SA MUNDO NG MGA MORTAL "Elanher, nahanap mo na ang kinaroroonan ni Mirabelle?" Elanher rolled his eyes for the fifth time because of Keili's stubbornness. Kanina pa siya nito pinipeste kung nasaan na ang alaga nito, pero hindi niya nga sinasagot dahil ang mga paru-paro na inutusan niya ay hindi pa rin natutukoy ang kinaroroonan ni Mirabelle. "Hindi siya mahanap ng aking mga paru-paro. Tila may humahadlang para abutin siya ng kapangyarihan ko." Puno ng kaseryosohan ang boses ni Elanher. Kahit anong gawin niyang pagpilit sa mga paru-parong nilikha niya ay hindi ang mga ito makausad kung saan man ang mga ito. Habang tumatagal na hindi niya nakikita si Mirabelle, ay lalong lumalakas ang pagkabalisa niya. Kung kanina ay nagawa pa niyang magbiro kay Keili, ngayon ay hindi na. Unti-unting

