"Elanher, let me go, ano ba?" natatawang saway ni Mirabelle kay Elanher nang mula sa kama ay binuhat siya nito palabas ng kuwarto. Hindi lang siya nito basta buhat kundi pasan siya nito na parang isang sako ng bigas at paminsan-minsan ay tinatampal ang kanyang puwetan, na ikinapula ng kanyang pisngi. Dahil dito ay nagsusumigaw siya, kaya agad na lumabas ang mga kasambahay, pati na rin ang mayordoma niya na puno ng pag-aalala ang mukha. Pero nang makita ng mga ito ang sitwasyon ay ang mga ito na ang nahiya, at kaagad na bumalik sa ginagawa habang may sinusupil na ngiti sa labi. Ngayon lang nila nakita ang amo nila na ganito kasaya, kaya suportado sila kung sinuman ang nagugustuhan nito. "Tsk, Elanher, put her down," kaagad namang saway sa kanila ni Keilli nang makarating sila sa salas ku

