"Bakit malungkot ka?" nakangiting tanong ko kay Adam. "Hindi ko rin po alam, sana po okay lang sa boyfriend niyo na tawagin kitang mommy." "Cally?" Kapwa kami napalingon ni Adam sa tumawag sa aking pangalan kasabay ng malakas na pagtibok ng aking puso nang marinig ang pamilyar na boses ng aking pinakamamahal na si Philip. Awtomatikong nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha mula sa aking mga mata. "Mommy..." Narinig kong sambit ni Adam. Matagal bago ako nakapagsalita dahil sa matinding emosyon na lumukob sa aking dibdib. Sino ba naman ang mag-aakalang magkikita kami ni Philip sa party na ito gayong hindi naman siya mahilig sa mga parties gaya ng sinabi niya sa akin noon. "Cally, I'm looking for you and I never thought that we would meet here. Mommy? How can you explain it to me?" Kitang-ki

