Chapter 3 - Two Clowns

1264 Words
Luca's POV "Wow! Sa iyo ba talaga ang private resort na ito?" tanong ni Eli na nanlalaki ang mata nang bumaba na kami sa sasakyan ko. Kahit ako ay namangha rin sa nakita ko. Sobrang laki at sobrang ganda ng resort na ito na binigay sa akin nila mama at papa. "Hala! Ang bongga ga!" sabi naman ni Landon na nanlalaki rin ang mga mata. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako? Hindi ko talaga makuhang maging masaya ngayon. Pero ganoon pa man ay nakakatuwang isipin na sa akin pa talaga ipinangalan ang private resort na ito. "Bet na bet ko ang pangalan nitong resort. Girl na girl!" sabi ni Eli na tila inaasar pa ako. "Totoo! Luca's Private Resort! Ang bongga! Iba talaga kapag yayamanin ang pamilya," wika ni Landon na pumapalakpak pa.  "Hey! Smile!" sabi ni Eli sa akin. Hindi ko mapigilang hindi maluha. Tuwing susubukan kong ngumiti ay naiisip ko talaga si papa. Wala na ang papa ko. Hindi ko na siya makakasama pa kahit kaylan. "Ngumiti ka naman. Opening ito ng bagong resort mo. Sige ka, kapag ganiyan ang buena mano mong reaction dito sa resort mo ay lalangawin ito. Baka malasin habang-buhay ito at kailanman ay walang pupuntang mga tao," sabi niya kaya napairap ako sa kanya. "Ang OA mo naman!" sabi ko at saka ko siya hinampas ng bag na dala ko. "Kaya kung ayaw mong mangyari iyon ay maging masaya ka muna ngayon kahit saglit," sabi ni Landon na hinahagod ang likod ko.  Natakot naman ako sa sinabi niya kaya nagpunas na ako ng luha. Nag-aabang na rin kasi sa amin ang mga magiging tauhan ko kaya ayoko namang maging pangit sa paningin nila. Ginawa ko na ang sinabi niya. Ngumiti na ako at saka ko inayos ang sarili ko.  Habang naglalakad kami ay ang daming balloon at palamuti sa paligid namin. Inayos mabuti ang lahat sa resort dahil ngayon na talaga gaganapin ang opening. Habang naglalakad na kami sa loob ng resort ko ay unti-unti nang lumalakas ang sound na nasa stage ng resort. Si mama ang may pakana nito. Gusto kasi niya ay palaging bongga ang mga opening ng kahit anong business namin. Sa kasamaang palad ay ito ata ang pinaka-malungkot na opening na nangyari sa buhay ko. 'Yung habang sinasalubong ako na kasiyahan ng mga tauhan ko rito sa resort ay nagluluksa naman ang kalooban habang pilit kong ipinapakita sa kanila na ayos lang ako. Lahat ay pumapalakpak at yumuko kapag nadadaanan ko. Ngumingiti na lang ako bilang tugon sa kanilang lahat. Kahit malungkot ako ay hindi ko mapigilang matawa dahil kumakaway ang dalawa kong alalay na beki na nasa parehas kong gilid. Sila ang tila star habang naglalakad kami kaya ang ilan sa mga tauhan ko ay tuwang-tuwa sa kanila. Pagdating namin sa stage sa pinaka-center ng resort ay sinabitan ako ng necklace na gawa sa sari-saring bulaklak ng isang babae. Siya ang kinuha ni mama na magiging secretary ko—si Toriana Esteban.  Ang sabi sa akin ni Toriana ay may live band daw ngayon dahil opening nga raw. Tinanong pa nga niya sa akin kung gusto ko na raw bang papasukin ang mga taong gustong mag-swimming na dahil kanina pa raw mga nakapila ang mga taong iyon sa labas ng resort ko. Pumayag naman ako dahil bigla akong nahiya. Baka kasi may ilang oras na silang naghihintay sa labas. At dahil opening ngayon, kalahati lang ang kailangan nilang bayaran sa kahit na ano. Entrance fee, room, cottage at kung anu-ano pa. "Miss Toriana?" tawag ni Eli sa secretary ko. "Yes po?" Lumapit naman ito sa amin. "Gutom na si Luca, baka puwedeng gawan niyo na kami ng food," anito na kinagulat ko. "Wow! Gumawa nang sarili niyang desisyon. Kapal ng mukha!" sabi sa kanya ni Landon kaya natawa kami parehas ng secretary ko. "Actually, kanina pa siya naka-ready. Naroon po ang food sa mansyon niyo," sabi ni Toriana. "Mansyon?" Nagulat si Eli. Akala niya siguro ay uuwi pa kami sa mansyon namin para roon kumain. Hindi niya alam na may mansyon na rin ako rito sa tabi ng resort ko. "Yes, sa mansyon po ni Sir Luca. Diyan lang po sa tabi ng resort na ito," sabi ni Toriana kaya lalo nang nagulat ang dalawa. "May mansyon ka na rin?!" sabay nilang tanong. Nang mag-nod ako ay napanganga na lalo ang dalawa. "May daan po rito sa may gilid, diyan na po kayo mag-short cut para hindi na kayo iikot pa sa kabila," sabi ni Toriana kaya tumango na lang ako. "Salamat, Toriana! Sige na, asikasuhin niyo na lang ang mga tao. Kapag may need akong malaman ay puntahan niyo na lang ako sa mansyon," sabi ko sa kanya kaya yumuko na ito sa harap ko at saka na siya umalis. Pag-alis ni Toriana ay sabay na lumuhod ang dalawa sa harap ko. Nagbigay pugay sila sa akin na akala mo'y isa akong princesa. "Ikaw na po talaga! Madam na madam na ang datingan mo! Paampon na po kami!" sabay na sabi ng dalawa kaya tawa ako nang tawa. "Tumayo na nga kayo riyan at pumunta na tayo sa mansyon. Gusto kong mahiga muna," aya ko sa kanila kaya tumayo na sila para sundan ako. "Puwede bang ikaw na ang magpaaral sa akin? Ayoko na kasi sa bahay! Urat na urat na ako sa papa ko na pilit na itinatapon ang mga kolorete ko sa mukha. Ang mamahal pa naman ng mga bili ko sa mga iyon, sayang talaga," sabi ni Eli. "Go lang! Sa mansyon ko na lang din ikaw tumira kung gusto mo," sabi ko kaya nakita kong nagulat siya. "Totoo? Seryoso ba iyan?" hindi makapaniwalang tanong ni Eli. "Kung ayaw mong maniwala ay di, huwag!" sagot ko at saka ko binilisan ang lakad ko. "Hey! Ako rin. Ayoko na rin sa bahay namin. Madalas din akong mabugbog ni papa. Sa iyo na rin akong titira?" sabi na rin ni Landon kaya tumango na lang ako. Ayos na rin na may kasama ako sa mansyon para hindi ako mabagot. Malalayo na ako kay mama, kaya sigurado ako na mami-miss ko siya at malulungkot lang ako. Mabuti na iyong may mga clown akong kasama sa bahay.  "Pag-uwi ko ay mag-iimpake na agad ako. Sa wakas ay malaya na ako. Magagawa ko na ang mga pangarap kong gawin sa buhay ko. Sisiguraduhin kong magiging successful akong tao balang-araw," sabi ni Eli na seryoso ang mukha habang naglalakad na kami papunta sa mansyon. "Me too, ipapamukha ko sa kanila na ang sinasabi nilang baklang ito na walang silbi ay balang-araw ay titingaliin nila. Pagdating ng araw ay luluhod din silang lahat sa akin," sabi naman ni Landon na tila seryoso rin sa mga sinasabi nila. Sabagay, dati pa nila sinasabi sa akin na nakakatanggap sila nang pananakit sa mga tatay nila kaya oras na nga siguro para tulungan ko sila. Suwerte pa rin ako kay papa na kahit alam niyang malambot ako ay tanggap niya kung ano ako. Hindi ako nakaranas nang pambubugbog sa kanya. Kaya pagkatapos nitong opening ng resort ko ay uuwi na agad ako sa bahay para bantayan si papa. Hindi ako aalis sa tabi ng kabaong niya. Susulitin ko ang mga araw at gabi na nakikita at nakakasama ko pa siya dahil pagkatapos niyang ilibing ay hinding-hindi ko na siya makikita kahit kailan. Sobra ko siyang mami-miss. Ipinapangako ko sa sarili ko na hindi ako titigil sa paghahanap sa kung sino man ang mga hayop na pumatay sa papa ko. Magdudusa sila sa buhay nila kapag nalaman ko kung sino ang mga ito. Mabubulok sila sa bilangguan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD