Red II: Where fierce are

2073 Words
'Red is fierce, red is fire, red is vengeance, after death is life, her death is her life.' Cessiana, our continent has six independent kingdoms. I can still see the lucid picture of how beautiful our land is.  But the image of amity in the land I have grown up in, turned into a chaotic shape that forms endless despair to every native person. The invasion of an Evionoire destroyed the lands and has been transmuted into a queer place that we couldn't see anything but new and monstrous. They took the title of the kings and queens who bent the knee and turned them as their prime leaders, specifically under the King Evionoire. The only son of the King Evionoire, Rain, is a traitor. The violet gems on his eyes appear to be rocks of betrayal. The image that my fellows that amazes them when I was young is a trick, as if a magic that would hypnotize them. They used to be bewildered by the copper-yellowish hair and his eye color. But those colors are for the tyrant name called 'Evionoire', my family should have known that he was sent to destroy us. How will they know? They haven't crossed other continents, how  will they know that the people with lilac eyes are cruel? "Where have you been, lost one? Do you know that this ain't the time for a weakling to roam in the lands of Evionoire?"  With coldness in my eyes I stared at my Master, as if conversing with him of how my plotted plan for ten years had been messed up after the man who threw me half-dead in the cliff was the only son of Evionoire. What a good Rainbow of fate works tormenting me. "Don't look at me as if you are the higher lost one." His rage is shaking but for a person who loses everything, death couldn't even scare her off. "Apologies, I saw the Evionoire's hidden son, he was already introduced to be the next Ruler," I said, his lips thinned. His chuckles never bother me. "I already know that, lost one, don't consign a message that's already been passed. Don't make me mad." Even in a strong façade is an afraid master. 'Yes, master, you shall be scared, the next ruler was a trained man since his early years, my father and my elders taught him.' "Lost one, do you know that it indicates your departure?" He pauses. "Kill him, before he ascends." 'That was already my plan, kill the predecessor', I don't have plans of sending my message. The next King wanted me to deliver to my master, never. My master must win the battle, that's what rebels want. They'll wait for the Evionoire's downfall before they make a move. Kill the King plus the crowned Prince and then kill the master. We'll have our freedom back. Easy as it sounds but suicidal.  "I will give you the weapons." He showed a wry smile. "Those special ones, that will surely kill a powerful Evionoire." He laughed like a hawk with poorness, I'm shaking my head as he walked inside the dungeon. This poor master did not know that plenty of rebels were planning to steal his position. 'I don't want his position, I want to see him dead.' Red is blood, red is fire, red is vengeance. (Nakaraan) "Kapag nahuli ka ng iyong ama, siguradong paparusahan ka na naman." Banta ng pinuno ng tagapagsanay ng mga 'askar' ng aming lupain na si Nero.  "Bakit niyo po tinuturuan ang batang dayuhan? Samantalang ang mga babaeng tulad kong nais mag-sanay ay pinagbabawalan?" Sikmat ang aking natanggap sa pinuno. "Dahil babae ka," sagot nito sa mahinang boses na nais kong tawanan.  Dahil babae kami, hindi maaaring matuto sa pakikidigma, dahil babae kami wala kaming kakayahang humawak ng sandata, dahil babae kami, nararapat lang kaming ikulong sa bahay at matuto ng mga tula, ng mga sining, mga kultura, at paanong umaktong babaeng mahinhin. Ngunit paano ko magugustuhan ang isang gawaing tanging lalakumos sa pagnanais kong protektahan ang aking sarili at lupain? Kailan man ay hindi ako nakasaksi ng digmaan, tanging pagsasanay lamang ang aking nakikita. Hindi ko nais na makakita nang digmaan ngunit nais kong matutong makidigma.  Ilang daang taon na noong may digmaang naganap at sa mga aklat ko na lamang iyon nababasa. Ang digmaan ng walong unang mga hari noon ay ikinagalit ng bathala kaya't ang noong walong kontinente ay naging apat na lamang nang magpaulan ang Bathala ng ilang daang taon. Dahilan kaya't lumubog ang ibang nasirang kontinente.  Dahil sa digmaang iyon ay nagtayo ng malawak at mahabang pader ang aming kaharian na mayroong basbas ng Diyosang Onandra kaya't kailanman ay hindi ito masisira ng tao ngunit masisira lamang ng isang Diyos o Diyosa. Hindi ko nais na maging kampante at mabuhay ng marangya lamang. Kaya't sa edad na labing-tatlo ay nagawa kong pilitin ang pinuno. Kahit noong walong taong gulang ako ay nakikita ko na ang aking sariling nagsasanay sa pakikidigma, kaya't sa edad ko rin na iyon ay lihim akong nakiusap sa dating pinuno ng mga askar, labing-isang taon ako noong binawian ito ng buhay. Ang bagong pinuno ngayon ay mas matikas at istrikto. Ngunit nagawa niya pa rin akong pagbigyan sa pagnanais kong magsanay ng palihim dahil iyon ang ibinilin ng dating pinuno ng mga askar. Bakit nga ba siya tatanggi? Sa kabila ng lahat ay mas mataas ang posisyon ko sa kanya. Mahigit isang taon niya na akong sinasanay nang palihim. "Hoy! Kalabanin mo ako!" isang gabi, habang tumatakas ako mula sa aming 'torogan' papunta sa bahay-sanayan, nakita ko roon sa loob ang binatang dayuhan. Sa aking pagkakatanda ay walong taon na ito ritong nananatili at hindi pa rin umaalis hanggang ngayon. Hindi ko mawari kung bakit naging magiliw ang aming ama at ina sa isang dayuhang may kakaibang itsura. Mga buhok niya'y kakulay ng lupa sa parang na madalas kong pinupuntahan sa bawat paglubog ng araw, kulay abelyana iyon at hinaluan iyon ng kulay na tulad nang isang sinag ng araw. Lahat ng tao rito ay may itim na buhok, ang mga matang lila niya ay hindi kaaya-ayang titigan, singtulad noon ang halimaw sa gabi na umuungol habang bilog ang buwan, ngunit hindi pa ako nakakakita ng ganoong halimaw. Nabasa ko lamang iyon sa mga aklat sa silid-aklatan ng aming palasyo. Malamig ang titig niya nang marinig ang sigaw at aking paghamon, alam kong hindi niya ako naiintindihan. "Ŋίέmiςτέ ό Ёñίέ." Nangunot ang aking noo dahil sa aking pagkakarinig sa mga tauhan namin ay hindi ito nagsasalita. Kailan man ay hindi ko ninanais na makita siya, ngunit bakit siya nandito ngayon? "Huwag mo akong kausapin ng banyaga, kalabanin mo ako at kapag natalo kita, aalis ka sa aming lupain." Kumuha ako ng sandatang kahoy sa lagayan ng sanayan at iniumang iyon sa kanya, bilang patunay na handa akong makipaglaban rito. "Boys in your land couldn't even beat me, how much more for a kid with frail arms?" Ngumisi ito.  Hindi ko maintindihan ang kanyang mga salita, ngunit base sa mga ngisi niya, para niya akong minamaliit. Maaaring matangkad at medyo malaki ang pangangatwan niya, ngunit hindi niya maaring maliitin ang isang babae. Iibahin ko ang tingin nila sa mga babae, babaguhin ko ang kulturang nakasanayan ng lahat. Ang mga babae ay malalakas rin. Nais kong ipakita sa iba na ang tungkulin ng babae ay hindi lamang upang maging isang Ina, nais kong ipakita sa lahat na ang babae ay kayang maging Ina, maging mandirigma, maging Hari, at maging magiting na tulad nang isang lalaki. Inalala ko ang mga turo ng pinuno, inabante ko ang aking paa, bahagyang binaba ang tuhod upang mabigyan ng lakas ang aking binti at hindi mawalan ng balanse ang aking katawan. Naglakbay ang mata nito sa paggalaw ng aking binti, hindi nawawala ang ngisi nang pangiinsulto. Ako ang unang sumugod, sa unang pagtusok ng sandata ko ay nagawa niyang iwasan iyon. Walang maaring magmaliit ng anak ng hari dahil lamang isa itong babae. Ngunit sa bawat atake ko ay nagagawa niya iyong iwasan na hindi nilalabas ang sandata nitong nakatago lamang sa kanyang likuran. Masyado nang nauubos ang aking pasensiy dahil hindi niya sineseryoso ang laban. "Isa kang bakulaw!" Sa huli ay itinapon ko ang sandatang kahoy sa mukha nito, tumama iyon sa kanyang noo, hindi ko hinintay na makabawi pa ito sa paghimas ng kanyang noo at hinubad ko ang aking sapin sa paa at itinapon rin sa kanya. "Isa kang dayuhan at dapat sayo ay umuwi sa inyo!" Tinakbo ko ang di kalayuang mga sandatang kahoy at isa-isang itinapon sa kanya, nagawa nitong saluhin ang iba, ngunit sa galit ko ay sunod-sunod kong itinapon iyon sa kanya. Bata pa ako noong dumating siya, ngayong maglalabing limang taong gulang na ako ay nandirito pa rin siya at nakikinabang sa mga pagsasanay ng mga askar na dapat ay hindi itinuturo sa isang dayuhan. "Diwani!" Nag-ilaw ang mga sulo at portiko kaya't nailawan kami, nakita ng pinuno ang ginawa ko, natigil ako at agad na kinabahan. "Anong ginawa mo kay Rain?" "Sinungaling ka!" Ibinato ko sa kanya ang huling hawak ko. Kanina lang ay nagawa niya pang saluhin ang mga ibinato ko ngunit nang makita ang mga ilaw ay nagkunyari siyang hindi makabangon. "Diwani Cyanna! Magtigil ka na." Galit ang narinig ko sa ma-awtoridad na boses ni pinunong Nero. "Kung ayaw mong malaman ng iyong ama ang mga lihim na pagsasanay sayo, hindi ginagamit ang natutunan sa p*******t nang walang dahilan-" "May dahilan ako pinuno, nagsisinungaling siya, nagsasalita talaga ang dayuhan na 'yan! Hindi siya ganyan kahina kanina, nagkukunyari lang siya-" "Magtigil ka na!-" "H'wag mo akong sisigawan." Pinagkiskis ko ang aking mga ngipin. "Maaring pinuno ka ng mga askar, ngunit mukhang nakakalimutan mong anak ako ng hari ng lupaing ito." Nawala ang galit sa mukha ng pinuno, hindi makapaniwala na nagawa kong kontrahin siya ngayon, dahil buong pagkakataong sinasanay niya ako, sunod-sunuran lamang ako at ngayong ipinagtatanggol niya ang nagbabalat-kayong dayuhan, mas tumitindi ang aking galit. "Masyado kayong nawili sa isang dayuhan, hindi niyo alam, baka ito pa ang sisira sa inalagaan nating lupain." "Hindi siya kalaban, mahal na Diwani." Ngayon ay nagawa niya nang magbaba ng boses. "Umalis ka muna pinuno ng mga askar." Malamig kong turan. "Isara mo ang pintuan." "Hindi mo maaring saktan-" pinukol ko sa kanya ang tinging hindi nanaising makita sa purong mapaglaro na anak na babae ng hari niya, na ngayon ay may tinging mukhang papatay na. "Masusunod Diwani." Nang makalabas na ito'y mabilis kong tiningnan ang dayuhan, ngayon ay may nakakainsultong ngisi, kanina ay nagmamakaawa pa ito na para bang siya ang biktima. "Isa kang tusong hayop." "Know how to use your power huh?" Ngumisi ito na siyang ikinainis kong lalo. Ginagamitan niya ako ng dayuhang salita, nagisisnungaling siya, nagkukunyari siya sa lahat, ngayon, paano ko ipapaalam sa lahat na isa itong mapagkunyari. "Too fiery for a kid, nice seeing you this close princess, finally." Naglakbay ang tingin ko sa malapit na sandatang kahoy sa aking kanan, kinakalkula ko kung paano ko madadagdagan ang sugat niya sa noong dumudugo ngayon. Nang matanggal ang ngisi niya. "I know what you are planning-" hindi ko na natapos ang sasabihin niya dahil mabilis kong pinulot ang sandata, umikot ako sa sahig upang mapunta ako sa kanyang likuran. Nakahiga akong tinusok ang kanyang likuran... ngunit... Mukhang mali ang aking pagtantiya. Iba ang aking natusok. "Hell of-!" Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nakitaan ko ng galit at pamumula ang kanyang mukha, ngunit mas nanaig ang aking tagumpay nang makita ko ang kanyang inis. Natusok ko ang butas ng kanyang pang-upo. Sobrang nakakatawa iyon na hindi ko na napigilan pang humalakhak. Ngunit hindi nagtagal ang pagdidiwang ko ng tagumpay nang mabilis itong gumalaw. Hinablot ang aking palapulsuhang may hawak na sandatang kahoy, itinapon iyon, hinila ako patayo at ikinulong ang aking likuran sa isa niyang braso. Inipit ako sa kanyang katawan at may galit na tumitig sa akin. "No one ever had the right to do that to an Ore, you shall be punished." Mahina man ay may bangis ang bawat pagbanggit niya ng mga salitang iyon. "You are just a mere kid who only know one particular understanding, royal treats, your power is nothing to an Evionoire, kid, you'll pay for disrespecting me." Hindi ako takot sa kahit na kanino. Ngunit nang makita ko ang galit sa kanyang mga mata ay para akong natitiklop, pakiramdam ko ay banta ng kamatayan iyong salitang sinambit niya. Hindi ako natutuwa sa mga matang lila niya, ngunit sa malapitan ay para itong isa sa mga ligaw na bulaklak sa gilid ng parang, kumikintab, napakagandang tignan nito. Kahit ang tangos ng ilong nito ay magandang pagmasdan na para bang nais kong ipadaan ang aking daliri roon, namumula ang mga labi nito habang binabanggit ang mga salitang may poot. "Kung galit ka sa akin, umalis ka sa lugar namin." Nagawa kong maging matapang sa likod ng mga kaba at itinulak siya. "Makikita mo, papaalisin kita sa lupaing ito, dayuhan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD