PAGBUKAS ko ng pinto ay bumungad sa akin ang tatlong lalaki.
"Palabasin niyo ako rito. Nais akong gahasain ng amo niyo!" Nanginginig ang tuhod ko sa sobrang takot at pangamba.
Pero hindi ako pinakinggan man lamang ng mga lalaki at muling isinara ang pinto. Tila nawalan ako ng lakas.
"Dāmn you, woman!"
Binundol ng matinding kaba ang aking puso nang mapalingon sa lalaking tinuhod ko kanina. Napangiwi ako nang makita ang hitsura nito.
"N—Nasaktan ba?" nauutal kong tanong dito.
Pinukol ako nito ng isang matalim na tingin. Napalunok ako.
"I brought you back here to take care of our child!"
"Gano'n ba? E, 'di okay. Pero kailangan ko ring atupagin ang pag-aaral ko at ang pagsasayaw ko sa club tuwing gabi."
"What?!"
"O, kita mo hindi mo alam? Hindi nga ako ang asawa mo," tugon ko rito na pilit inaalis ang tensyon ng atmosphere sa pagitan namin ng galit na lalaki.
"Shut up!"
Nagulat ako sa malakas nitong pagsigaw. Kaya pinili ko na lamang na tumahimik. Napayuko ako nang tuluyan na ako nitong malapitan.
"Please... hindi nga ako ang asawa mo. Pwede mo akong paimbestigahan," turan ko ulit sa kanya.
Kailangan kong sabihin nang paulit-ulit para ma-realize niyang tunay ang sinasabi ko at hindi ako nagsisinungaling.
"Maawa ka naman sa akin, sigurado akong nag-aalala na sa akin ang aking mga magulang. May sakit sa puso ang aking ina at baka sa sobrang pag-aalala ay atakihin na naman 'yon," pagmamakaawa ko sa tila pusong-bato na lalaki.
"Don't make me look foolish, Lavinia. Because no matter what you say, I won't believe you anymore."
"Ang kulit mo naman, hindi nga ako si Lavinia. Subukan mo lang maniwala sa akin, alisin muna natin iyang si Lavinia at ipasok mo ako sa isipan mo bilang si Cally Janeiro. Iyan ang tunay kong pangalan."
Kailangan kong makumbinsi ang lalaking nasa aking harapan. Dahil kapag hindi ko siya nakumbinsi kawawa ang mga magulang ko. Ako lang ang inaasahan nila.
"Hindi mo na mabibilog ang ulo ko, Lavinia."
"Please... gagawin ko lahat ng nais mo. Kailangan ko lang talagang makauwi ngayon dahil sa mga magulang ko. Hindi ako gumagawa ng kwento at kahit samahan mo pa ako sa bahay na tinitirhan namin. Pakiusap, kahit para man lamang sa ina kong may sakit."
Napansin kong mukhang nakahuma na ang naturang lalaki sa ginawa kong pagtuhod sa pāgkalalaki niya. Binundol ng kaba ang aking puso nang lapitan niya ako.
"Pakiusap, huwag mo akong sasaktan. Nagawa ko lang 'yon sa'yo para depensahan ang sarili."
Salubong ang kanyang dalawang makakapal na kilay habang nakatitig sa aking mukha. Tila ba pinag-aaralan ng maigi ang aking mga sinasabi.
"It's difficult to regain the trust that you have repeatedly broken, Lavinia."
Napaatras ako, kinakabahan sa kanyang kakaibang titig, kulang na lang ay kainin ako ng buhay.
Kung ayaw talaga niyang pakinggan ang aking sasabihin ay wala na akong magagawa. Siguro kay Adam na lamang ako hihingi ng tulong. Pwede ko siyang magamit kung sakali. Tama, iyon na lang ang gagawin ko. Aalamin ko kung sino nga ba si Lavinia.
"Hindi nga ako si Lavinia," giit ko pa rin sa kanya.
Nagulat ako nang marahas niyang hawakan ang isa kong braso at walang-awa ako nitong hinila dahilan para mapasunod ako. Napangiwi ako sa sobrang sakit.
"Aray!"
Itinulak lang naman niya ako sa malambot na kama. Muli na namang bumangon ang matinding kaba sa aking puso.
Hindi, hindi pwedeng magtagumpay ito sa nais. Kailangan kong lumaban at ibigay ang buong-lakas para maingatan lamang ang sarili.
Nang biglang mag-ring ang aking cellphone. Napasulyap ako sa Father clock ng kwarto, at eksaktong alas sais na ng gabi kung saan naroon na sa meeting place namin ang boyfriend kong si Phillip.
Panginoon ko po, ano bang dapat kong gawin? Mukhang madadale ng lalaking ito ang iniingatan kong dangal. Hindi ito pwede.
"A—Anong gagawin mo?" tanong ko.
"Maghuhubad, gusto kong bumawi ka sa ginawa mong pagtuhod sa akin."
"Ano?!" Bulalas ko.
Napalunok ako nang mapagmasdan ang napakagandang katawan ng lalaki. Malaya ko tuloy napagmamasdan ang ganda ng tanawin. Masasabi kong, sobrang hot nito.
As I gaze upon his chiseled abdomen, I can't help but be mesmerized by the perfect definition and sculpted lines.
Nang akmang huhubarin na rin nito ang sariling pantalon ay sumigaw ako.
"Sandali lang, bakit kailangan pati ang pantalon mo kailangan mo pang maghubad sa mismong harapan ko? Nababaliw ka na ba?"
"Shut up, Lavinia!"
Awtomatikong nagtakip ako ng aking mga mata sabay talikod nang maghubad nga ito sa aking harapan.
"Dāmn you, pervért ásshóle!"
Narinig ko ang malutong nitong halakhak. Ngunit nagulat na lamang ako nang maramdaman ko ang pag-uga ng kama.
"Don't you dare na lumapit sa akin at talagang makakatikim ka ulit nang pagtuhod," banta ko rito.
"Oh, really?"
"Hindi ako nagbibiro, Mr. Manyakis!" Inis kong tugon at hinarap ito. Napalunok akong muli.
Pinipilit kong huwag sumulyap man lamang sa may bandang v-line nito pababa, pero sadyang sutil ang mga matang meron ako at nakita ang nakakatakot nitong pāgkalalaki.
Hindi ko napigilan na mapasinghap sa sobrang kaba.
"Nakakahiya ka!" Ani ko at inis na tinalikuran itong muli.
"Truly, it's more shameful for you to be with your useless guy," sarkastikong tugon nito sa akin.
Kumunot ang noo ko. So, may ibang lalaki pala ang tunay nitong asawa? Kung gano'n, baliw at bobó ang babaeng 'yon? Nang maalala ko si Adam, lihim akong nalungkot para rito.
Medyo nawala ang kaba sa aking puso nang nahiga ang lalaki sa kama. Napansin kong may takip ng kumot ang nakakaakit nitong katawan.
"Hindi ka ba talaga naniniwala sa akin?" seryosong tanong ko rito.
"No one believes in people who lie."
"Paano ko ba mapatunayan sa'yo na hindi nga ako ang asawa mo?"
"Let's f**k," simpleng sagot nito sa akin.
"Kung sakali bang itataya ko ang pinaka-iniingatan kong dangal pakakawalan mo na ba ako? Kailangan ko ng assurance, kung sigurista ka, mas lalo na ako. Kaya kong ibigay lahat para sa mga magulang ko."
Pinakatitigan nito ang aking mukha na wari bang pinag-aaralan nito kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.
"Please... I beg you to let me go," nagmamakaawa kong sabi rito kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.