Allysandra’s P.O.V Habang nasa tricycle kami, nasa loob kami pareho at siya naman ay nakatingin lang ng diretso sa daan. “Manong, sa karinderya lang po sa tabing daan.” Sabi ko at tumango naman ang nagdadrive ang tricycle. Pagbaba namin sa tricycle ay akmang magbabayad na ako nang una niyang ini-abot ang 50 pesos niya a sinuklihan naman ng 20 pesos ng driver, dahil malapit lang naman kung saan niya kami inihatid. “Ako na.” she insisted, dahil akmang iaabot ko sa kaniya ang 15 pesos na share ko sa pamasahe namin. “Sabi ko hati tayo, eh hindi ka naman nakikihati sa lagay na ‘yan, eh.” I told her and she just shrugged. Nang makapasok kami sa karinderya ay maraming bakanteng upuan kaya dumiretso nalang kami sa kung saan makakapili ng mga ulam. Isa-isa naming tinignan a

