I

1435 Words
"Ang ganda ganda mu kasi kaya ka nya nagustuhan,kaya ikaw ang mahal nya,.. kaya baliw na baliw sayo si Gregory,at alam kong mas mahal mo sya kaya bagay kayo..bagay na bagay kayo.." Mahabang litanya ko sa babaeng nasa aking harapan. Napaka ganda nito sa suot na maxi dress na humahakab sa perpekto din nitong katawan.Ang mga labi nito ay nilagyan lamang ng kaunti gloss dahil natural na ang pula nun.Maganda at makinis din ang kanyang balat na alam mung may lahing espanyol. Muli ko pang tinitigan ang babae.. "Haaayyy ang ganda mo talaga self kaya baliw na sayo si Gregory my loves eh" kinikilig ko pang sabi sa sarili kong repleksyon sa salamin.Opo, sarili ko ang tinutukoy kong maganda at mahal ni Gregory.Syempre sino pa ba ang pupuri sa sarili natin kundi sarili din natin.Kung may makakarinig lang sa akin ngayon na mga kasambahay ay iisipin na nasisiraan na ko ng bait. Muli kong sinuklay ang aking bagong treatment na buhok.Aba!, 5 oras ang tinagal ko sa hair salon para lang mapaganda ang aking buhok.Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito.Bakit ba naman kasi hindi, narinig ko kasi ang tito ko na ngayon daw bibisita ang bestfriend nyang mahal na mahal ako --- ah este mahal na mahal ko na si Gregory ,jusko pangalan palang kinikilig na ko lalo n apag nakita ko sya kulang nalang mangisay na ko sa kilig kung di lang nakatingin sakin ang tito ko nung una ko tong makilala at nakipag kamay sakin naku baka nahimatay na ko sa kilig.Pano ba naman kasing hindi eh napaka gwapo nito tapos ang bait pa tapos successful,at higit sa lahat doktor na handang tumulong sa kapos palad odi ba san ka pa mamahalin mu talaga pag ganto ang makita mu diba. "Kleo ,be andyan na ang bisita ng tito Dravis mo kakain na kyo" narinig kong tawag sakin ni Nana Thelma. Isa sya sa kasambahay dito sa bahay ni tito,ah ou nga pala andito ko nakatira sa bahay ni tito Dravis ko, actually di ko talaga sya tito adopted son sya ng grand parents ko sa mother side gusto kasi nila lolo ng lalaking anak kaya ng ampon sila.Hindi na kasi mag kakaanak ang lola ko nun kasi medyo may edad na ng mag buntis kay mommy ko tapos ng magdalaga si mommy sinabi niyang ayaw nyang i manage ang business nila lola kaya nag ampon sila ng pwedeng mag manage at yun nga si tito.Hindi din naman pwede ang daddy ko dahil may sarili din itong business na mas malaki kesa sa business ng mommy ko.Since nasa america sila mommy at daddy at under renovation ang bahay namin dito na muna ko sa bahay ni tito mag stay. "Sige po Nana Thelma sunod na po ako" sagot ko Muli ko pang tiningnan ang sarili ko sa salamin "Haayy miss na kita mahal ko..buti nalang dinalaw mu ko ngayon" Ambisyosa!! Sabi ng konting porsyento ng isip ko na di naniniwala na mamahalin ako ni Gregory my loves. Huminga ako ng malalim bago nag tuloy lumabas ng kwarto ko.Habang naglalakad ako malapit na sa hagdan ay rinig ko na ang tawanan 'ayun narinig ko na din ang boses ng mahal ko andito na nga sya' Habang papalapit ako ay mas lalo kong naririnig ang pag uusap at tawanan nila. Malapit na ko sa b****a ng dining nang marinig kong mag salita ang tito ko "So Greg kelan ang kasal?,aba talagang inunahan mu ko ha.."sabi ng tito ko Teka? Si Greg ko ikakasal?kanino? " In two months pare naasikaso na namin lahat dito sa Pilipinas para makasal kme..dapat next week kaso ayaw ko nman na sa Turkey kame magpakasal kaya sabi ko dito dapat sa Pinas para walang divorce" masayang sagot naman ng mahal kong si Greg. 'ikakasal?' 'in two months?' 'para walang divorce?' Napaka swerte naman ng babaeng pakakasalan nya mahal sya ng taong mahal ko. At wala pa syang balak na maghiwalay sila ha. Pinakiramdaman ko ang aking puso na bigla bigla atang sumakit.Naninikip na din ang dibdib ko mahapdi na ang sulok ng aking mata.I wanted to cry pero buti nalang walang luha ang lumabas. 'matapang ako' 'kaya ko to,hindi ka dapat maniwala Kleo hanggat di sya nagsasabi sayo ng harapan' Pampalakas ko pa sa aking sarili. Nagtuloy ako sa paglalakad papasok ng dining area.Unang nakita ng mata ko ang aking tito dahil nakaharap sya sa entrance ng dining area habang may dalawang tao na nakatalikod sa gawi ko.Ang isa ay kilalang kilala ko.Kahit likod lang nito ang makita ko ay kilala ko ito. 'my loves' Paglipat ng paningin ko sa katabi nito doon nakita ko ang isang babae na mala modelo ang katawan na naging dahilan kung bakit para kong natulos saking kinatatayuan.Ayaw humakbang ng paa ko.Si Candice Smith yung isa sa sikat na model.Ang payat nya st ang tangkad model na model ang datingan. 'sus mas maganda pa din ang may laman pero may shape' 'bitter ka lang' sagot ng sarili kong isip. " O ayan na pala si Kleo pwede na tayo kumain,halika na Kleo."tawag ng tito ko kaya nakuha ko ang atensyon ng lalaking mahal ko pati na din ang kasama nito. Greg look at me and gave me a smile he always did.I was about to smile back to him when the girl next to him speak "Oh she's pretty pala ha, so she is the one you are always telling me Dravis, Ahmmm by the way im Candice,Greg's fiancé." 'kelan pa naging sila eh wala nman nakukwento si Greg at uncle Dravis' Inabot ko ang kamay nya at ng pakilala "Kleo,nice meeting you" "Kleo have a sit so we can eat na.." uncle Dravis said I sit beside uncle Dravis katapat namin ang mahal ko at ang fiancé nya.Lahat ng nakahanda paborito ko alam kasi nang tito ko ang mga paborito ko kaya siguro ito ang pinaluto.Pero kahit paborito ko ang ulam parang ayaw kong kumain.Nawalan na ko ng gana. " Kleo batiin mo si uncle Greg mo ikakasal na sila ni Candice in two months time" nagulat ako ng sabihin mismo ni uncle Dravis yun bagamat alam ko na na ikakasal na nga si Gregory ay masakit pa din pala makumpirma ang totoo. Nagawi ang tingin ko kay Gregory at nakatingin din sya sa akin.Halata sa kislap ng kanyang mata na masayang masaya nga siya na ikakasal na sya. Sa mga oras na to naisip ko na wala na talaga hindi talaga siguro kame para sa isat isa. ' okay lang yan Kleo bata ka pa naman makakakita ka pa ng iba na para sayo' Sabi nga pag mahal mo kung saan man sya liligaya dapat maging masaya ka din para sa kanila. "ahh congratulations po uncle Greg" nahihiyang sabi ko. "naku wag mo na kong tawaging uncle eh nakakatanda saka12 years lang nman agwat natin eh" hindi mu nga nman masasabing 30 years old na ito sa itsura nito ngayon.Kahit naman ako na 18 years old eh mapapagkamalan pa na di nalalayo edad nya sa akin. Nag patuloy ang aming pagkain na halos wala silang bukambibig kundi ang kasal na gaganapin. Binilisan ko na lamang ang pagkain para makaalis na ako sa sa harapan nila at makapag kulong na sa kwarto. Nang matapos ako kumain ay nag paalam na ako aakyat na ako ng kwarto ko.Nais ko muna mapag isa habang nag luluksa ang puso ko. Habang nasa kwarto tinawagan ko ang bestfried ko na si Raffy at kinuwento ang buong pangyayari. "alam mo friend okay lang yun na ikakasal na sya kasi nga nasa edad na sya ang hindi ok yung alam mo na namang hindi ka mahal at hindi ka magugustuhan eh sa kanya ka pa din nakatingin" . Panenermon nito isa pa kasi to sa hindi boto sa pagsinta ko kay Greg. "alam ko naman yun ang akin lang ang bilis naman di ko man lang nahanda ang puso ko." " jusko po rudy Kleo anung ihahanda ang puso matagal mo na namang alam na malabo pa sa patis labo yung pagsinta mo ay may pag sinta din mula sa kanya, hayaan mo na girl" "di ko man lang ba sabihin na naging crush ko sya" " loka bakit mo pa sasabihin may mag babago ba?" tama naman si Raffy kahit sabihin ko ay wala na din namang magbabago dahil ikakasal na sya maigi pa ay kalimutan ko nalang ang pag ibig ko sa kanya bata pa nman ako makakahanap pa ako ng iba. Sana may isang version pa ni Greg na makilala ko.Katulad talaga nya ang pangarap ko Di ko man sya makatuluyan atleast katulad p din nya makilala ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD