CHAPTER 14

894 Words
KAHARAP ko ngayon si Prince. Medyo nahihilo na din ako sa dami ng iniinom namin. Nasa isang bar kami sa Makati. Matapos ko kausapin si Colyn at malaman ang sitwasyon ay pinuntahan ko agad si Prince. Dito kami napadpad ng paguusap namin. Wasted. Ganyan ngayon si Prince. Madami dami na din ang natutumba naming alak. Pero mukhang wala pang balak umayaw tong kasama ko. "Bro. ..umuwi na tayo. Lasing ka na at nahihilo na ako. Halika ka na at ihahatid na kita." "No. ..h-hayaan mo ako. Putcha! Ang tanga ko bro! Bakit ko h-hinayaan na ganito. Ang laki kong gago!" "Prince. ..nandyan na yan, kailangan mo panindigan kung ano ang nangyari at naging bunga." "Yun na nga! Paano ko matatanggap yung pangyayari kung wala ako matandaan sa nangyari sa amin ni Sandra?!!! Kahit iuntog ko ulo ko ng paulit ulit wala ako maalala!" napasabunot si Prince sa buhok nya. Kahit ako nagtataka, sa tagal naming magkaibigan ni Prince at sa dami ng napagdaanan namin. Never kong nakita na naglasing sya ng sobra, kahit pa nagkakatampuhan sila ni Colyn at madaming babaeng umaaligid sa kanya hanggang flirt lang ang kaya nya gawin. Kaya paano nangyari yung sa kanilang dalawa ni Sandra? Sumasakit na ang ulo ko sa problema ng mokong na ito. Anong magagawa kong tulong sa mga ito kung ganito sitwasyon. Hay naku! Hirap maipit sa ganitong sitwasyon. Tinapik ko si Prince." Restroom muna ako, ubusin mo na yan tapos tama na uwi na tayo." Tumayo na ako at pumunta sa restroom. Grabe ang daming tao ngayon dito. Medyo nahihilo pa ako at napadami ang inom ko. Mukhang kailangan kong magpababa muna para maihatid si Prince sa condo nya. Buti na lang walang tao sa CR at mabilis lang ako nakatapos. Palabas na ako ng may marinig ako tila nagaaway sa hallway malapit sa CR. Wala na sana ako balak makinig pa pero napukaw atensyon ko sa pangalan na binanggit ng lalaki at ang pinaguusapan nila. "What the hell are you thinking Sandra?!! Ako ang Ama ng batang yan tapos ipapaako mo sa iba? Nababaliw ka na ba?!" "Look. ..i-im sorry. Hindi ko gusto ito okay? I have no choice Babe. Kailangan ko isalba ang company ng Daddy ko . ..wala na ako maisip na ibang paraan, ikamamatay ng Daddy ko kapag nawala sa kanya lahat ng pinaghirapan nya." "Mas mahalaga pa ba sayo ang kayaman kesa sa atin? Ganun na lang ba yun? Pwede mo naman tulungan Daddy mo sa ibang paraan. Pero hindi sa ganitong paraan! Damn!!" "Please. ..please! Tapusin na natin ito Carl. Nasabi ko na kina Mommy at Daddy ang lahat. Kalimutan mong anak mo ang nasa sinapupunan ko." "Bakit ang dali mo sabihin yan?! Ganun ba kababa ang tingin mo sa akin? Handa naman kitang panagutan at pakasalan. Handa naman akong tulungan ka sa problema ng company nyo." "H-hindi s-sapat ang kaya mo ibigay. Isipin mo n lang na para din ito sa kinabukasan ng magiging anak natin. Mas magiging maayos ang buhay nya. Buo na ang desisyon ko. Mas mahalaga sa akin ang pera at pamilya ko kesa sayo." "Fine!!! Kakalimutan kita Sandra! Magsisisi ka din sa huli!!" "Carl!!!!!" Marahan ako lumakad palapit pero wala na yung dalawang naguusap. Iba yung kaba ko sa mga narinig ko. Sandra? Napakamot ako sa ulo ko. Hindi lang naman siguro sya ang nagiisang Sandra sa mundo. Kaya lang yung topic nila parang may koneksyon. Iisa lang kaya sila ng Sandra na nabuntis ni Prince? Pero may ibang lalaki na umaako sa pinagbubuntis ng Sandra na narinig ko? Waaahhhh! Posible kaya? f**k! Dapat pala lumapit agad ako para nakita ko mukha nya. Arrrrggghhh!! Nagmamadali na ako bumalik sa table namin ni Prince. Bagsak na ang loko haaayyss! Ginising ko sya at inalalayan palabas sa club. Habang nagmamaneho ang daming tumatakbo sa isip ko. Napatingin ako kay Prince, kawawa naman ang kaibigan ko at si Colyn kung sakaling tama ang mga hinala ko. Kailangan ko munang makasigurado sa mga narinig ko. Ito na lang siguro ang tulong na magagawa ko para sa kanilang dalawa. Kailangan magisip ako ng paraan para malaman ko ang totoo. Dahil kung totoo ngang wala naaalala si Prince na may nangyari sa kanila ni Sandra. Maaaring na-frame up at napikot siya! Kahit naman may pagka-sira ulo ang kaibigan kong to hindi ko hahayaan na makulong at maitali siya sa taong hindi naman nya mahal at niloloko lang siya. Kailangan kong gumawa ng paraan at hakbang para maging maayos ang lahat. Hindi ako papayag na hindi mauuwi sa happy ending ang love story ng dalawang kaibigan ko. Playing Cupid huh? Haha! Kailangan ko ng tulong para sa misyon na ito. At syempre iisang tao lang ang alam kong handang tumulong sa akin at makaunawa sa mga nangyayari. At alam kong hindi nya din papayagan na mahulog si Prince sa isang bitag. Hindi nya hahayaang mawala sa kanya ng ganun lang yung lalaking minamahal nya ng buong buo. ******************************************** Authors Note: Just want to say thank you ??? sa lahat ng nagtyagang magbasa at abangan ang story. Im not good in making stories and mag-construct ng mga pangyayari. What comes on mind i just write it. Welcome ako sa mga comments bad or good. Ituturing kong way yun to improve my work and writing skills ehehe. Quarantine tayo kaya may time ako ituloy yung story. Ciao !!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD