Summer Pov:
Kaagad akong napadilat ng mga mata ko dahil sa flash na nanggagaling sa phone na hawak ni Kath, at talagang tuwang-tuwa pa ito sa ginagawa niya samin ni Elana.. Kahit kailan talaga ang isang ito ginagawa kaming katatawanan, ewan ko ba kung anong tingin niya samin ngayon at ganyan nalang kung pagtawanan niya kami..
Ng biglang nagising si Elana at napa tingin kay Kath, habang kinukusot pa nito ang kanyang mga mata.
End of Pov:
''Oh gising na pala kayo?'' Tanong niya samin at saka nilagay yung phone sa bulsa nito..
''Malamang gising na kami.'' Sabi naman ng nakabusangot ngayong si Summer.
''Kung sa bagay nga naman.. May tulog bang sumagot?'' Nagpipigil tawa pang sabi ni Kath, ano kayang meron sa babaeng toh ngayon at bigla nalang nagka-saltik!.
''Oh siya! sige na maligo na kayo ng makaalis na tayo because we're 3 hours late.'' Sabi ko dun sa dalawa na naka upo na ngayon sa kama nila habang inaayos yung sheets ng higaan nila at ang mga unan na nakalatag sa higaan nila..
''Ayy ang daya mo.. Bakit di mo naman kami ginising kaagad.'' Nagmamaktol kong sabi kay Kath..
''Kasalanan kobang late rin akong naging Summer?''
''Hays! bahala na nga, tara na Elana! maligo na tayo para naman makapamasyal na tayo kaagad.'' Alok naman nito kay Elana at nagsimula na ngang nilang kunin yung robe nila sa closet..
''Sige hintayin ko nalang kayo sa labas.'' Sabi ko at pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto namin..
Kath Pov:
Palabas na sana ako ng bigla ako kinaladkad ni Austin at pagkatapos ay itinago ako sa isang sulok.. Ano na naman kaya ang trip niya ngayon? Hays! kainis kahit kailan talaga ang isang ito parang kabute basta-basta nalang sumusulpot sa kung saan-saan..
Nakaka ilang tuloy ang posisyon namin ngayon dahil konti nalang talaga at magkakalapit na yung mga labi naming dalawa.
End oF Pov:
''Problema mo?'' Pagpupumiglas ko sa kanya..
''Wala naman..''
''Then bakit mo ako dinala dito sa isang sulok? sino ba yung pinagtataguan natin ha? ano tagu-taguan ba ito? sinong taya ha?!''
''Nothing Kath, I just don't like to see you hurt.'' Di ko siya maintindihan as in clueless talaga ako sa mga lumalabas sa bibig ng isang ito..
''Let's go.'' Sabi ni Austin, sabay hawak sa kabilang kamay ko. Di man lang ako na inform at talagang nakaka raming chansing na sakin ang lalaking ito.. Try ko nga na mabatokan din ang isang ito minsan ng matauhan naman..
''Hoy! saan mo ako dadalhin?''
''Sa date natin.'' Diretsong sabi nito..
''Wait what?'' Tama ba yung narinig kong sinabi niya sakin?
''Give me your phone.''
''At bakit bakit ko naman ibibigay sayo itong phone ko?'' Taas kilay kong sabi sa kanya pero takte ayan na naman yung ngiti niya at yung pagpapa cute niya sakin..
''Hand it to me now or else-- I'm going to kiss you.'' Kasunod na sinabi nito kaya napatawa ako at napatakip sa bibig ko dahil unti-unti niya ng nilalapit yung mukha niya sakin, katulad nung naging posisyon namin kanina..
''Just give it to me now may tatawagan lang ako.'' I handed him my phone at pagkatapos ay nagsimula na nga siyang mag type ng number.. Sino kayang tinatawagan niya?Hmm..
''Here Thanks.'' Pagkatapos niyang eh dial yung number kanina ay kaagad din naman niyang binalik sakin yung phone ko..
''Welcome.''
''Let's go! siya nga pala I called my number just to let you know, that I'm saving your number now to my Phone.'' At kaagad na pinakita yung phone niyang my number ko na sinave niya kanina..
''Without my permission?'' Tumango lang ito..
''Tara! dahil malalate na tayo sa date natin Sweetheart.'' Ayan na naman yung pagtawag niya sakin ganyan, nakakahiya tuloy dahil baka may makarinig at mapagkamalan pa nilang boyfriend ko siya..
''I can't go on a date with you.'' Biglang nalungkot yung mukha niya pagkatapos kong sabihin sa kanya iyon. Kaya kaagad kong binawi yung sinabi ko sa kanya kanina dahil ayaw kong ma offend si Austin, sobrang bait niya kasi..
''I mean I can't go on a date with you, dahil hinihintay ko pa si Summer at Elana.'' Sabi ko na ikina-saya naman niya.
''Then let's wait for them.''
''Bakit sobrang effort mong eh date ako, kahit alam mo naman yung tungkol samin ni Max?'' Tanong ko na nagpaseryo sa mukha ni Austin..
''I just like seeing you happy, yung tipong di ka nasasaktan at gusto ko lang na maging masaya ka lagi.'' Ang bait naman niya kasi gagawin niya lahat para lang sumaya ako.. Bakit kaya di magawa ni Max ang mahalin ako ulit?..
''Bakit bigla kang natahimik diyan? don't tell me mahal mo na rin ako. Kasi kung ako ang tatanungin mo.. Gustong-gusto kita Kath..
''Oh! ayan na pala sila eh.'' Turo ni Austin kay Summer at Elana na naglalakad na ngayon papunta samin..
''Di mo man lang sinabi na kasama pala natin si Austin ngayon.''
''Ikaw Kath ha, marunong kanang magtago.'' Sabi ni Summer habang mahinang kinukurot yung braso ko..
''Tumahimik nga kayong dalawa dyan! paano ko naman sasabihin sa inyo eh paglabas ko ng kwarto natin ay kaagad akong kinalad-kad nito at itinago sa isang sulok na para bang nakikipaglaro ng tago-tagoan..
''Tapos sumama ka naman Ayieee!'' Kinikilig na sabi ni Elana habang nakatingin saming dalawa ni Austin...
''Kath ang haba talag---'' Kaagad kong tinakpan yung bibig ni Summer dahil nakakahiya kay Austin baka kung ano pang sabihin nito..
Wait is that Ziggy? malamang Elana siya nga yan..Sino na naman kayang babae ang hinihintay niya dyan? Malamang hindi ikaw ang babaeng yun Elana, Sigh! sa dinami dami ba naman ng lugar na pwede niyang puntahan bakit dito pa siya nagpunta..
Pero Wait ng biglang mahagip ng mga mata ko si Max at Kira habang naka holding hands at sabay na naglalakad papunta sa inuupuan ni Ziggy.. Such a b***h! paano niya nagawang pumatol kay Max, diba magkaibigan sila ni Kath.. Ang dami kong tanong and I don't know if I could say this to Kath..
''Hey! are you okay?'' Biglang tanong ni Kath ng mapansin ako nito biglang natahimik..''
''Yes I'm okay, Tara na!''Kaagad kong hinablot yung kamay niya at mabilis na dinala ito sa labas para di niya makita ang kagaguhan na ginagawa ni Max ngayon..
''Hey! bruha anong nangyari?
''Hu-h? wala naman may naisip lang ako kanina.''Sagot ko sa tanong ni Summer..
''Weh di nga? kilala na kita Elana I know when you're lying or not.'' Kahit kailan talaga ang babaeng ito hindi ako titigilan hanggat hindi ko nasasabi sa kanya ang dahilan kung bakit bigla nalang akong natahimik kanina na para bang temang habang na nakatingin kay Max at Kira kanina..Pero should I tell her? Hays! wag na nga lang dahil ang dal-dal pa naman niya..
''Hoy! tatayo nalang ba kayong dalawa diyan?'' Sigaw samin ni Kath at Austin ang ganda nilang pagmasdan sana si Austin nalang yung unang nakilala niya at hindi ang Max na yun na walang ibang ginawa kundi saktan lang siya nito.