Chapter 11 : Caregiver ka, Luca?

2012 Words

Luca’s POV Kakauwi lang namin ng mga bakla galing sa mall. Namili na kasi kami ng mga gamit namin na pang-school. At dahil sa akin na nga sila nakatira, sagot ko na rin lahat-lahat ng gastos sa pinamili nila. Napagod ako sa dami nang pinasukan naming shop kaya pagdating sa bahay ay napaupo na lang ako bigla sa sofa sa living room. Ang dalawang bakla na lang ang hinayaan kong magbuhat ng mga pinamili namin. Dapat lang. Fifty thousand ang nagastos ko sa kanilang dalawa. “Gusto mo ba ng kape, Luca?” alok sa akin ni Eli. “Gaga, tsaa ang ialok mo sa kaniya. Marami tayong nakain kanina sa mall. Kailangan niya ng pampatunaw. Dagdagan mo na rin ang gawa para sa ating dalawa,” sabi naman ni Landon. “Korek. Tsaa ang bet ko.” “Okay, wait lang at gagawa na agad ako.” Inihiga ko saglit sa sofa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD