Chapter 5 : Friend request

2278 Words
Kylo’s POV “F*ck!” Kanina pa ako takbo nang takbo. Pawisan na ako at halos hingal na rin. Nawala na sa paningin ko ang lalaking gangster na hinahabol ko. Masyadong mabilis ang hayop na ‘yun. Nakakagalit kasi ang ginawa niya. Kung naabutan ko lang sana siya ay tuturuan ko talaga siya ng leksyon. Ang dami-dami niyang pagti-trip-an, ‘yung tindera pa ng mga isda. Hindi ba niya alam na mahirap maghanap-buhay? Kitang-kita ko kanina kung paano niya sinadyang tinaob ang lamesa ng tindera ng isda. Lahat ng isdang tinda tuloy ng ale ay nalaglag sa lupa at nasayang lang. Ang laki ng lugi nito dahil halos puro lupa na ang mga paninda niya. Nakita ko ang suot ng lalaking iyon. May tatak tiger ang jacket niya kaya alam kong kasapi siya sa mga gangster na madalas kong makaaway sa kung saan-saang lugar dito sa Portulaca street. Galit ako sa mga gangster na walang ginawa kundi ang gumawa ng masasama. Galit ako sa mga gawain nilang nakakasama sa ibang tao. Pero bukod doon ay may mas malalim pa akong dahilan kung bakit galit ako sa kanila. Namatay kasi ang mama ko dahil sa kagagawan ng mga gangster na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin makilala kung sinu-sino. Simula nang mangyari ‘yun ay bumuo ako ng grupo namin. Nagkunwari kami nila Finn, Bard at Ander na mga gangster para labanan ang mga masasamang gangster na gustong manggulo sa mga tao. Marami akong pera kaya sinusuwelduhan ko na lang ang mga kasamahan ko para lang sundin nila ako. Bukod kasi sa tatlong kaibigan ko ay may mahigit benteng tauhan pa akong binabayaran para lang madami kami. Buhay ng mama ko ang gusto kong magkaroon ng katarungan kaya kahit malaki pa ang perang maubos sa akin ay ayos lang. Basta maipaghiganti ko lang ang mama ko. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko sila nakikita. Bumalik na rin si Finn. “Ano? Naabutan mo ba siya, Kylo?” tanong ni Finn. Siya ang kasama ko sa kotse kanina nang makita namin ang ginawa ng lalaking ‘yun. Gaya ko ay pawisan at hinihingal na rin ito. Umiling ako. “Parang kabayo ang kupal na ‘yun. Bumalik na tayo sa kotse. Wala na a siya. Nakatakas na. Masyado siyang mabilis kaya hindi ko na naabutan,” sagot ko sa kaniya. “Gago siya, kung naabutan ko lang din siya ay kawawa ang mukha niya sa akin. Dudurugin ko talaga ang mga buto sa katawan niya,” giit niya. Si Finn ang isa sa malakas kong kasamahan sa pagiging pekeng ganster namin. Siya ang parang tank sa amin dahil malaki ang katawan niya at matangkad pa ito. Siya rin ang madalas katakutan ng ilang gangster na nakakasagupa namin. Once na makita nila si Finn ay sila na lang ang kusang tatakbo palayo sa amin. Binalikan namin ang ale na nagtitinda ng isda. Umiiyak ito habang naglilinis ng mga isda na nasayang lang. “Ale, tanggapin niyo na lang po ito para makapagtinda pa rin po kayo bukas,” sabi ko sa kaniya at saka ko inabutan ng sampung libong piso. Nanlalaki ang mata nito nang tignan ako. Nakita ko bigla sa mata niya ang tuwa at pag-asa. “Naku, salamat dito, poging iho. Napakabuti mo naan. Pero hindi dapat ikaw ang nagbabayad nito. ‘Yong mga siraulong mga lalaki dapat na iyon na madalas manggulo rito.” Binilang niya ang pera na binigay ko. “Naku, iho, limang libong piso lang ay sapat na sa akin. Iyon lang ang labas ko dito sa mga isda. Masyado ng sobra itong binigay mo,” sabi pa niya pero tinalikuran ko na siya. Sumakay na lang kami agad ni Finn sa sasakyan ko. Pilit kaming hinahabol ng ale, pero binilisan ko na lang ang pagpapaandar ng sasakyan ko. Ayos lang ang sampung libong piso. Sayang kasi ng pagod niya sa paghahanda ngayong araw. Isipin na lang niya na tumubo agad siya ng limang libong piso sa pagtitinda niya ngayong araw. “Sayang ang limang libong piso. Sa akin mo na lang sana binigay, tutal ay napagod naman ako ngayong hapon,” pagbibiro ni Finn kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tuloy iwas naman siya kapag ganoon na ako sa kaniya. “Joke lang, hindi ka naman mabiro,” dagdag pa niya at saka tumawa. “Late na ba tayo?” tanong ko sa kaniya. Papunta kasi kami sa birthday party ni Bard. Isa rin siya sa kasamahan ko sa pagiging pekeng ganster. Ang part naman niya sa grupo namin ay ang alamin ang nagaganap sa mundo ng social media. Madalas din kasing gumawa ng ingay ang mga masasamang gangster sa mundo ng social media. Bukod doon ay siya rin ang nag-uutos at nagti-training sa mga tao namin para maging magaling sila sa pakikipaglaban. Iba rin kasi ang bilis at lakas ng atake ni Bard kapag nakikipag-away na siya. Sa ilang saglit lang ay mapapatumba niya ang kahit na sinong nakakaaway niya. Sa lahat ng tauhan at kaibigan ko, siya lang ang hindi tumatanggap ng bayad sa akin. Gaya ko kasi ay mayaman din ito. Anak siya ng isang bilyonaryo na maraming business sa buong mundo. Saka tulong na lang daw niya sa akin ang ginagawa namin dahil saksi siya noong nasaktan ako ng sobra dahil sa pagkawala ng mama ko. “Hindi pa naman. Sakto lang siguro dahil hindi pa naman dumidilim,” sagot niya. Pagdating namin sa bahay nila Bard ay agad na akong nag-park sa labas ng masyon nila. Sobrang dami na ng sasakyan nang makarating kami roon. Ibig sabihin ay marami-rami na rin ang bisitang dumating. “Kaylan kaya ako magkakaroon ng magagarang kotse ng gaya ng sainyo?” Tinignan ko si Finn. Kumikinang ang mga mata niya sa mga kotseng nakaparada roon. Minsan, hindi ko maiwasang maawa sa kaniya. Sa tuwing nalalasing siya, palagi niya kinukuwento sa amin na pangarap niyang maging kagaya namin; Maging mayaman, maging malaya sa lahat ng gustong bilhin ng bagay at magkaroon ng magarang kotse. Matalino si Finn. Alam kong matutupad niya ang mga pangarap niya. Ang pangit lang dito ay matalino nga ‘to, pero minsan ay mabagal siyang umitindi ng simpleng instruction lang. Paglabas namin ng sasakyan ay sumalubong sa tainga namin ang malakas na sound system sa loob ng mansyon. Nang maglakad na kami ni Finn papasok sa loob ng mansyon ay tinginan agad sa amin ang mga tao roon na nakatambay sa sari-saring beer bar na naroon sa garden. Bulungan na naman ang ilan at kinikilig na naman ang mga kababaihan. Kahit madalas joker itong si Finn ay marami ring humahanga sa kaniya na kababaihan. Sa ganda ba naman ng katawan niya ay siguradong pati bakla ay maaakit sa kaniya. Saka, may itsura din naman ito. Pero hindi ako magpapatalo dahil ako ang higit na mas maraming fans kaysa sa kanila. Pero ganoon pa man ay kinakatakutan pa rin kami dahil sa alam nilang gangster kami. Isa-isa nang naglapitan sa amin ang ibang kasamahan namin. Mga tauhan ko ito sa grupo namin. Bente sila na tauhan ko na sinusuwelduhan ko ng dalawang beses sa isang buwan. Huminto ako sa paglalakad. Kita ko kasi na halos sabay-sabay kami sa paglalakad. Akala mo ay mga sundalo na iisa lang ang kinikilos. Ganitong-ganito kami kapag may sinusugod na kalaban. “Guys, huwag naman tayong magdikit-dikit masyado. Baka isipin ng mga bisita ni Bard ay may susugurin tayo rito. Saka, birthday party ito. Hindi ko naman sinabi na lumapit kayo sa akin. Wala akong inuutos na ganoon kaya maaari bang maglayo-layo muna tayo. Gusto kong mapag-isa,” sabi ko kaya bigla naman silang nag-alisan sa tabi. Lumingon ako sa gilid ko. Pati si Finn ay nawala na rin. Tanga talaga kung minsan ang isang ‘yun. Hindi ko naman sinabi na pati siya ay umalis din. Napapailing na lang ako. Tumuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa loob ng mansyon. Nakita ko si Bard na may kausap na babae. Tinuro ako sa kaniya ng babae kaya napatingin ito sa akin at saka kumaway. “Hey.” Nakita ko sa sofa si Ander. Mukhang kanina pa siya rito dahil may hawak-hawak na itong bote ng alak. Isa rin siya sa malaki ang ambag sa grupo namin. Close friend ko rin ito. Pero gaya rin ni Finn, tinatanggap niya ang pera na binibigay ko. Ang sabi kasi nito ay nag-iipon siya ng pera para ipambili ng sasakyan. Sa aming magkakaibigan, kami lang ni Bard ang naka-aangat. Ang ginawa naman ni Ander sa grupo namin ay ang kumuha ng mga evidence na maaari naming magamit sa mga kalaban para mapakulong namin sila. Magaling din kasi itong hacker. Madalas ay napapakulong namin ang mga masasamang ganster dahil sa mga evidence na nakukuha niya sa social media o kahit saan pa man. Marami ring naaakit si Ander na kababaihan dahil sa pagiging chinito nito. Kahit payat ang katawan ay may tinatago naman itong abs sa tiyan niya. Sabay na lumapit sa akin sina Bard at Ander. “Nasaan si Finn? Akala ko ba ay sumabay siya sa ‘yo?” tanong ni Bard. “Umalis sa tabi ko kanina. Pinaalis ko muna kasi ang mga tauhan natin na naglapitan sa amin kanina nang pumasok kami rito. Nang umalis ang mga ito ay pati siya ay umalis din. May pagka-slow talaga ang lalaking ‘yun,” sabi ko kaya natawa ang dalawa. “Bundol talaga. Hindi bale, hahanapin ko na lang at dadalhin ko na rin dito. Samahan mo na lang siyang kumain muna, Ander,” sabi ni Bard at saka ito lumabas. Sinamahan ako ni Ander papunta sa VIP buffet na para lang daw sa mga close friend niya. Naroon ito sa isang malaking living room nila Bard dito sa mansyon niya. Nadatnan ko roon ang ilan sa kaibigan niya na masasabi kong mayayaman din dahil sa mga itsura at pormahan nila. Karamihan ng naroon ay babae. Ang ilan ay agad na nagpa-cute sa akin. Wala naman akong time makipaglandian ng oras na iyon dahil ginutom ako sa pakikipaghabulan kanina. Gusto ko nang kumain. Inabutan na ako ng plato ni Ander. Kumuha ako ng pagkain na trip kong kainin. Hindi ako nag-rice. Puro ulam lang ang kinuha ko. Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay inaya ko si Ander sa terrace ng mansyon nila Bard. Ayoko kasing kumakain habang tinitignan ako ng ilang sa mga tao roon. Naiirita ako kapag ganoon. Hindi ako nakakakain ng maayos. “Sandali, sasabihin ko lang sa kanila na narito tayo sa terrace. Baka kasi hanapin nila tayo,” sabi ni Ander at saka binunot ang cellphone sa bulsa niya. Humarap siya sa view ng terrace at saka tinapat ang phone sa tainga niya. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone sa bulsa ko kaya kinuha ko ‘yon. Pagkakita ko ay tumatawag sa akin ang isang unknown number. Napakunot ang noo ko. Sino na naman kaya ang nagbigay ng number ko sa kung sino. Sigurado akong babae na naman ito. Sinagot ko iyon para malaman ko kung tama ba ang hinala ko. Pagpindot ko sa accept call button ay agad kong narinig ang isang pabebeng boses ng babae. “Oh, syet! Totoo bang ikaw ‘to Kylo Sanders?” tanong niya. “Hindi ako interasado sa babae. May asawa na ako!” pagsisinungaling ko sa kaniya at saka ko siya pinatayan agad ng linya. Ganoon ang palaging sinasabi ko sa mga babaeng patay na patay na makuha ang number ko. Ito ay para hindi na sila mangulit pa. Hindi ko pa kasi goal sa ngayon ang maghanap ng mapapangasawa. Pinangako ko na sa sarili ko na kapag nagawa ko na ang mission ko na mahanap ang mga pumatay sa mama ko ay saka ako maghahanap na mamahalin kong babae na makakasama ko habang-buhay. Napadabog ako nang ibaba ko sa lamesa ang phone ko. Malilintikan na naman sa akin ang kung sinumang nagbigay na naman ng number ko sa babaeng ‘yun. “Ano? Tapos ka na ba? Magpapadala na ba tayo dito ng alak?” tanong ni Ander. “Oo,” maikli kong sagot. “Anyway, may pinagbibigyan ka ba ng number ko?” tanong ko sa kaniya. “Wala. Hindi ba’t ayaw mo nang ibinibigay ang number mo sa babae kaya bakit ko naman gagawin iyon.” “Lintek, may babae na naman kasing tumawag sa akin ngayon lang,” iritado kong sabi sa kaniya. “Tanong mo kay Bard o Finn. Maaaring isa sa kanila ang gumawa niyan,” sabi niya at saka ito nagpaalam na pupunta muna sa bar na nakalagay sa garden nila Bard. Kukuha na siya ng alak. Nang mag-isa na lang ako roon ay nag-phone na muna ulit ako. Napunta ako sa social media account ko. Gaya dati, ang dami na namang friend request. Pahirapan na naman sa paghahanap ng taong kakilala ko na dapat kong i-accept. Habang tinitignan ko kung may kakilala ba akong nag-friend request sa akin ay biglang may dumapong ipis sa balikat ko. Siga ako, pero kapag ipis na ang dumapo sa akin ay ibang usapan na ‘yun. Nagtatalon ako at nagpapagpag ng katawan. Natamaan ng kamay ko ang ipis kaya lumaglag ito sa sahig. Sa puntong iyon ay inapakan ko na iyon para mamatay na ito. Nang maupo ako at bumalik sa pagtingin sa phone ko ay nagulat ako dahil may isang friend request akong aksidente kong na-accept. Luca Jimenez ang basa ko sa pangalan niya. Suwerte siya at busy ako ngayon. Hinayaan ko na lang munang maging friend kami kahit hindi ko siya kilala, dumating na kasi sina Finn at Bard dito sa terrace. Mag-start na kaming mag-inuman kaya sinilid ko na muna ulit sa bulsa ang phone ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD