Allysandra’s P.O.V
Pinilit ko ang sarili kong kumalma sa nakita ko. Inayos ko ang nalukot na parte ng papel atsaka ko ibinalik sa loob ng envelope. Inilagay ko na ito sa cabinet ng table at sinigurong naka-kandado iyon bago huminga nang malalim at magpasyang tumayo mula sa kinauupuan ko.
Pagtayo ko ay naramdaman ko ang panlalambot ng mga tuhod ko.
Ganito parin pala kasakit sa akin. Ganito parin pala ako ka-apektado.
Sa lahat ba naman kasi ng pwede kong mahawakang ta-trabahuin, ‘yung ganoong topic pa! ‘Yung may kaugnayan pa talaga sa kung ano ang hinding hindi ko magagawang magustuhan sa buong buhay ko.
Para tuloy naisip ko na nananadiya sa akin ang Editor in Chief nang ibigay niya ‘yon sa akin at parang gusto pa yata niya akong umalis sa trabaho. Pero baka kasalanan ko rin naman siguro.
Trabaho ko ito, so I think I should just do it regardless of my past. I promised professionalism to my employers. Ayoko na may hindi ako magawa sa mga inilagay kong characteristics ko sa resume ko. Gusto ko lang naman panindigan ang mga sagot ko sa interview--- ang dahilan siguro kaya natanggap ako.
Nagsimula na akong maglakad pababa sa lobby, para mag-out.
Malayo pa ako sa labasan, tanaw ko na si Manong Guard nan aka-ngiti sa iba pang mga lumalabas. Usually sa entrance lang siya, kaya medyo nagtaka ako kung bakit siya ang nagbabantay sa exit ngayon. Habang nag-iisip ng posibleng dahilan ay bahagya akong napatingin sa kaniya.
Lalagpasan ko sana siya nang mahagip ako ng mata niya.
“Hi, Ma’am!” bati nito sa akin, kahit pa may kausap itong isa pang empleyado ng publishing.
“Hi, Kuya.” Bati ko naman dito, para naman hindi ako magmukhang suplada at matapobre.
Nang umalis na ang kausap niya at oras na para sa pag-check niya ng bag ko, napansin ko na kahit hindi siya naka-ngiti, mukha parin siyang masaya.
“Siguro Ma’am iniisip niyo kung bakit nasa exit ako, ano?” nanlaki naman ang mga mata ko, dahil nahulaan niya ang iniisip ko kanina.
“Hindi po ah…” nagsinungaling pa ako na alam ko namang hindi niya paniniwalaan, dahil parang alam ni Manong ang lahat ng kasagutan sa mundo.
Matapos niyang i-check ang bag ko, nginitian lang ako nito at nang akmang hahakbang na ako palayo, bigla naman siyang nagsalita.
“Nag-do-double duty kasi ako, Ma’am. Pandagdag sa gastusin.” Sagot nito kaya naman tumango tango ako at patuloy na naglakad na paalis nang walang sinasabi sa kaniya.
Nang makalabas ako ng building, makulimlim ang panahon at medyo malakas ang simoy ng hangin kaya naman nakaramdam ako ng ginaw. Dahil mga EIC lang at mga nasa matataas na posisyon lang ang required na mag-suot ng uniform--- which is for me, baligtad, kasi dapat ang mga starters ang hindi pwedeng magcivilian--- naka-suot lang ako ng fitted black pants at white tank top at pinatungan ko ng blazer. Dahil hindi ako mahilig mag-suot ng sapatos, sandals ang suot ko, kaya naman nang naramdaman ko ang mahinang pag-patak ng ulan at bigla akong kinabahan.
Ilang minuto rin akong nakatayo sa tabi ng daan, pero wala paring taxi o bus na dumaraan. Nang feeling ko, aabutan na ako ng ulan kung hindi pa ako makakasakay ay kinuha ko na ang phone ko sa bulsa at akmang mag-b-book na ng grab nang biglang may tumigil na sasakyan sa harapan ko.
Hindi koi to pinansin, dahil sa gara nito, siguradong hindi naman ito taxi or what-so-ever. Hindi pa rin naman ako nakapag-book sa malayong malayo na grab ito. Naglakad ako pasulong sa pathway, dahil nakaharang ito sa harapan ko. Nang magsimula akong maglakad ay para naman itong buntot na nakasunod lang sa akin.
Bigla akong tumigil at pilit na inaaninag kung sino ang nag-d-drive ng sasakyan, dahil medyo napipikon na’ko. Ayaw ko pa naman ang kinukulit-kulit, dahil sobrang ikli lang ng pasensiya ko sa tao.
Nang maglakad ako ulit at sumunod ito atsaka na kumunot ang nook o at kinatok ang bintana ng kotse.
“Excuse me!” sigaw ko rito, pero kahit anong katok ko, hindi nito ibinababa ang bintana niya.
Hindi ako tumigil sa kakakatok. Siguro, dalawang minute na rin ang kumakatok at talaga namang naiirita na’ko. Gusto ko nan g**g suntukin ang bintana, kaya lang… ayoko namang i-risk ang kamay ko na kayamanan ko. Kung hindi dahil sa mga kamay ko, wala akong trabaho ngayon, kaya iniingatan ko sila.
“Kapag sumunod ka pa… makikita mo…” pagbabanta ko rito, kahit pa hindi ko alam kung naririnig ako nito. Mabilis ko namang kinuha ang cellphone ko at idinoodle ang mga salitang Huwag kang sumunod. Makikita mo talaga! Atsaka ko idinikit sa bintana niya ang screen ng phone ko.
Nang magsimula akong maglakad ulit, wala na’kong narinig na sasakyan kaya naman medyo napanatag ang loob ko.
Malay ko ba kung holdaper ‘yon?! O kung kidnaper?!
Imposible, Allysandra. Mukhang mahal pa sa bahay na inuupahan mo ang kotse niya… Huwag kang feeling.
Sumimangot naman ako nang kontrahin ako ng konsensiya ko.
Wala na akong kotseng narinig, pero dahil sa lakas ng hangin, naka-amoy naman ako ng mabango, kaya napalingon ako at paglingon ko ay sakto namang pagbangga ng mukha ko sa matigas na dibdib ng kung sino mang tao na noong nagpa-ulan yata ng kabanguhan sa katawan, nagdo-donate pa siya!
I took my time to sniff every bit of it haggang sa pakiramdam ko nasanay na ang nostrils ko. At isa pa, sigurado naman akong there is no harm in fragrance! Tatakbo naman ako kung amoy datu puti o bayabas. Pero kung ganito naman ang amoy…
Hindi kasi siya ‘yung typical na amoy na masakit sa ilong. ‘Yung amoy niya at parang bagong ligong amoy ng lalaki at kapag pinawisan, ‘yung pawis niya, pwede na ring gawing pabango.
Gano’n!
Amoy powdery at the same time, manly! Mahirap siyang i-put into words. Kapag naaamoy ko, parang nakakawala ng stress.
Basta mabango!
Parang nakalimutan ko nga ‘yung inis ko sa kotse kanina at ‘yung hospital nang maamoy ko siya, eh.
“Wala bang kaso para sa ginagawa mo sa akin?” bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.
“Harrasment yata ‘to…”
Natigilan ako.
What the actual f uck?!
Pamilyar ang boses niya. Hindi ko alam kung saan ko narinig. Ang alam ko, narinig ko na ang boses niya before.
Gustong gusto ko nang malaman kung sino siya at ano ang itsura niya, pero hindi ko magawang mai-angat ang mukha ko para tignan siya, dahil sobrang nakakahiya ang ginawa ko. Kahit gusto ko mang tigilan ang pag-amoy sa kaniya, hindi ko rin magawa.
Para akong na-magnet sa kaniya at ngayon… nag-iisip ako ng paraan kung paano ako makaka-alis sa sitwasyon na ‘to!
Lord… sana maginginvisible muna po ako kahit slight lang…
Bigla naman akong naka-isip ng plano, kaya ang kaninang hopeless kong pagkatao, napalitan ng determinadong Allysandra.
Naisip ko na mag sniff and run nalang! Sniff for the last time, then run!
Napangiti ako sa idea ko. For the first time in my life, ngayon lang ako nakaramdam ng thrill. Ngayon lang ako nakaramdam ng excitement sa buhay ko… ulit.
Huminga muna ako nang malalim dahilan para masinghot ko ang natitirang amoy niya sa damit niya bandang dibdib nito. Napansin ko rin ang sapatos niya na grabe ang kinang at mukhang bagong bili lang, kaya siguradong kung sino man ito, hindi niya i-ri-risk na ipangtakbo ang mga ito.
Lumaki ang ngiti ko.
Pagbilang ko ng tatlo, tatakbo ako.
Isa…
For the last time, suminghot ako.
Dalawa…
Ipinwesto ko na ang isang paa ko paatras.
Tatlo!
Tumakbo ako nang sobrang bilis na pakiramdam ko, nasa isang race ako at kailangan na kailangan kong makuha ang first place. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin, pero tama nga ang hinala ko na hindi niya iri-risk ang sapatos niya sa pag-chase sa akin.
Hindi ko alam kung saan ako nakahinto. Hingal na hingal ako at sobrang pawis na pawis ako. Bumilib din ako sa sarili ko at sa 3 years old kong sandals na kinaya nila ang layo ng tinakbo ko.
Nang makakita ako ng malaking bato, napa-upo ako. Kahit hinahabol ko ang paghinga ko, hindi ko napigilan ang malaking ngiti na gustong kumawala sa labi ko. I even slapped myself for thinking na nababaliw na’ko, dahil mag-isa akong naka-ngiti.
Nakita ko pa na may batang tinuturo ako sa Nanay niya probably thinking na nababaliw ako, but I don’t care. Nag-smile parin ako, kasi nga… hindi ko mapigilan. Parang sa paghinga ko, nakikiliti ako. Na parang may nabuhay na kaluluwa sa katawan ko o parang nasasaniban ako ng spirit of happiness.
I am not even regretting that I ran away from someone after sniffing him. I was just thankful that for the first time, I did that. Na nakaya kong gumawa ng ganoong klaseng act na akala ko sa TV ko lang napapanood and it’s some sort of foolish thing to do.
I let out a deep sigh with a smile on my face bago tumayo at tumawid ng overpass para maglakad patungong terminal. Natakbo ko na pala ang terminal na medyo may kalayuan. Sumakay na ako ng bus--- sa unahan--- at thankfully, wala namang nagpaalis sa akin doon.
Naisip ko na sobrang boring lang ng buhay. Mag-aaral, magtatapos, magtatrabaho, bibili ng kung ano ano, mamamatay. It’s a cycle na kung pwede lang, ayoko nang ituloy, pero hindi pwede dahil at the same time, kasalanan ang kumuha ng buhay na pinahiram lang sa atin.
Ang sarap pala na kahit minsan lang sa buhay magkaroon ng thrilling experience. Ang iba kasi, namimisinterpret ang thrill as pain--- ako. Pero as I see it, magkaiba ‘yon nang sobra. Because thrill gives us pleasure and excitement na pain won’t ever get to give us.
EVER.
That’s why today, I appreciate myself for doing the sniff and run.
Nakauwi ako na hindi nadadatnan ang may-ari ng paupahan sa labas ng bahay ko o nagwawalis sa harapan niya, kaya naman panatag akong pumasok sa loob. Maraming nangyari sa araw na ‘to, pero nagpapasalamat ako dahil at the end of the day, nagkaroon ako ng bagong experience sa buhay.
Pagpasok ko sa bahay, kaagad ko namang napansin na may nakadikit na papel sa may pintuan ko. Nang basahin ko ‘yon, bigla namang kumunot ang noo ko.
Hija, may bago nang lilipat sa bahay. Bukas na ang dating niya, so kailangan mo na lumipat. Pasensya na… kailangan ko talaga ng pambayad.
Nakasimangot akong pumasok sa loob ng bahay, dahil ngayon, hindi ko alam kung paano ko ililigpit lahat ng mga gamit ko na isang linggo kong inayos na ako lang mag-isa.
Tinext ko naman si Stefan kaagad ng “I need help!!!” pero mas sumimangot ako sa reply nito.
“This is his boyfriend. What do you want?”