Chapter 2

1816 Words
Dahil madaling araw na mabilis lamang silang nakarating sa ospital kung saan nakaconfine ang Inay ni Charlotte. Tulog pa naman ito kaya pinatambay nya muna sa may lobby, bumili siya ng cup noodles sa labas at bumili na rin siya ng gagamitin panggamot sa pumutok nitong labi. Samantala tinawagan naman ni Jayson ang bestfriend na si Denver. Sinagot naman agad siya nito, tinanong siya kung anong kailangan niya. Marahil naramdaman nitong may problema siya kaya naman tinanong siya nito. Sinagot naman niya ito ng pabalang, sinabi niya na ito talaga ang problema niya. "Dude, matulog kana muna. Lasing na lasing ka, tatawagan nalang kita bukas para naman malinawan yang sinasabi mo," sabi nito sa kanya. "Sinong lasing? Hindi ako lasing Dude! Matanong nga kita kaya mo bang magsakripisyo para sakin? Kasi parang hindi ko kakayaning mawala sya ei. Pwede bang ipaubaya mo na lang sya sakin Dude?" sabi naman niya, tila pumiyok pa ang boses niya ng magsalita. "Teka, ano bang pinagsasabi mo Jayson? Napapano kaba ha? Sinong ipaubaya?" sunod-sunod na tanong nito sa kanya, parang naguguluhan sa pinagsasabi niya. "Tapusin mo na ang kontrata ni Charlotte sayo Denver, please nakikiusap ako. Kalimutan mo nalang ang lahat, kung gusto mo hahanapan nalang kita ng iba. Wag lang sya,wag lang si Charlotte," umiiyak na sabi niya sa kaibigan. "Papanong nasama dito si Charlotte Jayson? Akala ko hindi mo sya kilala? Bakit ngayon nagkakaganyan ka?" tanong nito sa kanya. "Mangako ka Dude, kahit ilan pang bayarang babae handa kong ipalit palayain mo lang siya. Mangako ka naman oh, m-mahal ko sya! Natitiyak ko siya na iyong nag-iisang babaeng kailangan ko. Maawa ka naman sakin oh," umiiyak pa ring sabi niya dito. Hindi niya alam na magkakaganito siya dahil lamang sa isang babae. Alam niya na hindi basta-basta isusuko ni Denver sa kanya si Charlotte, pero ipinapangako niya na hindi siya susuko hanggat hindi ito nakukuha sa lalaki. Kasalanan niya ang lahat pero maaari pa naman niyang maituwid ito. Lahat naman ng iyon ay nasaksihan ni Leslie, nagtataka siya kung papanong nalaman ni Jayson ang tungkol sa trabaho ni Charlotte at papano nito nakilala ang boss ng kaibigan pero hindi na lang niya pinansin iyon. Ngayon niya napagtanto na mahal na mahal pala nito ang kanyang bestfriend na si Charlotte. Awang-awa siya dito dahil hindi pala biro ang pinagdadaanan nito,ngayon lang siya nakakita ng lalaking umiiyak para sa isang babae. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil pakiramdam niya ay kumikirot din iyon. "Hala? Kumikirot ang dibdib ko para sa kanya?P-Pero bakit?" parang di makapaniwalang bulalas sa sarili ni Leslie. Naguguluhan siya sa inaasal ng kanyang pusong pihikan. Nang matiyak niya na okay na ang lalaki saka siya tumuloy sa paglapit dito. Baka kasi mapahiya ito kapag malaman nitong nakita niya ang kahinaan nito. "Oh ito kain ka muna, para mainitan sikmura mo." sabi niya dito sabay abot ng mainit na cup noodles. "No thanks, pakigamot nalang itong pumutok kong labi para makauwi na rin ako kapag nagising ang Nanay ni Charlotte," seryosong sabi nito. "Hmmm, okey po," sagot niya. Tsaka inayos na ang dapat gamitin para malinis muna iyon. Pumwesto siya sa harapan nito, hindi siya umupo para mas maayos niyang magawa ang paglilinis sa pumutok na labi nito. Matangkad kasi na lalaki si Jayson, kaya ikumpara ang height niya na 5'1 ay nagmumukha talaga siyang pandak kapag katabi niya ito. Sinimulan niyang linisin ang dugo sa pumutok nitong labi. Napapaaray ito kaya natatawa naman siya. Ang lakas kasi ng loob nitong makipag-away pero konting sugat lang ganon na itong makareact. Si Jayson naman ei hindi mapakali sa magandang tanawing nakikita na nakahantad sa kanyang mga mata. Sa pagkakayuko kasi ni Leslie, kitang-kita niya ang cleavage nitong tila nag-aanyayang tignan o hawakan niya. Bigla niyang naipilig ang ulo dahil sa kalokohang dumadaloy sa kanyang isipan. Pagkuwa'y napadako naman ang mata niya sa mukha nito habang ito ay patuloy pa rin sa ginagawa. Salita ito ng salita ngunit wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito. Napatuon kasi ang pansin niya sa medyo makapal at mapula nitong labi. Napakasexy niyon habang nagsasalita, lalo na kapag ngumingiti ito. Ewan ba niya, kapag kasi nakikita niya ang babaeng to ganito ang nagiging reaksyon niya kaya nga nananatili siyang malamig dito kahit pa ilang beses na rin niya itong nakakausap kapag dumadalaw siya sa Inay ni Charlotte. Ngayon kahit nais niyang iiwas na ang paningin sa labi nito. Hindi pa rin niya magawa, para bang may napakalakas na pwersa ang nagmumula doon at pinipigilan siyang ibaling ang paningin niya sa ibang deriksyon. Nag-angat ng paningin si Leslie, nagtama ang kanilang mga mata, nakapagkit ang napakagandang ngiti sa mga labi nito. Tila magnet ang mga iyon na hindi na muling naghiwalay pa. Bigla ang bugso ng damdamin na hindi niya alam kung saan nagmula. Bigla niyang kinabig ito sa batok at sinakop ang labi nito. Si Leslie naman ay biglang nanlaki ang mga mata, gulat na gulat siya sa ginawa ni Jayson. Ngunit bakit yata pakiramdam niya ay ito pa lamang ang kaisa-isang halik na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa kanyang katawan. Kaisa-isang halik na nagparamdam ng kakaiba sa kanyang puso. Kaya namang kusang pumikit si Leslie at tinugon ang napakasarap na halik na iyon. Halik na hindi niya akalaing malalasap pa niya, halik na ibang-iba sa halik ng hindi na niya mabilang na mga lalaking costumer. Dalang-dala na sila sa napakasarap na halik na iyon ngunit isang nurse ang nakakita sa kanila. "Ehheemmm!" tikhim ng nurse na dahilan para maibalik sila sa reyalidad. Agad silang naghiwalay at tila sabay na nagulat sa nangyari. Wala ni isa man ang nakapagsalita sa kanila ng mga oras na iyon. "Kung kayo ay maglalampungan doon kayo sa motel, wag dito dahil ospital ito!" masungit na sabi ng Nurse, tsaka nagpatuloy na ito sa paglalakad. Tila hiyang-hiya naman ang dalawa sa Nurse. "Les..." "Jayson..." Magkasabay pa nila banggit sa pangalan isat-isa. "A-alis na ako Leslie, pakisabi nalang kay Tita na nagtungo ako dito." sabi nito tsaka agad na tumalikod. "Jayson sag..." pipigilan nya sana ito ngunit mabilis na itong naglakad. Napangiti siya ng bahagya at tila teenager na hinawakan ang labi na akala mo ay first kiss ang halik na ipinalasap ni Jayson sa kanya. Di man niya inaasahan iyon ngunit talagang kinilig siya. Pero agad ding napawi ang kilig sa kanyang puso dahil batid naman niyang si Charlotte ang mahal nito. At ang halik na iyon ay walang ibigsabihin dito. Marahil katulad lamang ito ng maraming kalalakihang nais matikman ang alindog niya. Hindi niya maipaliwanag ngunit sobrang nasaktan siya sa isiping iyon. Muli niyang hinaplos ang labi niya, tila ramdam pa niya ang mainit na labi doon ni Jayson. Samantala. Natampal ni Jayson ang noo dahil sa kabaliwan niya. "Sh*t! Papano ko nagawa iyon kay Leslie?! Sa bestfriend pa ni Charlotte?! Ano pang mukhang maihaharap ko sa kanya?!" inis na pahayag niya sa sarili. Naisuklay tuloy niya ang daliri sa sariling buhok, litong-lito siya pero hindi niya maitatatwang nagustuhan niya ang halik na iyon. Sa lahat ng babaeng nahalikan na niya parang ito lamang ang kakaiba. Sobrang lambot ng labi nito at kakaiba ang init niyon. Init na parang humahaplos sa kanyang puso. Kaya naman gulong-gulo talaga siya, sinubukan niyang isipin kong ano ang ibigsabihin niyon ngunit wala talaga siyang mahanap na kasagutan kaya nagpasya na lamang siyang umuwi. Halos isang buwan ang matuling lumipas bago muling nagkita sina Jayson at Leslie. Ito ay nang makalabas na ng ospital ang Inay ni Charlotte. Naghanda sila ng konting salo-salo katulong ang kanyang dalawa pang nakababatang kapatid, hindi ito alam ni Charlotte na naghanda sila ng konti gusto kasi nila itong surpresahin. Magkikita kasi sila ni Charlotte sa hospital para sabay-sabay na silang uuwi dito sa bahay. Hindi naman niya tiyak kong darating si Jayson pero tinext niya ito para ipaalam na lalabas ngayong araw sa ospital ang Inay ni Charlotte. Nagreply naman ito ng "okey, salamat," simpleng text pero nagpapabilis ng t***k ng kanyang puso. Napangiti siya ng mapagtantong nakaready na ang lahat. Kailangan na niyang magtungo sa ospital. Andon naman ang nakababata niyang kapatid pero kelangan din siya doon may babayaran pa kasi siyang natitirang bill nito sa ospital. Samantala nasa harapan naman si Jayson ng building kung nasaan ang condo ni Denver. Alam niya na uuwi si Charlotte kaya nagbakasakali siyang makita ito at ayaing sabay na silang magtungo sa ospital. Ilang minutong paghihitay at hindi nga siya nabigo. Nakita niya si Charlotte na palabas na ng building. Agad niya itong tinawagan, nagsinungaling siya na may dinaanan kaya malapit siya kung saan ito naroroon. Laking kagalakan naman niya ng pumayag ito, agad siyang nagmaniobra patungo sa mismong harapan nito. Ngunit pagbaba niya ng kotse nakita niya si Denver na papalapit sa may sa kanila. Agad namang namayani ang selos sa kanyang pagkatao kaya kahit mali ginawa niya ang hindi tama. Niyakap niya bigla si Charlotte na halata niyang nagulat sa inasal niya. Hinalikan din niya ito ng masuyo sa buhok habang matalim ang kanyang matang nakatingin kay Denver. Nakita niya ang pagkuyom ng palad ng kaibigan at galit sa mukha nito kaya naman napagtanto niyang may namamagitan na nga sa dalawa. Pero magkagayon man, alam niyang mahal niya si Charlotte kaya hindi siya susuko. Ilang sandali lamang at narating na nila ang ospital. Masaya siya na kasama si Charlotte, pero ang hindi niya maintindihan ei kung ano iyong pakiramdam na iyon. Parang kinakabahan siya na iwan dahil siguradong magkikita nanaman silang dalawa ni Leslie. Sa totoo lang, hanggang ngayon kasi iniisip niya ang halik na kanilang pinagsaluhan noon sa ospital. Hanggang ngayon hindi pa rin niya alam ang kasagutan kung bakit nagawa niya iyon dito. Bumaba sila ng kotse at nagtungo sa hospital room ng Inay ni Charlotte. Pagdating nila doon, wala si Leslie. Nagpalinga-linga siya baka sakaling makita niya ito pero wala talaga. Tinanong ni Charlotte ang dalagitang nag-aalaga sa Inay nito kung nasaan si Leslie ang sabi ei nagbabayad pa daw ng hospital bills ng Inay nito.Siya na ang nagpresintang ihahatid ang mga ito sa bahay nila, balak pa kasing tumawag ng taxi nang dalagita kaya nagkusa na siya. Maya-maya masayang boses ni Leslie ang bumungad sa pinto. Agad namang kinabahan siya, bumilis ang t***k ng kanyang puso. Marahan niyang ibinaling ang paningin dito. Napakaganda at sexy nito sa suot na maiksing short at spaghetti strap na hanging blouse at syempre nakasilip nanaman ang sexy nitong cleavage. At iyon nanaman, nagulo nanaman ang kanyang isipan. Biglang pakiramdam niya ay nanikip ang kanyang dibdib kasabay ang pag-iinit ng katawan at pagkabuhay ng kanyang little junior na nasa pagitan ng kanyang hita. "Gago! Ano na bang nangyayari sakin? Bakit ganito katindi ang epekto niya sakin? Ginayuma nya kaya ako?" litong-lito ng tanong niya sa sarili. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD