'Red is bloody, her lips were bloody, it tastes revenge, rage, and danger. Red is scary but that moment, it is not... after all the pictures of hazard, comes her comfort of a kiss with an antidote.'
-VTRE
My hands are shivering, I cannot fully take over the strength of my anger that reigned over me years passing by, because this dying prince who betrayed us can melt the few strands of my rage.
"You have to kill me Cyan, before the soldiers find you," he said while his eyelids are half-closed.
"I am not Cyan." My eyes drifted again on his tattoo, I now realized why my rage was mitigated, it's because of that tattoo.
I can't be weak, I can't. I need to kill him so the Evionoire’s reign will be bleak, I need to kill the next ruler so the king couldn't continue his cruelty and greediness.
He is the only son of the Evionoire, if he dies, their usurping will end. The throne of Evionoire’s is casted by magic, the master of the organization knew how to remove the spell. And so, we need to cut the Evionoire’s out from the chain.
"What's your name, then?"
He seriously had the time to ask my name?
"Pangalan?" he repeated. "Pangalan mo, Diwani." Hearing him say the honorifics, summoned my kept memories of our land.
"Lost one," I answered.
I'm still weak, I was never strong to begin with. His words just pierced my caged hatchet a bit deeper again but it wasn’t because he committed another betrayal but because I remembered everything.
"Remember the name that killed you, tell the God of Rainbows, the native god of the six kingdoms before you stole it, tell them that I killed a traitor." I managed to look tough.
The rainbow, yes, we believed that the colors of the rainbow are Gods and Goddesses sent by their father God Hariomon.
Evionoire even changed our religious beliefs.
He nodded with a smirk while his mouth was tainted from his own blood.
I'm sure he'll fall straight down the floor, whatever the reason why I cupped his face before it hits the floor— I don't know why.
After all... I don't want him dead, the heart that was caged and buried with a hatchet wants him safe.
The little girl who is fond of this traitor is stirring between my rages. That tattoo, the memories, the Rain I used— to be infatuated with.
I bit my lower lip.
Then an idea popped in my head.
'You are supposed to live a few days of torture before you die.'
"Cyan." He is still breathing. I can see how his lips that are usually red is shading darkness, the poison is starting to cascade inside him.
The nerves in his lilac eyes are reddish, the blood is starting to come out from his nose.
His face was bloody, his body was bloody, the powerful prince was in his state of weakness.
He is dying.
This might be the reason why I brought the antidote with me because the little Cyanna Mediore in the land of Mediore before is just hiding behind the raging 'Lost one'.
I drank the bottle of antidote, reached his nape, tilted his head, pinched his cheeks to open his mouth, and transferred the antidote. Our lips touched.
And it's... nostalgic.
I’m a fraud for looking for a good reason why I had to transfer the antidote through my mouth when I can just pour it inside his mouth.
'Live for afew days, fight me for real, don't die without fighting me.'
I was a lost one who just found her... home.
Whatever the definition of happiness for a girl who befriends a stranger, she doesn't know. She just knew that it was a surreal feeling playing in red, a red background as the stranger is looking at her intently.
(Nakaraan)
"Pinuntahan kita sa iyong silid kagabi upang ipakita sa iyo ang aklat tungkol sa mga halimaw sa Vezemiedo,ngunit wala ka, saan ka pumunta sa ganoong oras?" Nagulantang ako nang itanong iyon ng aking Yaam na kapatid na si Huestia, matapos ang aming umagahan.
Mabuti at lumabas na sa pagsisilbi ang mga ayuey. "Ako'y pumunta sa palikuran ate." Umirap ako upang mas maging epektibo ang aking palusot. “Dapat ay kinatok mo ako habang ako’y nagbabawas—”
“Cyanna! Kumakain ako!” sigaw nito, na siya namang nagpangisi sa akin.
Bukas ang kwartong kainan naming mga Diwani, kaya'y nakikita namin ang paglalakad niyong mga askar at mga ayuey sa ibaba ng aming kinalalagyan, mukhang silang abala lahat, marahil dahil sa paghahanda sa susunod na piyesta.
Mataas na bahagi ang aming gawi kaya't kami lamang ang nakakakita sa mga tao sa baba.
Mula sa aming kinalalagyan ay natatanaw namin ang malalaking kabahayan at ang malawak na pader.
"Yaam, nais mo bang pumunta sa parang ngayon? Maganda ang tanawin ngayon dahil tagsibol na ng mga bulaklak." Magiliw kong paanyaya ngunit naging abala na ang diwa niya sa pagtingin sa baba ng palasyo.
Nagtaas ako ng aking kilay. "Yaam..." hindi niya pa rin ako sinagot, pati ang pagsubo nito ay natigil, kaya't sinundan ko ang tingin niya sa baba.
Sinusundan niya ang galaw at kilos ng isang askar, ang askar na dayuhan. Kapansin-pansin nga ito dahil mas maputi ang balat nito sa mga kalalakihan at may dilaw at olandes na kulay na buhok. Malamig ang mga tingin nito kahit pa magigiliw ang mga ayuey na bumabati sa kanya.
Magaganda ang mga ayuey na nagsisilbi sa mga dugong-bughaw ngunit hindi nagpapakita ng tuwa ang dayuhan.
Kahit pa nakita kong binibiro ng mga kasama niyang askar ay hindi ito nagbibigay ng reaksiyon.
Napag-alaman kong kaunti lamang ang kanyang alam na salita. Ngunit hindi pa rin mawawala ang galit ko sa kanyang pagkukunyaring pipi.
"Yaam, hindi pipi ang dayuhang iyan, alam mo ba? Nagkukunyari lang siya, traydor ang hayop na 'yan—"
"Cyanna!" sigaw ng aking Yaam at tumingin ito sa paligid namin, "Huwag kang magsabi ng mga masasamang salita, baka marinig ka ng ating ina." Napairap ako.
"Pero totoo ang sinasabi ko."
"At huwag mong pagsalitaan ng masama ang dayuhang askar, isinuko niya na ang kanyang paninilbihan sa atin." Nangungunot ang noo ng aking Yaam.
"Paano ba nila nahanap ang lalaking iyon?" Nagtaas ako ng kilay upang ipakita ang inis ko. Iba ang kislap ng mata nito sa aking tanong.
"Habang nasa paglalakbay ang ating ama papuntang lupain ng mga Hermouna ay nakita nilang hinimatay iyon sa gitna ng daan. Ang sabi'y maaring manlalakbay at ninakawan ito, ang sabi'y wala na itong magulang at kapamilya kaya dinala siya ng ating ama sa kampo."
"Paano niyo nasabing wala siyang magulang?"
"Kung mayroon, bakit ninanais niyang manatili rito?" tanong nitong may pangungunot ang noo.
"Nagsisinungaling siya, marunong siyang magsalita at dayuhan ang salita niya."
Ngumiti ito sa aking sinabi imbes na magalit, iba talaga ang kislap ng mata sa tuwing binabanggit ko ang impormasyon tungkol sa dayuhan.
"Kung ganoon, paano mo naman nasabi iyon? Saan mo siya narinig na nagsalita ng dayuhan, papaano Cyanna?" nagtaas ako ng kilay, bakit mas pinaniniwalaan nila ang isang dayuhan kaysa sa aking kadugo nila?
Hindi ko maituloy ang sasabihin ko sa aking ama, dahil baka maungkat iyon at mapunta sa usaping pagtakas ko tuwing gabi upang mag-ensayo.
"Ŋίέmiςτέ ό Ёñίέ." Sanay na akong susulpot siya sa aking likuran na hindi ko napapansin, iyon ang isa sa nais kong matutunan sa kanya, kapag naging bihasa na ako sa pag-bato ng sundang sa nais kong direksiyon.
Pag-aaralan ko naman kung paanong maglakad at sumulpot nang hindi napapansin.
"Anong salita iyan, maari mo rin ba akong turuan?" ngumisi ito. Bakit sa iba ay malamig ang turan niya bakit sa akin ay ngingisihan niya ako nang nakakainsulto?
Hindi ba siya natatakot na maari ko siyang parusahan dahil sa ngiting iyan? Ngunit patakas nga lang ang aming ginagawa kaya't hindi ko magawang parusahan siya.
"Turuan? You want me to teach you everything that I know, but I can't get anything from you?"
Mas lalong lumapad ang kanyang ngisi, nagtaas ako ng kilay, doon ko nakita ang halakhak niya. "I am not asking for any payment, but I deserve a better treatment than being stared like I am a killer."
"Turuan mo ako... upang... maintindihan... kita." Gumagawa ako ng mga galaw sa aking kamay, itinuturo siya at ang aking sarili upang maintindihan niya.
"I get you okay, don't do gestures as if I'm dumb." Ngumisi ito. Mas lalo lang akong naguluhan kaya iginilid ko ang ulo ko na may paniningkit ng mata, baka sakaling mabasa ko ang ibig sabihin ng mga salita niya.
"Sabi ko... turu...an mo ako—" natigil ako sa aking pagsasalita nang ngumisi na naman ito at sinabayan pa ng iling. Nanlaki ang aking mata nang hinawakan niya ang aking kamay na gumagalaw at ibinaba iyon.
"Huwag mo nga akong hawakan!" Inirapan ko siya at inilayo ang aking kamay.
Muli na naman itong tumawa.
Naiinis ako ngunit nais kong mawala sa isip ang paghawak niya sa akin kaya't kinuha ko ang sandatang kahoy at inabot sa kanya ang isa.
"Mag-ensayo na lamang tayo dahil ayaw kong makipag-usap sayo, hindi naman tayo nagkakaintindihan." Itinutok ko sa kanya ang sandata habang ginagawa ang postura sa paghahanda.
Ngumisi na naman ito.
Sumugod na ako ngunit sa kadalasan niyang ginagawa ay umiiwas lamang ito, aatras, at gigilid sa bawat atake at hiwa na aking ginagawa, pagkatapos ay yuyuko at tatawa.
Palagi niyang itinatago ang kamay niya sa kanyang likuran hawak ang sandata. "Kalabanin mo ako!" Naiinis na ako sa kanya, paano ako gagaling kung puro iwas lamang siya?
"I'm sorry I won't hurt you pretty princess." Ngumisi ito pero sa inis ko ay pumulot ako ng bato sa lupa. "No! No! It's not part of the practice— aw! That hurts! Hey- I'm an Ore- ouch!" Sunod-sunod ko siyang binato.
"Hey stop— aw! I did not punish you for disrespecting me and this is not fair- ouch! Tama na!" Ang salitang ‘tama na’ lamang ang naintindihan ko, natawa ako sa pamamaraan niya kung paano sabihin ang lengwahe namin.
"You have done so many disrespectful acts to an Ore, if you were in our empire, you'll be dead by now."
"Ya-ya-ya-ya-ya." Inasar ko siya dahil kahit anong salita niya’y hindi ko naman siya maintindihan. "Alam mo, hindi kita maintindihan pero gusto ko... kalabanin mo ako sa patas na paraan, naiintindihan mo ako?"
"Naintindihan." Napangiti ako sa nakakatuwang pagbanggit niya ng salita.
Muli akong naghanda para sa pag-ensayo.
Mas lumapad ang ngiti ko nang inilabas niya na ang kanyang sandata at naghanda na rin, magandang ensayo ito dahil matangkad at malaki ang pangangatawan niya. Lalakas at gagaling ako kapag ganito.
"Fine, I'll follow you princess."
Umatake na ako sa paghiwa sa kanang bahagi niya, sinanggalang niya iyon, ganoon din sa ikalawa at ikatlo, kahit saan ako aatake ay nakahanda ang bilis niya sa pagkontra roon.
"H'm... getting good at it huh?" Palagi siyang may komento kahit na gumagalaw siya, para bang ang dali lamang nitong maiwasan ang paghihirap kong masaktan siya kahit isang beses sana.
"Nakakainis!" Sunod-sunod ko na naman siyang inatake, ibinuhos ko ang lahat ng aking lakas ngunit mga tawa niya lamanng ang mas lalong nagpapagalit sa akin.
Gumulong ako sa lupa upang makalipat sa likuran niya.
"I have seen that coming, princess." Tinamaan niya nang malakas ang dapat na itutusok ko sa kanyang likuran na sandata. Kung kinontra ko ang paghataw niya sa aking sandata at hindi binitawan iyon ay maaring mabali ang aking pulsuhan dahil napakalakas noon.
"I'm sorry..." Mabilis niyang hinawakan ang aking kamay, hinila ako patayo katulad nang dati at inalalayan ang aking likuran, muli na namang naglapit ang aming mukha.
Napatikhim ako at itinulak siya.
"Does it hurt?" Sa tunog na iyon ay mukhang nagtatanong siya. Tiningnan niya ang namumula kong palad.
Nagulat ako sa ginawa niyang paghaplos.
Ngunit sa pagkakataong ito hindi ko mabawi ang aking kamay, kay sarap sa pakiramdam ng kanyang haplos.
"If you keep holding a sword, your soft hands will be callous, will you be okay with that?"
Tanong ulit iyon, mas mahaba nga lang. "Ayos lang ako." Inilayo ko ang hawak niyang kamay ko, ngunit hindi niya iyon binitawan.
"Bitawan mo na ako dayuhan." Mariin na ang mga titig ng kanyang lilang mga mata.
Humaplos ang palad niya sa aking pisngi at pinunasan ang mga pawis doon.
"I wonder, will it happen? Is Vriveta’s right?"
"Ano?" sa pagkakataong iyon ay hindi ko siya maitulak nang hilahin ako sa magagandang kulay ng kanyang mga mata.
"If you are old enough." Umiling-iling ito matapos ngumiti ng tipid.
"You look young... but... will you really be…" Nagbuga ito ng hangin.
"Ano bang sinasabi mo?" Itinulak ko siya.
Ngunit bago pa ako mahiwalay sa kanya ay hinila niya ako pabalik, sinakop ang aking pisngi gamit ang mahahabang daliri niya na halos masakop na ang aking batok.
Mayroong malambot na dumampi sa aking labi... malalambot na labi ng isang dayuhan. Iyong mga labing may kulay pula, na minsan ay napapansin kong pinapadaan ng kanyang dila.
Ngunit iba lamang sa gabing ito dahil hindi na mata ko ang nakapansin doon, sa pagkakataong ito ay nalasap ng aking labi ang lambot niyon.
Sa panlalaki ng aking mata dahil sa gulat ay itinulak ko siya ngunit mas lalo niya akong ikinulong sa kanyang katawan.
Kung paanong ilang segundo ay napatigil ako at hinayaan siya. Siguro ay dahil naiparamdamn niya sa akin ang isang estrangherong pakiramdam, nakakakita ako ng magandang kulay singtulad ng mga bulaklak na aking kinahuhumalingan sa parang, nang napapikit ako’y nakita ko ang pagsayaw ng mga bulaklak.
Hindi ko mawari kung bakit nagustuhan ko iyon kahit na hindi ko mapangalanan.