"Utol! Bangon na, sasalang ka pa sa interrogation nina Mama."
"Ewan ko nga diyan Kuya eh, na-late din tuloy ako ng gising! Akala ko kasi gigisingin niya ako! Kainis naman... Ngayon lang 'yan sa record niya. 'Di ba ayaw niya mag-absent."
Palipat-lipat ang nagbabangayan sa magkabilaang tainga ko. Lahat ng naririnig ko ay bago sa akin dahil hindi gano'n si Mama. Boses lalaki sila pero wala akong pakialam dahil inaantok talaga ako.
Wait, ano? Boses lalaki?!
"Tsk, talaga nga naman oh! Hoy gumising ka na diyan Tol! Kapag 'di ka bumangon, bubuhusan ka na namin ng tubig!" Sabi no'n at naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko, kaya napadilat ako! Ang bigat ng kamay!
Putek! Lalaki nga!
"Woi, gising na! In one, two, three!"
Napabangon ako sa lakas ng boses ng dalawang lalaki at dahil na rin sa pagsaboy ng tubig sa akin! Gago! Sino 'tong nga ito?!
"Ahhhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ko ng sobrang lakas at mariing pumikit, napadaing naman sila at bahagyang kinamot ang tainga!
"Hala ang O.A. tumili, babae ka na? Gumaganti lang naman kami! Kapag 'di nga ako magising, isang drum ka nga eh, tapos sa 'yo tabo lang... Over ka mag-react..."
Nanlalaking mata akong napaatras ng higa habang nakatingin sa kanila! Dalawang lalaki! Tapos 'yong isa walang damit na nasa harapan ko! R-Rape?! No!
Naiyak ako sa naisip ko!
"Sino k-kayo?!"
Putangina! Ano 'to? Bakit ganiyan?! Ano 'yan?! Panaginip 'to!
"Huh?" Sabi ng isa, sabay batok nito sa akin! "Tigilan na ang shabu, sige na, bangon na. Inaantay ka na nina Papa sa hapag... Ngayon ka lang na-late magising. Akala mo makakatakas ka 'no."
Ano raw?!
Nanginginig akong nakatingin sa kanila at kumapit ako ng mahigpit sa kumot, umalis na ang isang lalaki habang ang mas bata ay nakangising nakatingin sa akin habang nagsusuot ng uniporme!
"Utol baba ka na! Lagot ka kay Mama! Pa-late-late ka pa ng gising ah, kala mo matatakasan mo 'yon?! Kabado ka ba? Mga ilan? Bente?"
Hindi maipinta ang mukha kong nakatingin sa kaniya, bigla siyang tumakbo na parang abnormal! Isip bata gayo'ng mas matanda iyon sa akin! Ano ba ito?!
"Putangina..." Hindi ko alam kung pang-ilang mura ko na. Pinakiramdaman ko ang t***k ng puso ko at sobrang bilis no'n. Hindi ko alam pero napaka weird!
Na-kidnapped ba ako?! Pero bakit Mama daw?! At saka hindi pamilyar sa akin 'tong kwarto, 'di hamak na mas maganda 'yong akin! Ayoko mang aminin pero naiiyak ako! Hindi ko maintindihan at kinakabahan ako!
"Lord..."
Mariin akong nagdasal at agad lumuhod sa kama, 'di ko namalayan na may mumunting luha ng nahulog. Never kong na-experience ang ganito! Kahit kailan! Kung ano man ito ay hindi ko na kaya. Kailangan kong magising!
Sinapak ko ang sarili ko at sinampal pero nagulat ako dahil sobrang sakit! Kaya tumayo ako para tumingin sa salamin! Puro pasa at sugat ang mukha ko! May band-aid pa ako sa ulo! Putangina!
"Na-kidnapped ako..." Bulong ko at umiyak, tinakpan ko pa ang bibig ko at wala sa sariling napaupo sa sahig habang humahagulgol ng tahimik.
Ano 'yong ginawa nila kanina? Binabaliw ba nila ako?! Gusto nila akong mabaliw!
"Anak, ano na nangyari sa iyo? Bakit nanginginig ka? Ano ba talaga ang nangyari kagabi at naging ganiyan ang hitsura mo?!"
"Langga, huwag mo na pagalitan ang bata. Kita na ngang nanginginig eh. At ikaw naman, bakit ayaw mo magsalita anak? Gusto mo bang pa-hospital muna tayo?"
"Hindi naman uso hospital diyan."
Ewan ko na, 'di ko na maintindihan. Umiiyak lang ako habang na sa kama pa rin. Pinuntahan na nila ako dahil sa tagal kong bumaba. Naging seryoso na rin ang dalawang lalaki at bakas sa mukha nila ang pag-aalala. Hindi ko sila kilala, putek sila.
"Mama, ngayon lang umiyak ng ganiyan 'yan. Dati kahit bugbugin 'yan ng buong gang, mas malakas pa siya sa kalabaw. Pero noong mga lalambutin niyang kaklase na, naging ganiyan na siya. Binugbog ka lang ba talaga?"
Ano raw?! Bubugin ng gang? Kahit ata kalmutin lang ako ng isang babae, iiyak na talaga ako eh!
"Eh Kuya, nakabawi naman siya ah. Tawa pa nga siya nang tawa kagabi habang nagkwekwento sa akin ng pambubugbog niya. Sadyang tinakasan lang niya si Mama. Nagpapanggap lang ata iyan..." Tawa kunwari ng lalaking mas bata at tinignan ako ng maingat, tinatantsa kung ngingiti ba ako.
Binabaliw nila ako! Susmiyo, ano ba 'to. Sasakyan ko ba kabaliwan nila? Hindi 'no! Ano ako, tanga?!
"T-Tigilan niyo na 'yan! Sino ba kasi kayo?! Huh! Sino kayo! L-Lakas ng loob niyong tanungin kung okay ako?! Mga baliw! Gago!" Sigaw ko, nanlaki naman ang mata nilang lahat! As in sobrang laki! Ako naman 'yong kinabahan!
"Woi, bunganga m-"
"Bastos ka ah! Kahit biro 'yan hindi nakakatuwa! Kailan ka pa natutong magmura sa magulang mo! Hindi 'yan maganda. Kung gusto mong umiwas sa mga tanong namin! Sabihin mo! Hindi 'yong ganiyan ka. Porque ba nabibiro mo mga Kuya mo, ay ganiyan ka na sa amin! Bastos ka." Pagpaparangal ng matandang lalaki sa akin. Tatay daw.
"Tsk, s**t kayo..." Mura ko at may luha kaya mas lalo silang nagulat! Ako rin ay nagulat dahil natural talaga ang arte nila! "Huwag niyo akong pairalin ng ganiyan! Akala niyo natatakot ako?! Mga siraulo! Pinasok niyo bahay namin at kinuha niyo ako! Nasaan si Mama?!" Umiyak na talaga ako! "Sabihin niyo lang na okay si Mama, titigil na ako!"
"Aba't, talagang pinanindigan! Hindi na nakakatuwa ah. Binabastos mo na sina Mama..." Umiiling ito na para bang sinasabi na tigilan ko na ang pagda-drama. Sumingit naman ang Nanay.
"Ano ba nangyayari sa 'yo?! Hindi ka naman ganiyan magbiro! Sumosobra ka na."
"Ahhhhhhhhhh!" Sumigaw ako at ginulo ang buhok ko! Ang kunat nila! Grabe! My gosh! Daig pa nila bidang bobo!
Ayoko sa kanila, mabilis akong tumayo at hinampas ang ulo ko, humiga-higa ako at pinikit ang mata ko pero 'di ako makatulog. Ramdam kong nanonood sila sa akin at 'di maipinta ang hitsura nila pero wala akong pakialam!
"Mama, malala na 'tong si Irish, 'di naman ganiyan kumilos 'yan!"
Napadilat ako ng marinig ang familiar na pangalan! Ano daw?! Irish?! Charlotte ako, inutil!
"Hoy, Irish! Kung ayaw mong pumasok, edi huwag! Pero harapin mo kami ng Tatay mo! Anong oras na at mamasada pa 'to ng taxi! At ikaw naman! Ikaw na ang paglalakuin ko ng candies tutal 'di ka naman papasok! Parusa mo 'yon!"
Bigla akong tumayo at tumingin ako sa kanila ng dilat na dilat! Parang mayroon akong naalala! Bakas naman sa kanila ang pagkagulat at pagkamangha!
"I-Irish ang pangalan ko?!" Gulantang ko, rinig ko naman ang pigil na tawa ng isang lalaki habang ang mga matanda ay lukot ang mukha!
"Sige, dipende sa 'yo. Ano ba gusto mo? Hehehehe..." Singit ng binata pero 'di ko na pinansin.
"Don't tell me i-ikaw ang Tatay na d-driver at ikaw ang N-Nanay na... Na nagbebenta ng candies sa town!" Turo ko sa kanila, tinignan nila ako na para bang ako ang pinaka weird na tao sa mundo. "Tapos ako ay only d-daughter?! Tama b-"
"Irish, 'yong totoo itigil mo na 'yang ganiyan mo. Mas ginagalit mo sina Mama sa pang-iiwas mo, eh ano naman kung si Papa ay driver at si Mama ay nagbebenta ng candies? Nagpapanggap ka bang ibang tao o may Amnesia? Sino ba ginagaya mo ngayon?"
S-So, tama nga ako! Putakte!
"Ahhhhhhhhhhhh!" Sigaw ko ng mariin, nakita ko naman ang pag-irap nila! "Hindi talaga ako nagpapanggap! Hindi ko kayo kilal-"
Hindi na natapos ang sasabihin ko ng lahat kami ay makarinig ng ingay mula sa baba, nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay lumingon sa may ibaba.
"Oh, nariyan ata ang mga tropa mo, babain mo muna." Sabi nitong Kuya at kunwaring galit na tumingin sa akin. "Huwag kayo magbubulakbol ah. Ako na kakausap kina Mama." Walang boses ang huli niyang sinabi at kumindat.
Ano ba 'to?!
"Tsk, puro lalaki kasi ang kaibigan kaya nagkaroon na ng diperensya ang utak. Galing umarte ni Irish ah, para lang makaiwas sa interrogation."
What the heck?! U-Undying L-Love, A-Ako ang B-Bida?! Putangina!
Hindi pa rin ako makapaniwala! Paano iyon nangyari?! Ayoko mang aminin pero kanina pa ako nagtataka sa kulay ng paligid, masyadong kulay orange at maaliwas, halatang hindi natural!
At ito ako ngayon nakasuot ng basketball short at naka oversize shirt. Ito lang ang damit no'ng Irish. Hindi ako makapaniwala na ito ako ngayon! Boyish si Irish! Ang hirap nito! Mababaliw ako! Alam kong panaginip lang ito, imposible kasi.
Kailan kaya ako magigising?!
Malamya akong kumilos at hindi nakipaglaro sa mga lalaking kasama ko ngayon. Naiiyak ako at wala akong gana! Sumama lang ako dahil na-suffocate ako sa bahay! Hindi ko tanggap. Hindi ako komportable! At kahit lumabas ako, hindi ko kilala ang ganitong barangay!
"Anong nangyari Pre? Daming pasa ah, gusto mo resbak natin 'yang mga kaklase mo. Mga siraulo 'yon."
Sino ba ang author nito? Masyado kinawawa ang bida. Nakakainis! Ako tuloy 'tong nahihirapan eh!
Lord, pakigising naman po ako. Grabe na imagination ko, pumasok ako sa loob ng binabasa ko!
"Tara Pre, basketball. Ngayon ka lang naging ganito kalambot ah. Napuruhan ka ba? Bakit ka ba kasi nagpabugbog?" Tanong pa ng isang lalaki at nag-shoot ng bola.
Hindi na sila naglaro ng tunay na game at halos lahat sila ay nasa bench at tinitignan ako. s**t na Irish 'to, 'di ka ba naiilang halos sampung lalaki ang kalaro mo! Mamaya hipuan ka nito eh! Nakasulat pa man 'din na maganda ka!
Sandali, buti at mukha ko pa ang narito sa panaginip ko, kung 'di mababaliw na talaga ako.
"Puwede bang lumayo kayo sa akin, pawisan kayo eh." Hiya kong sabi, nagtawanan naman sila!
"Wow, clean 'yan? Hahahahaha Ayiee, siguro nagpapa-girl na siya!"
Bumuntong hininga na lang ako at tumayo na. Ayoko ng ganitong atmosphere, hindi ako sanay at komportable. Ni-dumaan nga sa gitna ng tambay, ayokong-ayoko na eh, makasama pa kaya sila? Pero itong kaibigan ni Irish, halos lahat may hitsura. Kasi panaginip or in other word libro, pero kahit pogi sila hindi ko magawang magka-crush. Nawawalan ako ng gana.
"Hayst! 'Di ko alam na ganiyan pala ang epekto no'ng lalaking 'yon sa 'yo sana pala abangan natin 'yon!" Sabi nitong kaibigan ko kuno. Palihim kong pinunasan ang luha ko at pinagmasdan na lang sila na nag-uusap.
Bakit parang totoo ang lahat? Magigising pa ba ako? Na-miss ko na si Mommy...
"Sinong lalaki? Si Hades? Tsk! Mas gwapo lang naman 'yon sa atin ng isang paligo! Kaya, ikaw Irish! Tama lang na hindi umuubra ang charm ng lalaking 'yon sa 'yo!"
Hades? Ah 'yong kapartner ko. Ano ba kwento namin? Sandali nga, magkakagustuhan kami no'n. Kung jowain ko siya agad? Tapos na ang kwento at pwede na akong magising... Naiiyak ako dito.
"Sino ba p-pinaka kaibigan ko sa inyo?" Tanong ko kunwari, 'di nawala sa mata ko ang isang kaibigan na nanliit ang mata habang ang lahat naman ay nagpapaunahan sa pagtaas ng kamay! "Ah eh... S-Sige nga, kung kilala niyo ako, gaano nga ako kagalit sa lalaking 'yon?"
"Sobrang galit! 'Yong tipong mapapatay mo na siya! Kasi nga 'di ba binuhusan ka niya ng tubig, hinagisan ng itlog, pinagbawal ka pa niya sa gym at library!"
"Kulang pa gago! Uhm, nang-utos siya na bawal may kumaibigan sa 'yo sa school! Tapos dapat lagi kang miserable! Laugh trip nga eh! Kasi sinuntok mo siya sa field ng school kaya ayon! Hahahaha! Lalong nagalit sa 'yo! Siraulo ka din kasi eh! Haha."
Aba... Tanga talaga 'tong bidang 'to, alam na nga niyang galit sa kaniya. Lalo pa ginalit, ang naging ending tuloy puro pasa. Bobo talaga. Ugh! Kailangan ko na magising!
"Mas kaibigan mo ako Irish! Alam ko nga na ni-f**k-you mo siya eh! Hahahaha! At alam ko rin na may balak kang gumanti! Kaya naman nagulat ako ng nag-absent ka kanina! Inaantay ka pa man din doon kung ano ang 'yong magiging baon!"
Hala sila... Malapit na ata ito sa part na magkakagutuhan kami no'ng Hades, medyo na-bully na niya ako. Ay hindi medyo. Sobra na 'yon.
"H-Haha... Galing n-niyo ah kilalang-kilala niyo talaga ako... Uhm paano niyo naman nalaman lahat 'yan hehe..." Naiilang ako.
"Patawa ka rin eh 'no, kung makapagsalita ka parang 'di mo kami schoolmate!"
Ohh! So lahat sila kasamahan ko at paniguradong scholar din! Pero nandito sila at nag-absent din?
"Nag-absent din kayo? Kasi magbabasketball lang tayo?!" Hindi ako makapaniwala. Sobrang fiction.
"Oo naman! Pag-absent ka, mag-absent din kami! First time lang ito eh, dadamayan ka namin!"
Grabe naman ang friendship nila, ano ba 'tong author na ito... Sa bagay, libro lang naman ito eh. Wala ito sa realidad ng buhay. At gano'n naman talaga, ang mga kaibigan ng bida, wala silang buhay, umiikot ang buhay nila sa pagproproblema sa problema ng bida. Eh, ewan bahala na! Basta iba ang nasa utak ko!
Paano ba ako magigising mula dito?!