"Mas mabuting ibaba niyo na ang sandata ninyo bago pa magbago ang isip ko." Hinugot ni Elanher ang upuan saka umupo at binalewala ang mga mortal na nakapalibot sa kanya. "Gustuhin ko mang maglaro sa inyo ay nanghihinayang ako. Hindi ko sasayangin ang aking lakas sa mga walang kuwentang katulad niyo!"
"Aba't!" sagot ng lalaking nagsalita kanina. Sa apat ay mukhang ito ang palaban. Gusto ni Elanher ang ganitong karakter pero sa sitwasyon ngayon ay wala siyang kahit anong importansyang maibibigay sa mga ito. Bumaling ito sa babaeng mortal. "Miss Mira, sino ba ang lalaking ito at paano 'to nakapasok sa mansyon?"
"'Di mo na kailangang itanong 'yan. Hulihin ang tresspaser na 'yan at ipadampot sa mga pulis dahil sa pagpasok dito sa mansyon nang walang pahintulot!" sabik na saad pa ng isa.
Isang nakakalokong tawa ang pumailanlang sa buong kusina. Pagkaraan ay tumayo si Elanher at naglahong parang bula pero ang tawa nito ay nanatili sa tainga ng mga naroon. Sa isang iglap ay nasa tabi na ito ni Maribelle na namumutla ang mukha sa gulat.
"Wala akong panahong makipaglaro sa kabaro mo, mortal. Sumama ka sa akin." Muling naglaho si Elanher pero sa pagkakataong ito ay kasama na niya si Mirabelle.
Alam ng Heralm na gising na si Elenera dahil ramdam niya ang presensya nito sa kusina kaya hinayaan niyang ito ang mamahala sa mga naiwang mortal.
"Mga lapastangan! Wala kayong karapatan upang tutukan ng sandata ang panginoon ko, mga hangal!" Ang dumadagundong na boses ni Elenara ang gumulat sa mga naiwan sa kusina.
Nanlaki ang mata ng mga ito at hindi makapagsalita. Hindi nila maintindihan kung ano ang nangyayari.
"Dahil nasaksihan ninyo ang paglalaho ng panginoon ko ay dapat mawala ang inyong alaala." May isinaboy na pulang galabok na kumikinang-kinang si Elenara at pumasok iyon sa katawan ng limang mortal na naroroon sa pamamagitan ng kanilang ilong. "Makakalimutan niyo ang nakita niyong paglalaho ng panginoon ko. Wala kayong maaalala."
Ilang segundo ang lumipas at tila natauhan ang mga ito.
"Ah! Ano'ng nangyari? Ano'ng ginagawa natin sa loob ng mansyon?"
"Hindi ba dapat ay manggagapas tayo ng damo sa tabi ng ilog para pagtamnan ng bagong seedling ng talong at sitaw? Ano ang ginagawa natin dito?"
"Oo nga. Bakit tayo nandito? Tayo na. Pumunta na tayo sa tabing ilog."
"Mabuti na lang wala dito si Sir Keili, kung hindi lagot na naman tayo."
Ngumisi lamang si Elenara nang marinig ang mga nagtatakang tanong ng apat na kalalakihang mortal. Samantalang si Manang Teresa ay ipinagpatuloy ang pagluluto na naiwanan ni Mirabelle. Umupo si Elenara sa hapag habang hinihintay matapos ang niluluto ng Amepta habang ang mata ay nagmamasid sa paligid. Tulad ng kanyang panginoon ay ngayon lamang siya nagawi sa mundo ng mga mortal. Pero dahil may isang engkantado na pinagkakatiwalaan si Elanher na pumunta dito sa mundo ng mga mortal ay hindi sila gaanong nagtataka sa uri ng pamumuhay ng mga ito.
Ang engkantadong iyon ay tinuturo rin sa kanila kung ano ang natutunan nito sa mundo ng mga mortal kapag bumabalik ito sa Elenherealm.
While the chaos in the kitchen was settled, in the other part of the Hacienda, Elanher and Mirabelle suddenly appeared in the forest. The same place where the two met the first time.
"Ano'ng nangyari? Bakit tayo nandito? Paano ako napunta rito?"
"Dinala kita rito dahil may nais akong sasabihin sa 'yo, mortal." Naglakad si Elanher mula sa kinatatayuan palayo kay Mirabelle at pinagmasdan ang malawak na parang sa labas ng kabundukan. Nahahati iyon sa dalawa at ang gitna ay may malawak na kalsada na may mayayabong na puno sa gilid. The trees grow upward as the leaves canopies the road, giving shelter to those passing.
Mukhang nakabawi na si Mirabelle sa nangyari pero maputla pa rin ang mukha nito dahil sa labis na pagtataka.
"Anong klase tao ka ba talaga? Bakit parang kakaiba ka? Magician ka? Bakit kaya mong mag-teleport!?" Sunod-sunod na tanong ni Mirabelle. Naglakad pa ito at huminto sa harap ni Elanher na nakapameywang. Walang bakas ng takot ang mukha nito kundi purong pagtataka.
"Bakit ka rin ba puro tanong?" Nakaangat ang isang kilay na balik-tanong ni Elanher habang nakahalukipkip ang mga braso.
Hindi nakaimik ang mortal. Nagpatuloy sa pagsasalita si Elanher.
"Wala akong balak itago ang pagkatao ko sa 'yo, mortal—"
"Mirabelle. Mirabelle ang itawag mo sa akin. Naiilang ako kapag mortal nang mortal ang tawag mo sa akin. Tawagin mo ako sa pangalan ko."
Itinaas ni Elanher ang isang kamay bilang pagtugon sa sinabi nito saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Tulad nga ng sinabi ko, wala akong balak itago ang katauhan ko. Hindi ako kabilang sa mundo niyo, Mirabelle." Tumalikod si Elanher at hinarap ang kakahuyan. Pero ang totoo ay kumabog ang dibdib niya nang binanggit niya ang pangalan ng mortal. Hindi niya akalaing masarap palang banggitin ang pangalan nito.
"May sarili akong mundo at kaya napadpad ako rito dahil may kailangan ako na siyang makakaligtas sa kapayapaan sa aking kaharian." Elanher put his hand behind his back and continued. "Alam kong may plano ang Bathala kung bakit tayo pinagtagpo. Hindi ko na kayang baliwalain ang awra na nagmumula sa 'yo kapag magkalapit tayo. Kakaiba ka. Mukhang hindi ka ordinaryong mortal."
Huminto sa pagsasalita si Elanher at nilingon ang mortal ngunit sa pagpihit niya ng katawan ay wala na ito. Gumuhit ang inis sa mukha niya dahil hindi niya akalaing nagsasalita siyang mag-isa at ang tagapakinig niya ay matagal na pala siyang iniwan.
Luminga-linga siya at nakita itong ilang metro na ang layo mula sa kanya. Hindi siya nag-aksaya ng oras at inumang ang kamay sa papalayong likod nito. Invisible wind formed in his palm, and it sucked Mirabelle back to his side. She flails as her body dangles midair and only stopped when her feet landed on the ground, in front of Elanher. Her face paled as she caught her breath.
Malamig ang boses na may bahid ng galit ang boses ni Elanher nang magsalita. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo, mortal? Kapag kinakausap kita makinig ka."
Yumuko ang ulo ni Mirabelle. Alam ni Elanher na nasindak niya ito pero kailangan niyang ipilit dito kung ano mayroon sa katauhan nito. Dahil kailangan niya ang mortal na ito sa paghahanap ng misyon niya.
"S-saan ka ba talaga nanggaling? Ano ang kailangan mo sa akin at bakit ako ang ginugulo mo? At anong kaharian ang sinasabi mo?" Umangat ng tingin si Mirabelle at sinalubong ang matatalim na tingin ni Elanher. Kung kanina ay walang takot sa mata nito, ngayon ay kitang-kita iyon ni Elanher. "At pasensya na sa inasal no kanina. Hindi ko ugali ang maging bastos pero natatakot ako sa ginagawa mo sa akin."
Naglaho ang dilim sa mukha ni Elanher. Hindi siya masamang Engkantado at hindi siya nananakit ng walang kalaban-labang mortal kung wala naman itong kasalanan.
"Hindi ko alam kung maiintindihan mo ako, pero alam kong walang masama kung ipaalam ko sa 'yo ang tunay kong katauhan upang hindi ka na maguluhan." Ginagap niya ang kamay ni Mirabelle upang siguraduhing hindi ito aalis. Pero kakaibang init ang naramdaman ni Elanher. "Isa akong Engkantado na nagmula sa kaharian ng Elenherealm. Alam kong hindi iyon abot ng kaalaman mo pero bukod sa mundo ninyong mga mortal ay may mundo pa na matatagpuan sa ibang dimensyon at doon ako nanggaling, sa Elenherealm."
Nanlaki ang mata ni Mirabelle sa labis na gulat. Naikuyom nito ang kamao na hawak pa rin ni Elanher. "E-elenherealm? Engkantado?"
"Doon kami nanggaling ng alagad kong si Elenara. At oo, hindi kami mortal kundi mga Engkantado."
Bumalik sa normal ang ekspresyon ni Mirabelle bagay na hindi inaasahan ni Elanher. Mukhang panandalian lang ang pagkagulat nito. Hindi ba ito naniniwala sa kanya?
"Sandali." Hinugot ni Mirabelle ang kamay mula sa pagkakahawak niya. "Parang narinig ko na ang salitang 'yan mula kay Keili. So, totoo nga ang mga sinasabi niya sa akin mula pa noon?"
Tumango si Elanher. Alam na niya kung ano ang ibig sabihin nito. "Ibig sabihin naniniwala ka na sa ibang dimensyon kami nanggaling?"
Tumango ang babae. "Bata pa lang ako ay iminulat na sa akin ni Keili ang tungkol sa Elenherealm. Ang buong akala ko ay isa lang itong istoryang pantasya. Hindi ko akalaing totoo pala ito. Pero bakit? Bakit ako pa ang napili niyo? Bakit sa akin kayo nagpapakita? Ibig bang sabihin si Keili na butler ko ay isa ring Engkantado?"
"Hindi ko kilala ang Keili na sinasabi mo," kaila ni Elanher. "At para sagutin ang tanong mo kung bakit ikaw ang napili, dahil taglay mo ang paraan upang maisakatuparan ko ang misyon ko rito sa mundo ninyo. Kaya kung kailangang puwersahin kita para sundin ang sinasabi ko ay gagawin ko." Biglang nagbago ang tono ng pananalita ni Elanher. "Naiintindihan mo ba, Mirabelle?"
Muling yumuko si Mirabelle. Her shoulder droop. "Isang engkantado. Isang engkanto ang namamahay sa pamamahay ko at gusto akong gawing utusan?" bulong nito pero hindi iyon nakaligtas sa matalas na pandinig ni Elanher.
"Isang buwan ang aabutin ng lakas na nakuha ko sa katas ng aking alagad. Pero hindi ako maghihintay ng ganun katagal para maghanap ulit ng bago. Tayo na," aya ni Elanher kay Mirabelle at inilahad ang palad.
"Saan na naman tayo pupunta? Isa kang engkanto, isa akong tao. Hindi mo man lang ba iniisip kung natatakot ako sa 'yo?"
"Hindi. Dahil hangga't kasama mo ang guwapo at makisig na engkantadong ito ay walang mangyayaring masama sa 'yo!" Kinindatan niya ang mortal saka naging usok at naglaho.