na kasi itong mga larawan na kuha ng mga paparazzi noong isang araw. Dahilan para kastiguhin siya ng mga board member ng kumpanya nito. Dahil sa hindi magandang maidudulot ng mga naglalabasang larawan niya sa kumpanya. Sa kotse na ni Luis isinakay ng dalawa si Hector. Kailangan na rin kasing umuwi ni Luigi dahil susunduin pa nito ang pinsan sa airport na malapit lang sa pub na pinuntahan nila. "Kuya Hector? Bakit mo ako hinalikan?" Bumalikwas nang bangon si Hector. Nilibot ng paningin niya ang paligid. "Paano ako nakauwi?" tanong niya sa sarili na sapo ang sumasakit niyang ulo. f**k! Maya-maya pa nasa king size bed na niya ang alagang golden Labrador na bigay sa kanya ng yumaong lola. "Good morning, Lick," bati niya rito na hindi na tinantanan ang paghalik sa kanya. He named his dog, Lick. Dahil sa hilig nitong dilaan ang lahat ng mga pumapasok sa bahay niya. "Stop it, stop it." Sabay tulak niya sa aso. Wala siyang gana na makipagharutan dito dahil masakit ang kanyang ulo. Idagdag pa na paulit-ulit niyang naririnig ang boses ni Alex na nagtatanong kung bakit niya ito hinalikan. Bakit nga ba niya ito hinalikan? Dahil ba sa mapang-akit na labi ng dalaga na tila kay sarap lukubin gamit ng kanyang mga labi? Pero maraming babae na siyang nahalikan. Pare-pareho lang naman ang mga labi nilang lahat. Ngunit bakit pagdating kay Alex, tila ayaw na niya iyong pakawalan pa? Iba ang tamis ng labi nito. Kakaiba rin ang hatid niyon hindi lang sa labi niya kundi pati na rin sa kabuuan niya. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang damdamin na pinukaw nang paghalik niya kay Alex. Sa dinami-rami ng babaeng hinalikan niya, ngayon lang siya nakaramdama ng kakaiba. Nakakaliyo ang amoy ng dalaga. Parang ang sarap ikulong ng maliit nitong pangangatawan sa kayang mga bisig. "Oh...Alex, nababaliw na yata ako." Pagkausap niya sa sarili. Bumangon siya kahit ayaw pa sana niya. Pero ayaw naman siyang tantanan ng alagang aso. Oras na para lumabas ito. Ayaw naman niyang doon ito umihi sa kuwarto niya. Carpeted at kulay puti ang kabuuan ng kanyang silid. Combination ng cream and brown naman ang kabuuan ng kayang bahay na minana pa sa yumaong mga magulang. Nakasuot siya ng puting sando at kulay gray na pajama nang inilibas niya ang alagang aso. Nilibot niya kasama ang alagang aso ang Victoria Village. Exclusive village iyon para mga elite people. Noon, gustong-gusto niyang maglakad kasama ang alagang aso dahil sa mga naggagandahang babae na nakakasalubong niya. Ang hot lang kasi tingnan ng mga babaeng tumatakbo at tagktak ang mga pawis sa mga katawan nila. Ang sarap tuyuin ng mga pawis nila gamit ang kanyang mga dila. Minsan nakasuot lang ng sando at maikling short ang karamihan sa kanila. Kitang-kita ang kurba ng mga katawan nila. Ang dibdib naman nila ay may iba't ibang laki. From small to extra-extra large. Isa iyong napakagandang tawin para kay Hector araw-araw. Ngunit ngayon? Tinatamad na siyang maglakad. Kung hindi nga lang kinakailangan na ilabas niya si Lick, hindi na siya lalabas pa. Takot din kasi ang mga kasamahan niya sa bahay na ilabas ang aso dahil hindi ito nakikinig sa kanila. Nagwawala pa naman ito kapag nakakakita ng ibang aso. Sa kanya lang ito nakikinig at natatakot. "Hector! Malungkot ka yata ngayon? May problema ba?" tanong ni Sandy sabay tapik sa balikat nito. Kapitbahay niya iyon at masasabi niyang ito lang ang babaeng hindi niya pinagnasaan sa VV. Maganda si Sandy. Matangkad at maputi. Nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking supermarket sa bansa ang pamilya ng dalaga. "Ikaw pala, Sandy. Tagal din kitang hindi nakita ah!" "Hello there, Lick," yumuko siya sabay himas sa ulo ng