"And I borrowed your secretary's spare key to enter kasi mukhang wala kang balak umuwi. Kaya nandito ako para iuwi ka. Tara na."
Tumayo na si Cluvin at nagtungo sa desk ni Joreign. Walang imik niyang kinuha ang bag ni Joreign at naglakad pa ito sa pinto bago ito binuksan.
Joreign once again eyed the wall clock before finally tidying up her desk. She turned off the light and other appliances before uniting with Cluvin.
"You don't have to pick me up Vin." Out of nothing she randomly says that. Napangiti naman si Cluvin. He messes with his hair before opening the car door to her. "I know. But I can't help it." He replies.
Sumampa na sa kotse si Joreign at Cluvin. He was on the drivers seat and she's on the shotgun. Nang mabuksan ang Aircon nang sasakyan ay basta na lang napa sandal si Joreign at saglit na ipinikit ang kaniyang mata sabay hinga nang malalim.
"You don't have to work this hard Jo." He starts the engine and checks the surroundings before he finally steps on gas. Pikit matang sumagot si Joreign, "I know, but I can't help it."
"So...where do you want to eat? Libre ko." Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Joreign. Umayos siya nang upo at ang mga mata niya ay naka tingin sa kalsada.
"Parang kanina lang sabi mo naghihirap ka na ah?"
Nag kunot ang noo ni Cluvin at hindi tinapunan nang tingin si Joreign, ngali-ngali niyang kagatin ang ibabang parte nang kaniyang labi. "Sinabi ko 'yon?"
"Aba oo! Ano ko pala 'yon? Guni-guni?" This time Joreign was facing him, Cluvin scrunches his nose.
"Amoy kape ang hininga mo." Pag-iimporma niya. Napasandal ulit si Joreign saka tahimik na bumuga nang hangin saka ito inamoy. Tumango tango pa siya sa sarili bilang pag sang-ayon.
"Do you know that an individual should consume just one or two cups of coffee per day? Bakit parang sinagad mo naman ata ang sayo? Baka mag hyper-ventilate ka niyan eh."
"Sa bahay mo na lang ako ihatid," pag-iiba ni Joreign nang usapan. Napansin naman ni Cluvin ang pagiba nang tono ni Joreign kaya itinabi niya ang sasakyan sa gilid bago hinarap si Joreign.
"Sabi ko sa bahay hindi sa tabi." Dugtong pa niya.
Tinanggal ni Cluvin ang seatbelt, "Galit ka?" Mahinhin niyang tanong.
"Hindi ah," umiling pa si Joreign. "Mukha ba akong galit?"
Alanganin namang tumango si Cluvin. "Yung mukha mo mukhang angel, pero yung tono mo..." Hindi na ipinagpatuloy ni Cluvin ang kung ano mang idudugtong niya at sa halip ay ipinaglapat niya ang kaniyang palad. "Sorry."
"Hindi nga ako galit," lumapit si Joreign at siya na mismo ang nagsuot nang seatbelt para kay Cluvin. "Pagod lang ako."
Nakapatong ang kamay ni Cluvin sa manubela pero ang asul na mga mata nito ay nakatitig parin kay Joreign.
"Sure?"
Tinapik ni Joreign ang braso ni Cluvin, "Oo naman yes."
"Baka kasi na-offend ka 'nong napuna ko yung hininga mo, tanggap naman kita kahit ano pang amoy 'yan. Besides, I love the smell of coffee." Napa awang ang bibig ni Joreign, hindi niya maintindihan kung tuluyan ba siyang mao-offend o matutuwa sa sinabi ni Cluvin. "Though I really have to say, ang tapang ng kape na ininom mo, amoy palang eh."
"Kapeng barako kasi 'yon Vin, atsaka alam mo? Mag drive ka na lang..." Napapikit si Joreign at basta na sumandal sa upuan. Kanina pa siya nag t-trabaho pero parang ngayon niya lang naramdaman ang pagod.
***
"Jo." Pagtawag ni Cluvin. Tiningnan niya ang tahimik na Joreign. Medyo nakanganga ito at maririnig ang kaonting hilik, may ilang takas na buhok ang nakaharang sa mukha nito kaya dahan dahan na inayos 'yon ni Cluvin at inilagay sa likuran ng tenga ni Joreign.
Pinihit ni Cluvin ang ac ng sasakyan at hinubad niya ang suot suot niyang hoodie.
"Jo. Wake up." Ayaw man niyang istorbohin sa mahimbing na pagkakatulog ay pinili pa rin niyang gisingin ito dahil alam niyang hindi pa nakakapaghapunan si Joreign. Tumigil si Cluvin sa isang night market. Punong puno ito nang mga stands ng pagkain at marami rin ang mga nag-iikot ikot kaya kumbinsido si Cluvin na mapapapayag niyang kumain dito si Joreign.
"Hey." Inalog na niya ang braso ni Joreign dahil mukhang hindi ito magigising sa pagtawag niya.
Pikit mata parin si Joreign na umungot ungot, ang mga kamay niya ay awtomatikong dumapo sa gilid kaniyang labi at kinapa kapa kung may bakas ng laway doon. Napangiti naman si Cluvin.
"Hindi ka naglaway." Pag iimporma niya sa nag-uunat na si Joreign.
"Hmm..." Kinusot pa ni Joreign ang mata niya at makailang beses na kumurap medyo namumula pa ang mga 'yon halatang nabitin sa tulog. Nang mag-adjust na ang mata niya inilibot niya ang tingin sa paligid.
"Sabi ko sa bahay hindi sa---"
"Hindi ka pa kumakain." Inabot ni Cluvin ang hoodie nito kay Joreign. Tinanggap naman ito ni Joreign sabay suot. Malambot ang tela nang jacket at amoy na amoy and pabango ni Cluvin.
Lumabas na sila pareho ng sasakyan, nagtalukbong ng ulo si Joreign dahil hinahampas siya ng hangin. Agad na nagtaasan ang balahibo niya sa lamig. Si Cluvin naman ay katabi niya, ang tanging suot nito ay isang t-shirt na manipis. Nagsuklay pa ito ng sariling buhok gamit ang mga daliri, hindi niya alintana ang lamig ng gabi.
Sa paligid nakahilera ang mga food stalls na nagtitinda nang mga samu't saring pagkain. Maliwanag dahil maraming bukas na ilaw na nanggagaling doon sa mga street lights. Mapapansin na sa ibang mga stalls ay mahaba ang pila, isang sign na masarap ang mga pagkain doon.
"What's that?" May kung anong itinuro si Cluvin sa isang banda kaya sunod naman ang mata ni Joreign sa hintuturo ni Cluvin. Isang stall na nagtitinda ng goto at pares. May dalawang malalaking sandok doon na siyang gamit gamit ng tindero sa pagkuha nang pagkain mula sa naguusok na malalaking kaldero.
"Tara," hinila ni Joreign ang laylayan ng damit ni Cluvin at saka sila naglakad patungo doon. May ilang mga tao ang nakatayong nakain, ang iba ay nasa baba at nakaupo bitbit ang kanikanilang order.
"Ineng bili na kayo," pag aalok pa ng lalaking tindero. Ang usok dulot ng makailang beses na pag init ng goto at pares ang siyang nalalanghap ni Cluvin.
"Gusto mo?" Naka angat ng tingin si Joreign samantala may kaonting pagtataka sa mga mata ni Cluvin, hindi parin niya inaalis ang tingin sa parehong putahe.
"Uh, I think so..." Minamatahan ni Cluvin ang mga nakapaligid na sarap na sarap sa bawat pagsubo ng mainit na sabaw. Tamang tama sa lamig ng gabi.
"Manong, isa pong goto at isang pares." Napangiti naman ang tindero nang marinig ang order nila.
"Sure ka bang kumain ka na? Bakit parang ikaw yung takam na takam?" Pag puna ni Joreign. "Sa pagkakatanda ko kasi, ako yung hindi pa nag hahapunan."
"O-oo nga." Umiwas ng tingin si Cluvin at nagmistulang may hinahanap sa kung saan pero agad niya rin namang hinarap si Joreign. "Teka, I did eat. But masyadong marami pang space sa tiyan ko ang hindi pa napupunan. So I want to eat...again." parang bata na nage-explain si Cluvin kaya napatawa si Joreign.
"Ineng, utoy ito na ang order ninyo." Parehong tinanggap ni Cluvin ang order nila, parang wala pa siyang pakialam kahit mainit ang lagayan dire-diretso siya sa isang tabi at umupo saka tinawag si Joreign.
"It smells so good."
"It does," tumabi si Joreign sa pagkakaupo. "Hipan mo muna baka mapaso ka." Paano ba naman kasi kinutsara na agad ni Cluvin at inamoy amoy, akmang isusubo na sana niya ito kung hindi pa siya paalalahanan ni Joreign. Naka ilang subo rin si Joreign bago niya na pag pasiyahan na ibigay na kay Cluvin ang iba. Mabilis lang si Joreign mabusog, nagiging matakaw lang talaga siya pag it's time of the month.
"Hmm." Nakangiting pinapanood ni Joreign si Cluvin na ganadong kumain. Ngayon lang naka kain si Cluvin nang ganitong putahe kaya bago ito sa panlasa niya. Mukhang hindi mapili sa pagkain ito dahil kahit lamang loob ay halos higupin na niya.
"Ahh..." Nakatapat kay Joreign ang isang kutsarang puno ng laman at sabaw, "Open up." Dugtong pa niya.
"Ubusin mo na, baka kulang pa sa'yo 'yan." Ibinaling ni Joreign ang tingin sa ibang stalls at napa kurap naman ng mata si Cluvin.
"Grabe ka naman, hindi ko 'to mauubos. Tulungan mo 'ko dali," kinalabit ni Cluvin si Joreign kaya napatingin ulit ito, "Choo Choo! Chuga chuga! Choo Choo!" Nag akto pa si Cluvin na isang tren pinaikot ikot pa niya ang kutsara bago niya ito itinapat kay Joreign.
"Ano ako bata?" Hindi makapaniwalang tanong ni Joreign, tumungo pa siya dahil sa kahihiyan. Pinagtinginan kasi sila dahil sa ingay na ginagawa ni Cluvin.
"Come on, this train needs to go to its destination. Choo! Choo!" Feel na feel pa ni Cluvin ang pag aala tren niya dahil mas nilakasan niya ang pa sound effects niya. Namumula na sa kahihiyan si Joreign.
"I won't stop Jo, so open up. Chuga! Chu-!"
"Ah! Ito na oh, Ah!" Binuka na ni Joreign ang kaniyang bibig,
"The train is about to arrive in 3! 2!" Bumwelo pa si Cluvin at dahan dahan pa niyang tinapat uli ang kutsara, naka abang naman si Joreign.
Saglit na tumapat ang kutsara sa bibig niya pero agad itong lumihis ng direksyon kaya naiwang nakanganga si Joreign.
Nanlaki ang mata ni Joreign samantalang hindi naman magkanda mayaw si Cluvin sa kakatawa. Ibinaba na niya ang hawak hawak na kutsara at sapo niya ang kaniyang tiyan. Namumula ang tenga ni Cluvin at halos mangiyak ngiyak na siya.
"Bwisit ka! AHAHAHAHA!" Pinagpapapalo ni Joreign si Cluvin sa braso habang tawa rin siya ng tawa. Hindi niya inakalang maloloko siya ni Cluvin ng gano'n.
"Walang hiya, may kalokohang taglay ka nga pala...muntik ko nang makalimutan." Pinunasan ni Joreign ang mga ilang takas na luha gamit ang hoodie ni Cluvin. Ngising ngisi naman si Cluvin, muli niyang inangat ang kutsara. Agad naman na tumalikod si Joreign.
"Hindi mo ko mauuto!" Aniya. Pero imbes na kutsara ay mga kamay ni Cluvin ang sumundot sundot sa tagiliran ni Joreign. Napapitlag naman ito at mabilis na humarap habang tumatawa.
"Bwisit! Tigilan mo 'ko AHAHAHHAHA!" Parang mga bata sila Cluvin at Joreign na nagtatawanan doon. Sa isang banda, may ilang mga mata ang nakatingin sakanilang dalawa. Ang iba ay mga napadaan lang at narinig ang tawa noong dalawa, ang iba naman ay mga customers din ng nagtitinda.
"Ay, ang sweet naman nila 'no?" Imik ng isang babae, nasa isa silang lamesa kasama ang iba pa niyang kaibigan, mga kapwa nakatingin kila Joreign.
"Baka mag-jowa?" Untag ng isa.
"Pusta ko hindi lang 'yan sila mag jowa." Pananagot din ng isa. Napatango naman ang iba sakanila.
"Edi mag-asawa? Nako ang kyut naman. Ang ganda no'ng babae tapos ang gwapo pa no'ng lalaki. Mukhang mahal nila isa't isa ng sobra hihihi!" Napabungisngis silang lahat habang pinagchichismisan sila Joreign.
Mukha namang nakaramdam si Joreign na pinaguusapan siya, napatigil siya sa pagtawa at inayos ang sarili. Panandalian niyang nakalimutan na hindi nga lang pala sila ni Cluvin ang nasa lugar na iyon.
"Huy," tinapik niya si Cluvin.
"What?" Tugon pa nito.
Itinuro ni Joreign ang pagkain na malapit nang maubos. "Ubusin mo na 'yan." Kaya agad naman na inubos 'yon ni Cluvin.
"Done." Napa-dighay pa si Cluvin kaya napatakip ito ng bibig.
"Busog na alaga mo sa tiyan?"
"Huh?"
"Tara na, mukhang busog na rin yung mga babaeng yon kakatingin sayo." Sarkastiko na imik ni Joreign.
Tumayo siya at nag bayad ng kinain nila, sumunod naman si Cluvin nang dali-daling umalis si Joreign. Napadaan siya sa tinitigilan ng mga babae.
"Kuya, mag-jowa po kayo ni Ate?" Hindi nakapagpigil ang isa at tinanong nito si Cluvin. Napahinto naman si Cluvin at napasuklay sa buhok niya. Si Joreign naman ay napahinto hindi kalayuan sa kanila.
Para namang nakakita ng artista ang mga babae at mga namula sila, ang labi nilang mapupula ay halos mapunit na kakangiti.
"Ah, nope...she's my wife. We're on our honeymoon." Pabirong sabi ni Cluvin kaya impit na napatili ang mga dalaga doon.
"Jo!" Pagtawag niya. Napansin niya ang pag-iba nang ekspresiyon sa mukha ni Joreign. Hindi siya nito nilingon at dire-diretso na sumakay sa kotse, nagmamadali naman siyang maglakad at nang makarating siya sa kotse at akmang bubuksan ang pinto ay hindi niya ito mabuksan.
"Hey..." Pansin niya ang pagka-tulala ni Joreign at ang pagnginginig nang mga kamay nito. Nag umpisa na siyang mag alala kaya kinakatok niya ang bintana. Parang wala namang marinig si Joreign sa loob dahil tulala parin ito.
"I-" hindi halos mabigkas ni Joreign ang mga salitang gusto niyang sabihin. Para bang may sariling mga buhay ang mga iyon at tila ayaw lumabas.
Naninikip ang dibdib niya, walang pasabi niyang binuksan ang compartment sa harap niya at dali-daling ininom ang isang pill para kumalma siya. Napatigil sa pagkatok si Cluvin nang makitang may ininom si Joreign. He knows that pill. It's the same one his mother took ages ago.
Walang lingon na ibinaba ni Joreign nang kaonti ang bintana, "Don't. Ever. Call me that again." May pagbabanta at pagmamakaawa sa boses niya.
Ilang beses na napapikit si Cluvin, "I-It was a joke, Jo." He knows what she's referring to. "I'm sorry."
Pumikit si Joreign at pinakalma ang sarili. She's being unfair to him again, pushing him away whenever she's on the brink of her emotions. She doesn't want to be this way. It was a joke. Of course it is! She's just making a big deal out of this not because she want to but because a memory kept resurfacing whenever someone calls her wife.
"My wife..." A baritone voice called out to her. She glanced to see him wearing his white suit and striking smile. With a light heart she walks towards him, he opened his arms and she throws herself into his warm embrace.
"I'll always love you, Sol. You're mine and I'm yours." His hands gently traced her eyebrows down to the bridge of her nose and to her soft pink lips. Their breaths entangled as they kissed.
"My husband..." She says after their lips parted. No amount of gold and words can surpass this night for the two of them.
"My wife..." He says again before he claims her throughout the entire night.