Chapter 67 : One down

1500 Words

Luca’s POV Hindi ko inaasahan na babaliktad agad ang mundo. Kanina, siya ang nakatali, ngayon ay kami naman nila Anor at Bard ang itinali nila sa mga puno. Napaluha ako dahil duguan at hindi ko alam kung buhay pa ba ngayon si Karlo. Sobrang dami na kasing dugo ang nasa paligid niya ngayon. Hindi namin inaasahang may limang lalaki na tauhan niya na darating dito para saklolohan siya. Talagang matinik ang isang ito. Handa siya, sigurado ako roon kaya mukhang tama nga si Bard. Matalino ang gunggong na ito. “Una pa lang, alam ko na. Una pa lang ay ramdam ko nang may kakaiba sa iyo. Sinasabi ko na nga ba’t nais mo lang akong paglaruan. Ngunit ang hindi ko alam na nasurpresa ako ay ikaw pala ang anak ng lalaking napatay namin ni Cyrille,” sabi niya sa akin. Kahit duguan at masakit ang katawan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD