Kabanata 68

2049 Words

NAPADAAN siya ng kusina ng restawran kaya napapalingon sa kaniya ang mga taong naroon. Hindi nga rin naman siya empleyado para makapaglakad siya roon nang malaya. Dahil dito nilapitan siya ng isa sa mga serbedor. Napahinto na lang din siya sa paglalakad sa pagharang nito sa kaniyang harapan. Hindi na nawawala ang ingay ng pagtama ng mga gamit sa kusina't nahaluan ng usapan ng mga nagluluto. "Hindi kayo puwede rito," ang nasabi kaagad ng serbedor sa kaniya. Itinaas pa nito ang kanang kamay para hindi siya makalusot. "Kung gusto niyo pong kumain pumila kayo roon sa harapan." Sinalubong niya ang mapanuring nitong mga mata. "Bisita ako rito," pagbibigay alam niya rito. "Hindi niyo kailangang gumawa ng istorya para lang makalampas. Nagpunta ba kayo rito para mangtitik," sumunod na saad ng la

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD