Two months later
Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng malaman kong ikakasal na si Greg.Ang bilis lumipas ng panahon hindi ko man lang namamalayan.Malapit na din matapos ang bahay na min na pinaparenovate balak sana nila mama na sa America na ako tumira pero sayang naman ang aming bahay kung wala naman mag stay.
Andito kame ngayon ni uncle Dravis sa kasal ni Gregory.Yes, ngayong araw ikakasal na sya at na invite din ako syempre dahil kay uncle Dravis.
Napaka ganda ng design and set up para sa garden wedding nila.Hindi ko maiwasan na mainggit, ako kaya pag kinasal ganto din kaya kaganda?sana nman maging ganto din.
puno ng bulaklak ang aisle na lalakadan ng bride.
Hinanap ng mga mata ko si Gregory at andun sya sa labas ng venue malapit sa entrance busy sa pakikipag usap sa mga bisita.Halata sa mga mata nya na masayang masaya sya.
Atleast di man nya nalaman na mahal ko sya magiging masaya naman sya sa araw na ito kasi ikakasal sya sa babaeng mahal na mahal niya kaya okay na din ako.
Lumapit kame ni uncle Dravis sa kanya
"O pre ready kana ba mawalan ng night life?pwede ka pang umatras" biro ni uncle ko
"Loko, di ako aatras no mahal na mahal ko yun,saka di naman ibig sabihin ng pagpapakasal ko di ko na kayo makakasama maintindihan naman ako ni Candice ."
Proud na sagot naman ni Greg kay uncle
"Congratulations po uncle Greg" bati ko naman dito.Lumapit ako ng konti sa kanya para mas marinig nya ang boses ko
Nagulat ako ng hinawakan nya ko sa balikat sabay halik sa noo ko
" Salamat baby girl, i'm so happy that you are here, don't call me uncle ok,. kuya is fine kung hindi mo talaga kayang tawagin akong Greg"
Hindi naman talaga ko sanay na tawagin syang Uncle o kuya pag walang ibang nakakarinig bukod kay Raffy. Greg talaga ang tawag ko sa kanya o kaya my loves syempre di nya din pwede marinig.Nag paalam muna ako na uupo na dahil di naman ako kasama sa entourage.
Makalipas nag dalawang oras ay di pa din nag sisimula ang kasal.Aligaga na lahat maging si uncle Dravis dahil sya ang bestman at laging nasa lapit ni Greg.
Maya maya ay lumapit kila Greg ang secretary nito at inabot ang cellphone nito sa lalaki.Saglit itong nakipag usap sa kabilang linya ng bigla nalang ito sumigaw ng tinatawag ang pangalan ng fiance nito.
" Candice babe please lets talk,!! don't hang up the phone I'm coming babe wait for me please...hello Candice?!!! babe?!! hello?!!!f**k !!!" sigaw nito na nakaagaw sa atensyon ng mga bisita.
Mas nag kagulo ang lahat ng bigla nalang sumakay si Greg sa kotse nito at pinaharurot ng mabilis papunta kung saan. Sinundan ito ng mga bodyguards ni tito ang tatay ni Greg at iba pang kaibigan nila uncle Dravis at Greg.
Habang si uncle Dravis ay inaalalayan si tita Alicia ang mother ni Greg dahil nahilo nalang ito bigla at muntik na mahimatay.
Dahil sa kondisyon ni tita si uncle Dravis na ang pinakausap sa mga bisita.
"On behalf of my friend Gregory we would like to thank you for your time but unfortunately this wedding is cancelled please don't let the words come out let's respect my friend and his family's privacy and lets wait for their statements. My secretary and other staff will escort you to the reception hall please.thank you" mabilisang pagkausap ni uncle sa lahat ng mga naandun then he come near me
" Kleo you eat first then I'll ask Frankie to hail a cab for you" he's referring to his secretary Frankie.
" Okay lang po ako uncle Dravis i can manage na po,go on follow Greg po baka may mangyari sa kanyang masama."
" Okay princess you take care ha i have to go,call me when you're home,"
Sabay baling naman nito sa secretary nito na lumapit na sa amin
" Update me everything here,and look after Kleo for me"
" Yes sir i will"sagot ni Frankie dito
Pagkatapos mag bilin ni uncle Dravis ay umalis na rin ito kasama ng ilan pang kaibigan ng mga ito para sundan si Greg.Sobrang nag aalala ko para kay Greg.Napaka bilis pa naman nito magpatakbo kanina.Siguradong hahabulin nito si Candice.