aso. "Oo. Kababalik ko lang galing France," tumayo siya at itinaas ang kamay niyang may sing-sing. "Wow! Congratulations! Sa wakas nagpasakal ka na rin!" Hinampas siya ng babae sa balikat. "Nagpakasal!" singhal niya rito. "Bitter lang ang playboy," Pagak na humalakhak ang lalaki. Oo! Kilala siya bilang isang playboy sa buong VV. Dito na siya lumaki at nagkaisip kaya kilala na siya ng lahat. Siya na yata ang pinakamatagl na naninirahan sa Victoria Village. May mga umalis at may mga nagsilipatan din. Ang dati niyang mga kalaro, nagsilipatan na. Nag-migrate na rin ang iba sa ibang bansa. Ito na lang yata si Sandy ang natitira niyang kababata na ngayon ay kasal na sa French boyfriend nito. "Aray!"sabay hawak sa braso niyang hinampas ng babae kahit hindi naman.ito masakit. Gusto lang talagang niyang asarin ang babae na lalaki. " Babae ka ba talaga? Ang bigat ng kamay at ang bilis mong makahampas!" Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makablik na sila sa kani-kanilang mga bahay. "Kaya mo 'yan! Ikaw pa! Gusto ko tuloy makilala ang babaeng sinasabi mo. Kakaiba mga ang epekto niya sa 'yo. Nagiging sentimental ka e. Kulang na lang maglumpasay ka riyan dahil hindi mo na alam ang gagawin mo," tundyo ng babae sa kanya. "Masuwerte ka lang sa asawa mo. Kung iba lang 'yan, baka hindi rin nakatiis sa pagiging boyish mo." "Aba! Loko 'to ah! Huy! Playboy! Bitter ka lang e!" pagsisigaw ng babae nang iwanan siyang bigla ni Hector at nagmadali na itong pumasok sa loob ng gate ng bahay niya. Kumaway habang nakatalikod ang lalaki sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Umiiling na pumasok na rin sa kanilang gate si Sandy. Karma mo na 'yan Hector. Saad ng isipan niya. Kompleto ang pamilya Alcantara na kumakain ng almusal. Si Luis ang nagluto. Special kasi ang araw na iyon. Anniversary ng kanilang mga magulang. Para kay Luis, isang halimbawa ng perpektong pamilya ang pamilya nila. Mabait ang kanyang ama na isang pediatrician. Ang ina naman nila ay head nurse sa ospital na pinagtatrabahuan din ng kanilang ama. "Gusto ko na pong makakita ulit." Sabay subo ng kanin. Natigilan ang lahat sa pagkukuwentuahn nang marinig nila ang sinabi ni Alex. "U--ulitin mo nga anak. Ano ulit iyon? Gu--gusto mo nang makakita ulit?" "Yes, mommy. Namimiss ko na po kayo. Gusto ko na po kayong makita ulit." Tumayo ang kanyang ina na nakaupo sa dulo. Tumayo rin ang kanyang ama na nakaupo rin sa kabilang dulo ng pahabang mesa habang si Luis ay nanatili lang sa kanyang upuan na nasa harapan ni Alex. Niyakap ng mga magulang niya ang kapatid. Matagal na nila itong kinukumbisi na magpatingin sa doctor sa ikalawang pagkakaton, ngunit ayaw niya. Minsan na ring sumailalim sa operasyon ang dalaga ngunit hindi pa rin bumalik ang paningin nito. Ayun pa sa mga doctor, ang pasyente mismo ang may gustong hindi na makakita. At kahit ano pa ang gawin nila kung ang mismong may-ari ng mga mata ay ayaw ng makakitang muli, wala ring saysay ang lahat. "Si kuya na ang bahala sa 'yo, Alex. Pangako. Ibabalik ko ang mga paningin mo. Makikita mo na ulit kaming lahat." "Thank you, kuya." Nakangiti niyang sabi. Pagkatapos nilang kumain, niyaya ni Luis ang kapatid sa swimming pool area sa likod ng kanilang bahay. Gusto niyang kausapin ang kapatid nang silang dalawa lang. "Mabuti naman at naiisipan mo nang magpatingin ulit ng mga mata. Akala ko, ayaw mo na talaga kaming makita," ani Luis habang inalalayang makaupo ang dalaga sa gilid ng pool. "Ang sarap ng sikat ng araw kuya," aniya sa kapatid na tumabi na rin sa kanya habang ang mga paa nila ay naglalaro na sa tubig. Mahina lang nang una hanggang sa palakas nang palakas na ang pagsipa nila sa tubig. Basa na silang dalawa sa kakalaro nang mag-ring ang cell phone ni Luis. "Wait. Huwag kang gumalaw. Kukunin ko lang ang cell phone ko sa mesa." Tumayo siya at tinungo ang mesa sa likod nila. Mga apat na hakbang mula sa gilid ng swimming pool na inupuan nilang magkapatid. Dinampot niya ang cell phone saka sinagot at naglakad pabalik sa kinaroroonan ni Alex. "Hector, napatawag ka?" nilagay niya iyon sa loudspeaker at bumalik sa pag-upo sa tabi ng kapatid. "Oo, nandito lang kami sa bahay. Nasa swimming pool kami ni Alex. Dumaan ka na lang mamaya kung gusto mo." Hindi na narinig pa mi Alex kung ano ang pinag-uusapan ni Luis at Hector. Nagwawala na ang kanyang puso. Sobrang lakas ng kabog niyon nang marinig ang pangalan ng lalaking kausap ng kanyang kuya. Ang lalaki na naging dahilan ng gulo sa tahimik niyang buhay. Paano niya haharapin ang lalaki? Iiwasan na lang ba niya ito? Pero gusto niyang marinig nang personal ang boses ni Hector. Hindi lang boses kundi pati na ang mga labi nito. Gusto niyang maranasan ulit ang mahalikan ni Hector. "Lalim ng iniisip mo ah! Huwag kang mag-alala. Gagawin ko lahat ng aking makakaya, makakita ka lang ulit." Sabay akbay niya sa dalaga. Ano'ng ginagawa mo, Hector? Nababaliw ka na ba? Tanong ng isang bahagi ng kanyang utak. Gusto niyang makita si Alex. Pakiramdam niya, mababaliw na siya kapag hindi pa niya nakita ulit ang dalaga. Nagpasya siyang dumaan sa bahay ng kaibigan bago pumasok ng opisina. Wala siyang pakialam kung sasabunin na naman siya ng mga board members dahil lasing na naman siya kagabi at siguradong mamay larawan na naman siyang nagkalat sa boardroom mamaya. Kanina pa tawag nang tawag ang kanyang sekretarya. Nag-aalboroto na naman daw kasi ang ibang member ng board dahil sa larawan niya kagabi. Ilang minuto pa ang dumaan at nasa harapan na siya ng bahay nina Luis. Huminga muna ito nang malalim at inaayos ang medyo nagusot niyang navy blue na suit bago lumabas ng kanyan black Audi na sasakyan. Bahala na! Saad niya sa sarili saka dere-deretso nang pumasok sa loob ng gate ng mga Alcantara. Sinalubong siya ng isang babae na nakasuot ng puting bistida. "Magandang araw Manang Linda!" bati niya sa may edad ng babae. "Magandang araw din naman sa 'yo hijo. Halika. Ihahatid kita sa gazebo. Namdoon na ang magkapatid." Sumunod siya kay Manang Linda. Pagdating nila sa likod ng bahay, agad nakita ni Hector si Alex na nakaupo nang nakaharap sa kanyang direksyon. Katabi lang iyon ng may katamtamang laki at pahaba nilang swimming pool. "Ayun si Alex. Nasa loob pa si Luis. May kukunin kang daw siya at babalik din naman kaagad." Pagbibigay alam ng matanda. Nagpasalamat siya kay Manang Linda bago ito tuluyang umalis ang matanda. Nanatili munang nakatayo si Hector sa kinatatayuan niya at tiningnan nang mabuti ang dalaga. Tiningnan niya ang mapanghalina na mga labi ng dalaga. Bumaba ang tingin na iyon sa tayong-tayo nitong dibdib at bumalik ulit sa mga labi ni Alex. Dahan-dahan siyang nagakad papalapit dito. Agad din niyang napansin ang pag-iba ng anyo ng dalaga. Bakas sa kanina ay maaliwalas nitong mukha ang kaba. Alam niyang kinakabahan ito dahil hindi na ito mapakali sa kinauupuan niya. Kinakagat na ng dalaga ang pang-ibabang labi nito. Kuyom din ang mga kamao ni Alex na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Pumasok siya sa loob ng gazebo. "Alex," tawag niya rito. Napaigtad si Alex nang marinig ang pagtawag ng lalaki sa kanya. Namiss niya ang boses na iyon. "K--Kuya Hector," Itutuloy______ Excited lang na maipost agad e. Hahaha. Please vote and comment po ulit kayo sa kuwento ni Hector at Alex. Salamat! Love...Love... iamdreamer28 ❤❤❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD