KABANATA 18

2995 Words

NAGING abala sa trabaho si Sir Ali sa mga sumunod na araw. Ang sabi niya nang huli kaming mag-usap ay tinututukan niya ngayon ang development ng isa sa mga proyekto ng kompaniya niya na resorts and campsites. Nasa kabilang bayan iyon. Nagkaroon nga raw ng problema sa ilang konstruksiyon kaya made-delay pa ang tapos. Naging madalang ang aming pagkikita at sa tingin ko ay pabor na rin iyon sa'kin. Nagkakaroon ako ng panahon para makapagmuni-muni at pag-isipan nang mabuti ang nangyayari. Hindi ko iyon nagawa noong unang beses na natagpuan ko ang sarili ko sa mga bisig ni Sir Ali. Nawindang ako. Parang sa bagyong dumating siya sa buhay ko at napatangay na lang ako na hindi inaalam kung saan ba kami papunta. Tinuturuan ko ang sarili kong masanay na hindi siya lagi nakakasama. Mahirap pero kai

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD