Chapter 0

2457 Words
Third Person's P.O.V (2015) Alas-singko ng hapon nang maghugas ng plato si Allysandra diretso galing eskwelahan. Ito lang ang maitutulong niya sa Tita niya na kasama niya mula nang mawala ang Mama at Papa niya. “Ally, alis na’ko. Initin niyo nalang ang ulam diyan. Ang Tito mo, lumabas yata at may binili.” Paalam ng Tita niya papasok ng trabaho. Matapos maghugas ng plato ni Ally, walang tigil siya sa paghahanap sa isang maliit na piraso ng espesyal na papel na may lamang pera na sapat para pambayad ng pang-isang buwang matrikula niya. Sa sobrang importante no’n sa kaniya ay kinapalan na niya ang mukha niya para tanungin ang Tito niyang nanonood ng TV habang kumakain ng bagong biling barbeque sa kanto kung saan nakapatong ang mga paa sa mesa kung saan niya naiwan ang sobre. “Tito…” tawag palang niya rito ay ang sama na ng tingin nito sa kaniya. Halatang na-bwisit ito sa pagtawag sa kaniya ng pamangkin ng asawa niya. “Tito, napansin niyo po ba ‘yung parang bookmark na nakapatong sa mesa?” napakamot sa likod ng ulo si Ally, “Nakalimutan ko po kasing kunin kaninang naghugas ako ng plato.” Matagal bago nakasagot ang Tito niya. Kilala niya ito at mga kaya nitong gawin para lang gawing miserable at mahirap ang buhay nito habang wala ang Tita niya. May kutob si Allysandra na nakita ito ng Tito niya, pero hindi niya kayang sabihin ‘yon nang harap-harapan, dahil siya ang magmumukhang mali at masama. “Hindi ko nakita.” Tipid na sagot nito habang ngumunguya ng liempo na sinamahan niya ng kanin. “Tito, mahalaga po sa akin ‘yon…” “Hindi ko nga alam sabi, eh. Kung ayaw mong mawalan, huwag kang maging burara!” sigaw nito kay Ally. “Tito, kailangang kailangan ko po ‘yung perang ‘yon…” napabaling naman sa kaniya ang Tito niya atsaka nanliit ang mga matang sinuyod ng tingin si Allysandra. “Pinagbibintangan mo ba ako?” “Hindi naman po sag anon, Tito… Baka lang po kasi nakita niyo---” “Tanga ka ba?! Anong tingin mo sa’kin? Aangkinin ko, kahit hindi naman sa’kin?” umiling si Ally at pilit na pinigpigilan ang sarili niyang sumabog, “Palibhasa, hindi ka napalaki ng maayos, dahil wala kang magulang---” “Huwag na huwag mong idadamay ang mga magulang ko.” Pagbabanta ni Allysandra. “Bakit? Totoo naman ‘di ba? Hindi ka nakaranas ng aruga---” hindi na niya napigilan ang pagsigaw dahil sa sobrang inis niya, “Sumusobra ka na, Tito!” “Wala kang respeto, ha?!” “Wala akong pakialam kung mas matanda ka sa akin o asawa ka ng Tita ko. Sa ugali mong ‘yan, hinding hindi nababagay sa’yo ang makakuha ng respeto mula sa akin.” “Ang tapang tapang mo ngayon, ha.” “Noon pa ako nagititmpi sa’yo. Akala ko, makakaya ko pang tiisin ang kasamaan ng ugali mo, pero hindi! Asawa ka lang ng Tita ko! Hindi mo nga mabigyan ng anak ang Tita ko---” Isang malakas na sampal ang ibinigay niya kay Allysandra. Sobrang hapdi na parang sampal ito upang gisingin siya sa reyalidad kung saan ang isang Allysandra Fernandez ay hindi magagawang sabihin iyon sa Tito niya na kinakatakutan niya. “Walang hiya ka talaga, Allysandra. Sandali…” Agad na tumayo ang Tito niya upang pumasok sa kwarto niya at ibato sa labas ng bahay nila ang mga gamit niya. Kasabay ng kulimlim ng panahon ay ang pagpapalayas kay Allysandra ng asawa ng Tita niya sa pamamahay nila. She’s been living with them for the past eight years and ngayon ang araw na kinakatakutan niya. Bigla namang umurong ang matapang niyang dila at umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagbabago ng desisyon niyang kalabanin ang Tito niya. “Tito…” “Alam mo, Ally, matagal na kitang gustong palayasin sa pamamahay na ‘to!” matapang namang sumagot si Allysandra, pinipigilan ang luha niyang gusto nang pumatak. “Pero kay Tita Celeste naman po itong bahay…” “Asawa ko siya. May karapatan ako kung ano ang kaniya!” “Buntis ang tita mo.” Natigil naman si Allysandra sa pag-pupulot ng damit niyang nasa lupa. “Hindi mabigyan ng anak? Anong karapatan mong sabihin ‘yon?” hindi maka-imik si Ally, dahil hindi parin siya makapaniwala na buntis ang Tita niya. Kanina’y iniisip niya lang kung paano niya mahahanap ang pera niyang pambayad ng tuition. Ngayon, Dagdag pa na nasa isip niya lang ay kung saan siya pupulutin kung sakaling palayasin nga siya. “Tito, sorry…” halos pabulong na sabi ni Ally, habang inilalagay sa bag niya ang mga damit na nagkalat sa daan. Pinagtitinginan na siya ng mga tao, pero hindi niya ‘yon gaanong pinapansin. “Lumayas ka na, kung ayaw mong malaman lahat ng Tita mo kung ano ang sinabi mo. Hindi pala mabigya ng anak, ah…” pananakot nito atsaka mabilis na sinara ang gate at pumasok sa loob. Nilapitan naman siya ng matandang babae na nagbebenta ng barbeque sa kantong malapit sa bahay nila, nag-aalala niyang tinulungang makatayo si Allysandra. “Hija, anong nangyari?” “Nagkasagutan lang po ng kaunti…” “Kanina, bumili ng maraming barbeque ‘yang Tiyo Martin mo. Nagtaka nga ako kasi ang dami niyang pera na ipinanlibre pa ng softdrinks sa mga nasa toda.” Bigla namang nag-angat ng tingin si Allysandra sa matandang babae. “Alam niyo po ba kung saan niya inilagay ‘yung sobreng lalagyanan ng pera?” nagbabakasakaling tanong ni Ally at parang nabunutan siya ng tinik nang tumango ang tindera. “Doon, hija. Itinapon niya.” Turo nito sa basurahan na nasa tapat ng kapit-bahay. “Salamat po…” Matapos niyang ilagay sa bag niya ang gamit niya ay agad na tumayo siya upang kalkalin ang basurahan at doon niya natagpuan ang espesiyal na sobre na agad niyang itinago sa bulsa ng short niya. Wala na ang mga laman nito, pero nagpapasalamat parin siya na nakita niya ito. Habang naglalakad sa tabi ng daan, naisip ni Ally kung ano ang mangyayari kung sakaling magpapasagasa nalang siya sa isang rumaragasang ten wheeler truck, pero malabo iyong mangyayari, dahil puro tricycle lang naman ang dumaraan sa daan nila. Madalas, bike nga lang. Edi siya pa ang makape-perwisyo. “Pati ba naman ang huling hantungan, palpak.” Bulong niya habang pinupunasan ang luha niyang rumaragasa mula sa mga mata niya. Medyo nagkaka-edad na ang Tita niya at hindi siya nabubuntis, kaya ngayon na finally, nagbu-buntis niya siya, hindi magiging magandang ideya kung malalaman niya ang nangyari ngayong araw sapagitan nila ng Tito Martin niya. “Lord, iisipin kong blessing ‘to sa akin. Kasi kung hindi pa ako pinalayas, baka kung ano pang mangyari sa Tita ko kapag nalaman niya lahat ng ginawa ng Tito ko sa akin. Hindi puwedeng mawala ang baby niya---” *beep beep* Napapitlag si Ally sa gulat nang businahan siya ng isang sasakyan. “Hop on, cry baby.” It was Haven Villaruel wearing his usual sweet smile, which is a simple way of telling Allysandra that everything will be okay. “Hindi ako cry baby at mapapagalitan ka na naman for riding you Dad’s car.” “So? Makakalimutan din naman nila kinabukasan, so let’s go.” Sumakay naman si Ally atsaka niyakap ang bag niya. “What’s with the bag?” Umiling si Ally at ngumiti kay Haven. “May kasalanan ako sa’yo.” “What?” “Ano kasi…I… I lost the money you lend me, Haves…” Ayaw na ayaw niya ng binibigyan siya ng kung anu ano ni Haven, pero kung utang na may interes pa, payag siya. “Ay naku! Don’t think about it na, ‘no. Papautangin kita ulit, pero mas mataas ang interes, ha…” tumango at ngumiti si Ally rito. “Tapos hindi mo naman ako pagbabayarin. Hmp!” tumawa lang si Haven dito. Noong isang araw, sinabihan siya ni Haven na may pupuntahan sila, pero hindi niya alam kung kailan at saan, dahil sabi nito ay secret iyon. Pero sobrang na-excite si Ally, kaya naman nagpasya siyang tanungin si Haven. “About the surprise destination you told me about. Saan ‘yon?” “Secret nga ‘di ba? So kapag sinabi ko, hindi na secret.” “Hay, Lord... Bakit ba ako nagka-best friend na sira ulo…” she laughed. Habang pinapanood ni Ally ang daan kung saan sila papunta, na-a-amaze siya sa ganda ng tanawin dito. Tuwing magtatanong siya kay Haven kung nasaan sila o kung saan sila papunta, hindi ito sumasagot at ngingitian lang niya si Ally. Hindi namalayan ni Ally na nakatulog na pala siya. Nang tumigil ang sasakyan sa isang lugar na malayo sa kabihasnan. It was a mountain where Allysandra dreamed about hiking and she was so sure that she told Haven about this before. “Hoy, grabe...” Na-i-iyak si Ally. “Hoy, grabe…” He mocked and hugged Allysandra while laughing, kasi umiiyak na naman ito. Ally only shows her vulnerability to him, “I figured out na this is the best time to come here…” sabi naman ni Haven. Iniwan nila ang gamit nila sa kotse at itinali ang jacket na dala ni Haven sa bewang ni Allysandra atsaka nginitian ito. Haven is a real gentleman, especially to Allysandra. “Let’s go.” They started to hike. They were holding hands, dahil medyo matarik ang daan. “Ano na naman ang pinaalam mo sa parents mo about you using the car?” tumawa lang si Haven habang patuloy sa pag-hahike at maingat na inaalalayan ang bestfriend nitong si Ally. “Huwag ka na masyado mag-isip about it. Don’t worry. Hindi naman ako tumakas. I was strolling, tapos na-tiyempuhan lang na nadaanan ko bahay niyo, so hindi ka damay kung mapapagalitan ako.” Minsan na kasing napagalitan si Haven ng parents niya sa paggamit ng sasakyan habang sakay si Allysandra. Only child si Haven, kaya naman over protective ang parents niya sa kaniya, kahit pa lalaki ito. “Umuwi nalang kaya tayo kaagad? Baka gabihin tayo sa daan, eh.” “No… let’s reach the top. Ang tagal mo pinangarap ‘tong lugar na ‘to, ‘di ba? Bonus pa na ako ang kasama mo.” Kindat ni Haven kay Ally. Wala nang nagawa si Ally kung hindi pumayag nalang sa gusto ni Haven. Mabato ang daan at medyo madulas, dahil sa pag-ambon kanina. Maingat sa pag-akyat si Haven, habang si Ally naman medyo hirap, dahil tsinelas lang ang suot niya. Nang hindi matiis ni Ally ang sakit sa paa. “What happened?” “Wala. Let’s go!” energetic na sagot ni Ally, pero napansin kaagad ni Haven ang paa ni Ally na may sugat na sa isang daliri. Matarik ang daan, kaya hindi hinayaan ni Ally ang binabalak ni Haven na isakay siya nito sa likod niya. Dahil sa iniinda ni Ally ang paa niya, kahit hawak ni Haven ang kamay niya ay hindi niya maiwasang madulas ang mga paa niya sa daan paakyat. “Tara na kaya?” yaya ni Ally kay Haven, dahil hindi niya na talaga kaya ang hapdi ng paa niya, “We can go naman sa ibang araw.” Agad namang pumayag si Haven nang Makita ang mga paa ni Ally. Walang silang kasabay na umaakyat, dahil hindi nga naman maganda ang panahon para mag-hike. Kung gaano kadali ang magpa-akyat ng budok, atsaka naman ganoon kahirap ang pagbaba rito. Dahil matarik ito ay isang maling apak mo lang, mahuhulog ka pababa. “Be careful…” paalala ni Havenna nangunguna kay Ally at tumango naman ito. Habang dahan dahang humahakbang si Ally, bigla namang nasira ang tsinelas niya dahilan para madulas siya at makaapak ng matulis na sangay ng puno. Sa sakit, hindi niya na alam kung paano siya tatayo ng tuwid kaya tuloy-tuloy lang siya sa pagbaba. “Haven!” bago pa siya gumulong pababa ng bundok, nahawakan siya ni Haven dahilan upang ito ang mahulos sa baba. Mabilis ang pangyayari na sa isang kurap, tanaw ng mata niya si Havenna nasa paanan na ng bundok. Kaya kahit na sobrang sakit, tiniis niyang alisin ang sanga ng puno sa paa niya at umiiyak habang pababa siya na nagdarasal siya na sana ayos lang ang lahat. “Haven! Sumagot ka!” sigaw nito, habang umiiyak, dahil hindi siya makakita ng taong puwedeng tumulong sakanila. “Haven… Answer me! Tell me you’re okay!” umiiyak si Ally kasabay ng pagpatak ng dugo mula sa paa niya. Paghinto niya kung saan nakahandusay si Haven, tsaka niya malapitang nakita ang binatang puno ng putik at dugo ang damit nito. He was unconscious, so Ally quickly checked his breathing and he’s still breathing. Parang mababaliw siya, dahil hindi niya alam kung totoo ba na nagyayari ang lahat ng ‘to sa kaniya. Ally is crying so hard that she’s shouting and shouting for help. She was shaking, because she fears blood, pero tiniis niya. Tiniis niya, dahil she can’t afford to lose his bestfriend. “Tulong!” She’s catching her breath, dahil sa pagbaba niya at pagtulo ng dugo niya, nanghihina siya, “Tulungan niyo kami!” Halos mawalan na ng boses si Allysandra sa pagsigaw niya na parang wala namang nakakarinig sa kaniya. Hawak niya ang kamay ni Haven, trying to wake him up. “Haven, please…” suminghot siya, “Wake up…” No help is coming. She’s continuously praying for someone to pass by kung saan sila naroon, para man lang maisugod sa hospital si Haven. Kaagad siyan tumayo, kahit she can barely walk. She’s shouting for help around the area, pero walang bahay at malayo ito sa daan. She cannot absorb what is happening right now. Kani-kanina lang they were laughing about some stuff, tapos ngayon ganito na. Parang nabura lahat ng naiisip niya kanina about sa gusto niyang magpasagasa ng ten-wheeler truck. “Lord… hindi naman po ako seryoso do’n…” panalangin nito habang humahagulgol. Binalikan niya si Haven na naramdaman niyang gumalaw. “Haven…” “A-Ally…” “Oh, God… Huwag ka nang magsalita, okay? May tutulong na sa atin. Come on.” Pilit na binubuhat ni Ally si Haven para makalakad sila papunta sa kotse, pero hindi niya kaya, dahi malaking tao si Haven. “Huwag kang...” he’s struggling to even say a word, pero pinipilit nitong magsalita, kaya lalong naiiyak si Ally, “H-huwag ka umiyak, hoy… D-Don’t worry to much... I… I won’t die.” “Haven! Ang kulit mo! Sinabi nang huwag ka na magsalita, eh!” “And if I die today, I’m happy, because I was with you until my last breath...” He smiled before closing his eyes weakly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD