TUBS 5

1238 Words
ROMARY CATHALEA POV; Nakakasanayan na ni Romary ang araw-araw nagawain niya sa Hacienda , Nagiging ok narin ang pakikitungo sa kanya ni Jiro kung para noong una. Ngayon ay Tumutulong siya sa pag-aayos sa Hacienda meron kasing gaganapin na Party sa mga trabahador ng hacienda bilang pasasalamat ng may-ari sa mga tauhan niya . Matagal na raw na pinapatupad ito ng may ari tuwing malaki ang Naibebenta nilang mga gulay ,palay mga gatas na mula sa baka't, kalabaw at ibat ibang prutas. Sila ang pangunahing pinakukuhanan sa buong bansa maraming bansa narin ang talagang suki nila, bukod sa malinis at fresh ay binibigay din sa murang halaga kung kaya marami ang tumatangkiling na kumuha sa kanila. "Em!" tawag ni Doray "O Doray ikaw pala ?" "kanina pa kita hinahanap sa bukuhan nandito ka lang pala!?" "Dito kasi ako inutusan ni Jiro ngayon, sabi daw kasi ni Big Boss !" "Aa kaya pala hindi ka nagpunta sa bukuhan!" "Oo eh.!" "May susuotin kana ba?" si Doray "Bakit? kelangan ba na kasama lahat? " "Oo ayaw ni Big boss na hindi aattend lahat!" "Ay ganun hindi ba nakakahiya?" "Anong nakakahiya ? bakit ka naman mahihiya tayo tayo lang naman at yung ibang bisita ni Sir.!" "ganun ba?" "Oo kaya mamaya pupunta ako sa tinutuluyan mo para sabay na tayo magtungo dito!" suhestiyon ni Doray. "Talaga?sige !" si Em . Nakakaramdam siya ng konting sabik dahil gusto niya matunghayan kung anong klaseng party ang inihahanda ng Boss nila sa mga tauhan. Dahil bago lang sa kanya ito ,hindi siya makapaniwala na meron parin palang Boss na pinapahalagaan ang mga empleyado . Lalo tuloy siya nagkakaroon ng kusiridad sa Big Boss nila kasi hanggang ngayon hindi niya parin ito nakikita lagi lang si Jiro ang nag-aasikaso sa buong hacienda,kaya minsan naiisip niya kung ano ugnayan ni Jiro sa Big boss nila. Nang masiguradong ayos at wala nang gagawin ay nagtungo na ako sa aking tinutuluyan. Nais ko muna magpahinga ng ilang oras para kasing ang sarap matulog ngayon . Nang makarating ako sa aking tinutuluyan ay nahiga ako sa aking papag ,sanay naman ako matulog sa papag kahit na lumaki akong may ginto sa bibig marami pa ang mga bagay na kaya kong gawin dahil kaming magkakaibigan ay kaya namin makipagsabayan sa ano mang bagay . Bata palang ako marami na ako natutunan kasama ang mga kaibigan ko ng hindi alam ng mga magulang namin,sa uri ng mga kaibigan ko hindi maaring hindi ka masanay o matuto sa kanila. Saglit na umidlip ako dahil narin sa maaga ako nagising at isa pa ay tapos na ang mga gawain ko. *********** "Em? nariyan ka pa ba??" Nagising ako sa boses ng babaeng tumatawag sakin kaya bumangon ako para pagbuksan ito. "Sabi na nga ba nakatulog ka! kaya anong oras na wala kapa?" Kunot noo ko ito tinignan. "Nalimutan mo na ba na may party ,kaya mag ayos kana ! " Nanlaki ang mata ko ng maalala ko na may party nga palang gaganapin ngayon ,sinipat ko ang oras at mag aalas otso na ng gabi napasarap ata tulog . "Doray mauna kana susunod nalang ako ,maliligo lang ako at mag aayos!" "Ok Em ipagrereserba nalang kita ng upuan sa tabi ko ah.! see you ganda naeexcite na ako sa ganda mong yan for sure dami makikisayaw sayo!" ani ni Doray. "Doray huwag mo ako bolahin By the way ang ganda mo para kang prinsesa sa Dress mo!" puri ko . Lalo gumanda si Doray sa suot nitong Black backless dress at sa simpleng make up nito, kahit saan anggulo ay wala talaga ito nakuha sa mag asawa kundi kabaitang taglay . Meron ako namumukhaan sa kanya hindi ko lang mawari kung sino? pero sigurado ako nakita ko na ito . "Hui alam kong maganda ako pero hindi ito ang oras para mamangha ka sakin Em ! mag ayos kana!" natatawang biro nito. "Sige mauna kana! mabilis lang ako!" nakangiting sabi ko. Pagkaalis ni Doray ay nagsimula na ako kumilos,Pagkatapos maligo ay naglagay na ako ng make up ng very light para naman magkakulay muli ang mukha ako ,pero binawian ko naman sa mga labi sinadya kong gawin matingkad ang mga labi ko singpula ng mga Rosas ito ! para ready sa Halikan Chaarrr lang ! syempre para naman bagay sa suot ko! at isa pa hindi na kasi ako nakakapag ayos mula napadpad ako dito sa Farm. Habang pinatutuyo ko ang aking buhok ay naisipan kong kunin ang damit na susuotin ko at talagang naisipan ko isuot ang Lava dress na kulay at design ito lagi ko dala-dala ,dahil ito ang pinaka paborito kong dress dahil isa itong backless na may slit sa may bandang hita ,hindi naman kabastos bastos ang suot ko simple pero pangmalakasan ang datingan,. May mga dala rin ako kahit papaano na konting pangsyosyal na damit dahil nga minsan ay di mo maiiwasan ang gantong biglaan okasyon pero syempre yung mga dinala ko hindi mga sikat na damit mahirap na baka magduda sila. Inilugay ko nalang ang aking bangkinitang buhok at saka nagspray ng pabango. Nang masuot kona ang di kataasan na heels ko siyang katok naman sa pintuan ko ng di malaman kung sino. Dahil palabas narin ako di na ako nag-abala mag usisa pa binuksan ko ito at nagulat na si Chase ang nabungaran ko. "C-Chase ikaw pala ? " "H-Hi E-Em naistorbo ba kita?" nakangiting sabi nito ng mahimasmasan "Hindi naman katunayan papunta narin ako!" "Napadaan lang ako dito para icheck kubg narito kapa ,may pinuntahan lang kasi ako na malapit dito.!" sabi nito nakaramdam naman ako ng hiya dahil ako itong kabago bago pero ako pa itong parang pa V.I.P "Ay sorry nakatulog kasi ako!" pag amin ko. "Ok lang tara sabay na tayo ?nilahad nito ang kamay kaya kusa ko naman ito tinanggap!" "Alam mo ba ang ganda mo ngayon!?" "Ngayon lang?" biro ko. "Nope i Mean lalo ka gumanda sa suot mong yan!" walang prenong sabi nito. "Asus nambola pa sige na ang gwapo morin ngayon!" pag amin ko. "Ay ngayon lang din?" nagkatinginan kame at natawa sa isat isa. "Oo na lalo karin gum-wapo haha!" parehas kame nagtatawanan dalawa sa sobrang libang namin magkwentuhan di na namin namalayan na naagaw na pala namin dalawa ang lahat ng atensyon tao sa party . Natigilan lang kame ni Chase ng Lumapit si Nestor para batiin kame. "Em napakaganda mo lalo ngayon, lahat sila ay napatingin sa pagdating niyo para kayo perpektong magkasintahan.!" pag amin nito. Nagkatinginan kame ni Chase at bahagyaang nagulat ng di namin namalayan na lahat pala ay nakatingin samin napansin ko si Doray na parang hindi maintindihan na sakit sa mga mata ,pakiramdam ko ay meron itong hindi sinasabi ,Mabilis nagbago ang expressyon ng mukha ni Doray at alam mong pilit lang ang ngiti nito. "Kanina ko pa ikaw hinihintay san kayo galing?" si Doray,magsasalita na akonng bigla ako unahan ni Chase. "Kinaon ko lang siya!"Si Chase na mabilis na sumagot at parang wala lang ito sa kanya. "Ah ganon ba sige maiwan kona muna kayo may aasikasuhin lang ako sandali !" sabi nito na may halong lungkot sa mukha na umalis ni hindi man lang kame hinintay magsalita. Nang makaalis si Doray ay mabilis na nagpaalam si Chase na aalis sandali. Tumingin ako sa side ko dahil pakiramdam ko ay may mga mata na nakatingin sakin ,para makasigurado ay binalingan ko nanlilisik na mga mata ni Jiro ang nakatingin sakin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD