Chapter 4

1189 Words
Yvaine's POV Nandito kami ngayon sa Mall. Kasalukuyan naming hinihintay ang mga pinsan namin. Si Kuya Zach naman ay panay ang kakacellphone, may katext siguro. Luma-love life ata ang pinakamamahal kong kambal! "Tagal nila" bulong ni Rachelle sa tabi ko. Nasa food court kami ngayon, dito kase ang usapan na spot kung saan maghihintayan. Halos 30 minutes na kaming naghihintay dahil traffic daw sabi nila Derick. OTW daw pero mukhang On The Water, bwisit! "Bili muna ako ng inumin ah! Sab samahan mo naman ako" Sabi ko at hinila na si Sab. "Anong masarap na inumin?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami. "Mag shake ka nalang" sabi ni Sab at tinuro ang isang spot na tindahan ng mga shake. "Libre kita beks!" Sabi ko at hinila na siya papunta sa store. "Bilhan mo si Rachelle magtatampo yon" sabi nito at agad naman akong tumango, tatlo na ang inorder ko na ibat ibang flavor para tikim tikim nalang. "Beks, tignan mo yun" Sabi ni Sab at tinuro ang bagong store na bukas, puro gamit ng lalake. "Oh? Ano meron dun?" Tanong ko sakanya. "Ano bang magandang iregalo kay Lucas? Next week na kase ang birthday niya" sabi nito. Nagulat naman ako, Marunong pala siyang mag effort? Pero parang first time ito ah? Secretly inlove siya sa kanyang pinsan, Pero okay lang yun dahil hindi naman sila magkadugo. "Panyo beks! Laging may hawak na panyo si Lucas eh pansin ko lang" Sabi ko at kinuha na ang order naming shake. "Malay mo madami na syang panyo?" Tanong ni Sab. "Then, dagdag collection!" Sabi ko at hinila na siya papunta sa store. "Bilhan ko kaya si kambal ng brief, alam mo yun? Gamit parin yung last year niyang brief!" Sabi ko saka tumawa. "Inamag na ba sa kalumaan yung brief nung kambal mo?" Tanong nito habang tumatawa. "Oo sobrang baho pa! Pag nasa labahan yun kala mo isang taong hindi nilabhan sa sobrang baho!" Sabi ko saka tumawa. May pang asar na ako kay kuya! Yung brief niyang mabaho na amoy hindi naghuhugas kapag umuhi at tumae. "Teka beks! Eto ang ganda!" Sabi ni Sab at kinuha yung mga panyong nagustuhan niya. Simpleng black and white at may light brown at grey na mga panyo, Ibat iba ang pagkaka design nya pero lalakeng lalake ang dating. Bilhan ko kaya si kambal? Ay wag na pala! Baka ano pa isipin nun. Magkautang na loob pa sakin yun. "Magaling ka talaga pumili ng panglalake! Lalake ka kase ano? Charots lang beks!" Sabi ko at nag peace sign. Sinamaan naman nya ako ng tingin. "Wait! Palagyan nalang natin ng Lettering na tahi, like pangalan niya sa pinaka dulo ng panyo, diba? Para more effort!" Sabi ko at nag thumbs up sakanya. Napangiti naman siya sa idea ko , diba? Galing ko talaga! The best na The best--- "Sab wait lang ah" sabi ko. Nakita ko kase yung lalakeng nireregla yung ilong, Gusto ko siyang kamustahin. Hindi ko kase siya naka usap ng maayos kahapon. "Kuya!" Sambit ko ng makita siyang tumitingin sa mga kwintas dito sa store. "Kuya" tawag ko saka hinawakan ang balikat niya para humarap siya saakin. "Ayos ka na ba?" Tanong ko sakanya pagkaharap na pagkaharap niya saakin, as usual. Bigla nanamang dumugo yung ilong niya. "O to the M to the G!" Sabi ko saka tinuro yung ilong niya. Napahawak naman siya sa ilong niya, hinawakan ko ang kamay niya na nakatakip sa ilong niya. "Ayos ka lang ba? Eto panyo oh gamitin mo muna" sabi ko saka inabot ang panyo ko. "S-salamat" sabi nito at ngumiti ako. "Uy Yvaine! Ay, Hi pogi shota mo ba to?" Biglang sambit ni Sab at tinuro ako. "Naku hindi!" Sabi ko at nakita ko ring umiling si Kuya. Ouch di-neny ako saket! Joke lang landi ko! Jusko desperado na ako magka boyfriend. "Wait kuya! Ano bang pangalan mo?" Tanong ko sakanya at ngumiti. "Hiro" sabi nito at ngumiti rin saakin, Hala jusko! Gwapo. Crush ko na ata sya ngayon kaso hindi nya ako crush. "Yvaine" sabi ko saka inilahad ang kamay ko, tinanggap nya naman iyon saka nakipag shake hands saakin. "Una na kami Hiro ah! Iligtas mo ako mamaya pag may nang-api saakin! Diba Hero ka? Charots lang" Sabi ko at ngumiti sakanya, tumango naman siya at kumaway pa saakin. "Ang gwapo beks!" Bulong saakin ni Sab habang papalabas kami ng store. Nakalimutan ko nang naghihintay nga pala sila kuya! O to the M to the G! Kyaaahhh! Tagal naming nawala. *********** Hiro's POV "Tungkulin ay gampanan Lumayo ang paraan Dala mo ay kapahamakan Nakilala na ang patutunayan Patak ng dugo ang katibayan" "Ano ito?" Bulong ko sa sarili ko. Pagkatapos kong maghilamos ay nakita ko sa salamin ang nakasulat na parang bugtong o tula, Kulay dugo rin ang panulat dito, paano nasulat ito dito? "Hiro, Kakain na" sambit ni Irene kaya agad akong napalingon sakanya. Tumango ako at binalik ko ang tingin ko sa salamin, nagulat ako dahil wala na yung nakasulat gamit ang dugo. Anong ibig sabihin noon? Kinuha ko na ang panyo ni Yvaine at isinampay sa labas namin, Binabat ko yun sa Downy para bumango. Sana magkita ulit kami para maibalik ko sakanya. Pero hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, Nuong hinawakan niya ang kamay ko bumilis ang t***k ng puso ko. Biglang bumagal ang ikot ng mundo. Kaya napilitan akong ihinto ang oras. Natitigan ko ng matagal ang napakaganda niyang mukha, Maputi at makinis, perpekto siya sa aking paningin. Bigla akong nagising sa katotohanan ng sumakit ang puso ko. Lagi nalang ganito! Pero ilang saglit lang ay mawawala na ito, Weird ito sobrang nakakagulo. 30 years na akong tagasundo. 19 years na ito paulit ulit na nangyayare! Napahinto ako sa pag iimagine ko ng biglang lumiwanag ang Book of Death, Binuksan ko ito at isang pangalan ang nakita ko 'Paulo Alvarez' Agad agad akong nagteleport kung saan man siya naroroon, nakita ko ang mga tao na nagkakagulo. Na Hit and Run siya. Kita ko ang dugong nagkalat sa paligid. "Paulo Alvarez. Sumama ka sakin" sabi ko saka inilahad ang kamay ko. "Patay na ba ako?" bulong nito at para bang wala sa sariling hinawakan ang kamay ko. "Pasensya na, ganito talaga ang buhay mabilis pa sa kidlat kung bawiin. Lahat ng tao ay kailangang mamatay" bulong ko saka kami nag teleport papunta kay Fairy Soul. Si Fairy Soul na ang bahala sa lahat ng namamatay. Taga sundo lang ako pero hindi ako ang naghahandle sa mga kaluluwa, isa siyang bathala o diwata ng mga kaluluwa. Pero, Kahit ako, sa totoo lang ay hindi ko kilala ang sarili ko. Hindi ko maalala ang dahilan ng pagkamatay ko basta ang sabi lang saakin nila Fairy Soul ay, Lahat ng makasalanan. Nagiging Tagasundo kapag namatay, pero hindi ko parin maisip kung ano bang ginawa ko noon at naging taga sundo ako. Naranasan kong mapunta sa impyerno at maligo sa mainit na apoy, pagkatapos ay binigyan kami ng kapangyarihan para gampanan ang tungkulin naming, kung hindi,babalik kami sa apoy. Gaano ba kabrutal ang nakaraan ko? At kailangan kong maging taga sundo sa loob ng 100 Taon ? ********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD