"Hindi! Nawawala ang connection ko kay Mirabelle at hindi ko siya ma-track." Sumalampak ng upo si Keili at napahilamos sa mukha. "Why did she even go out without bringing someone?" Keili's expression turned dark. He clenched his fist hard and punched the armrest. Tahimik na nagkatinginan sina Elanher at Elenara pati na rin ang mayordoma. Bago pa man makapagsalita ang huli ay naunahan na ito ni Elanher. "Sabihin mo na lang kung kaya ba siyang hanapin niyang hawak mo o hindi," naiinip na turan niya. Habang tumatagal na hindi niya nalalaman kung saan ang babaeng mortal ay nakakaramdam siya ng pagkabalisa. "f**k! I lost her connection and cannot track her, Elanher!" "Ano?!" Sabay na bulalas nina Elanher at Manang Teresa. Samantalang si Elenara ay nagkasalubong ang kilay dahil hindi maintin

