TJ’s POV Habang nagmamaneho ay napapangiti ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang daddy na ako. Daddy na talaga ako! Hell, yeah. I am so proud. As proud as Raine. I am so proud of her, too. Nakaya niyang iluwal ang baby namin kahit na gaano pa kahirap at kasakit ang pinagdaanan niyang pagli-labor. Hindi siya nagreklamo, hindi siya nanisi. Hindi siya nagpa-ceasarian kahit afford ko namang bayaran 'yun at para hindi na siya mas mahirapan pa. Kinaya niya. Kinaya ng asawa ko kahit umiiyak na siya sa kirot, hirap at sakit. Dalawang buwan na mula nang iniuwi namin ang aming munting hari. At sa loob ng dalawang buwang iyon, hindi na siya nahiwalay sa tabi ni Raine kahit na may kinuha akong nurse para sa kanila at naroon din si Nanay para alagaan sila. First hand talaga si Raine sa pag-aalaga. Kun