' Lord sana naman po walang masamang mangyari kay Gregory,sana po maayos pa nila ni Candice to at maging ligtas po sya Lord di bale ng di sya maging akin basta ligtas sya at masaya ok na sakin yun Lord'
Umuwi na din ako pagkatapos kong tumulong mag asikaso sa bisita at kamustahin ang parents ni Greg.Nahilo kasi kanina si tita ng nagmamadali na umalis si Greg kanina sa simbahan buti nalamang ay walang masamang nangyari dito at na bigla lang kaya halos mahimatay.
" oh hija ang aga mo naman ,tapos na ba agad ang kasal??"
salubong na tanong sa akin ni Nana Thelma pag pasok ko sa kusina para uminom ng tubig
" hindi po nay, hindi po natuloy ang kasal hindi po kasi dumating si Candice,tapos si Greg po umalis sa venue di po namin alam kung san pupunta sinusundan po ni uncle ngayon" parang pamilya na din naman ang turing ko kay Nana Thelma kaya alam kong okay lang mag kwento sa kanya. Di naman sya tsismosa na ipagakakalat sa labas ang kwento namin sa bahay.
"naku ano daw ang dahilan?jusko sinasabi ko na nga ba parang hindi pa ngayon ang nakikita kong pag lagay sa tahimik ni Gregory ay,hindi ko makita kung yung babaeng yun ang makakasama nya pag tanda" may mga salita kasi si Nana Thelma na kalimitan ay nagkakatotoo may pagka manghuhula kung baga.
" bakit Niyo naman po nsabi yan Nana Thelma?" curious na tanong ko
" eh kasi hija parang hindi pa ganun ka kintab o kaliwanag yung aura nya alam mo un?...ah basta ganun un nakikita ko,hindi pa talaga ngayon,di ko masabi kung maling tao o maling panahon lang" paliwanag naman ni Nana thelma
' baka po parehas kasi ako dapat yun' sabi ng isip ko,naku naman naisip ko pa talaga yun sa gantong panahon.Wala na kong pakialam kung ako man yun o hindi basta maging masaya si Greg ok na sa akin yun.
Nag paalam muna ako kay Nana Thelma na aakyat muna sa kwarto ko para maligo at mag bihis.Pag dating ko sa kwarto ko dumiretso agad ako sa banyo pagka hubad ko ng damit ko. Habang naliligo ako ay iniisip ko si Greg kung kamusta na kaya ito.Naabutan kaya sya ni Uncle Dravis.Sana naman wag syang gumawa ng bagay na ikapapahamak nya.
Halos kalalabas ko pa lamang sa banyo ng bigla may kumatok sa kwarto ko at si Nana Thelma iyon
" Kleo buksan mo ang t.v. mo at ilagay mo sa news madali ka" nagpapanic na sabi sakin ni Nana thelma.
Di ko na nagawang mag tanong kung bakit basta ko na lamang binuksan ang tv at nilagay sa news.
" Sikat na cardiologist at surgeon na si Dr. Gregory Yilmaz nasa kritikal na lagay matapos sumalpok sa poste ng minamanehong sasakyan. ayon sa ulat mabilis ang pagpapatakbo ng binatang doktor na galing daw sa airport.Dahil din di umano sa kanya paraan ng pagmamaneho ay hindi nito napansin ang bata na papatawid sa kalsada,agad naman daw naiwasan ng doktor ang bata ngunit sumalpok ito sa poste.Wasak ang harapang bahagi ng sasakyan nito at ayon sa mga saksi mukhang hindi maganda ang lagay ng binata.Agad naman itong naisugod sa ospital, wala pang pahayag ang mga kaanak nito maging ang mga kaibigang nakasaksi sa pangyayari"
tulala lamang ako hanggang sa matapos na ang pag babalita tungkol kay Gregory.
'Lord bakit naman po ganun ang nang yari, wag nyo po munang kunin si Gregory Lord pakiusap po' sabay nang taimtim kong dalangin ay ang pag patak ng luha sa aking mata,ang simpleng iyak ko ay nauwi sa hagulgol.Di ko na naisip na nakatingin sa akin si Nana Thelma na nalilito sa reaksyon ko.Sobrang sakit ng nararamdaman ko.Iyong sakit na may halong pag aalala.Iniisip ko palang na may nagyaring masama kay Greg ay sobrang sakit na pano pa kaya kung ganitong nasa kritikal syang kalagayan.?
And today i experienced another heartache,still cause by the same man kahit di nya alam.