Kabanata 32

2557 Words
WALA SIYANG hindi magandang pag-uugali kapag umiinom kaya hindi siya nag-aalalang mayroon siyang magawang kahiyahiyang bagay. Mula nang matuto siyang uminom madalas pa rin siyang nasa katinuan kahit gaano karaming alak ang mailagay niya sa kaniyang tiyan. Hindi nga nagkamali si Aristhon sa nasabi nito na parang tubig lang sa kaniya ang beer. Hindi rin naiiba sa kaniya ang iba pang klase ng mabibigat na alak, pare-pareho lang ang lasa ng mga iyon sa kaniyang dila. Pagkagaling nga ng warden sa silid nito, dala na nito ang mamahaling alak sa dalawa nitong kamay na golden brown ang kulay. Naupo ito na hindi binitiwan ang alak kaya napapatingin dito si Aristhon. Inabala niya naman ang kaniyang sarili sa pagsalin ng makakain sa paper plate. "Buksan mo na," utos pa ni Aristhon. Inalis ng warden ang mga nito sa hawak. Sinalubong nito ang tingin ni Aristhon. "Puwedeng huwag na lang?" ang nag-aalangang saad ng warden. "Nanghihinayang ako." "Sinabi ko na nga sa iyong papalitan ko,", mariing sabi ni Aristhon kapagkuwan ay hinablot ang alak mula sa warden. Napapasunod na lang ang kamay ng warden nang buksan nito ang alak. Sumingaw kaaagd ang amoy niyon na kaniyang nasinghot. Dahil doon napapalingon siya kay Aristhon na nang sandaling iyon ay nagsasalin ng alak sa plastic na baso. Hindi pa rin maalis sa mukha ng warden ang panghihinayang nito. Ibinigay ni Aristhon sa kaniya ang basong mayroong alak na tinanggap niya naman. Pinatong niya na lang muna iyon sa mesa habang pinagpapatuloy ang pagkain. Naalis lang ang panghihinayang sa mukha ng warden nang ibigay na ni Aristhon ang alak matapos nitong magsalin sa basong gagamitin nito sa pag-inom. "Anong plano mo paglabas mo?" ang naitanong ng warden sa pagsalin nito ng alak sa kinuha nitong baso. "Hindi ko pa alam," tugon ni Aristhon sabay sumimsim ng alak. "Magbabakasyon muna siguro ako." Pinagmasdan siya nito nang sumusubo siya ng makakain kaya napapatingin na lang din siya rito. "Ano? Gusto mong kumain?" ang naisipan niyang itanong. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Naglagay siya ng pasta sa tinidor na kaniyang hawak at isinubo iyon dito. Napanganga na lamang ito ng bibig sa pagpababa nito sa hawak na baso. Inalis niya rin kaagad ang tinidor sa pagnguya nito sa pasta. Nagsubo na rin naman siya't natigil lang saglit sa nasabi ng warden. "Ano ang mayroon sa inyong dalawa?" pag-usisa ng warden. Iniikot nito ang hawak na baso para mahalo ang laman niyong alak. Nagkatinginan sila ni Aristhon sa naging katanungan nito sa kanilang dalawa. Nag-usap sila sa pamamagitan ng tingin. Sa pagkatikom niya ng kaniyang bibig, si Aristhon na sumagot. Uminom si Aristhon ng alak. "Wala naman. Bakit mo ba naitanong?" "Napapansin ko lang na malapit kayo sa isa't isa." Sa pagkakataong iyon siya naman ang nagsalita. "Hindi naman," pagtama niya sa maling akala ng warden. "Madalas lang talaga kaming magkasama dahil iisa nga lang din naman ang aming selda na dalawa." Tumango-tango naman ang warden sa narinig mula sa kaniya. Naibalik nito ang atensiyon kay Aristhon nang mayroon itong sinabi. "Pahiram nga ako ng cellphone mo. Mayroon lang akong tatawagan," sabi ni Aristhon. Sa narinig inilabas nga ng warden ang cellphone nito mula sa bulsa ng suot na pantalon. Iniabot nito iyon kay Aristhon na kaagad din namang tumayo dala ang nakabasong alak. Ibinaba niya ang walang lamang paper plate nang umalis si Aristhon. Nagtungo ito sa silid ng warden at pumasok doon. Sa pag-inom niya ng alak na nasa baso tumayo naman ang guwardiya. "Saan ka naman pupunta?" ang naitanong ng warden sa guwardiya. Nilingon ng guwardiya ang nagtanong na warden. "Iihi lang ako," paalam nito kasabay ng pagyuko nito. "Bumalik ka kaagad," pahabol ng warden na mayroong ibang ipagkahulugan. Tumango ang guwardiya bilang naintindihan nito ang pahiwatig ng warden. Lumakad na nga ito patungo sa pinto, pagkaraa'y nagmamadaling lumabas doon. Pagkalapat ng sara sa hamba nito namagitan sa pagitan nila ng warden ang katahimikan. Naiwan nga siy roon kasama ito. Tumikhim ito para malinis ang lalamunan na kaniyang ikinalingon dito. Sinalubong niya ang mga mata nitong makatitig sa kaniya ay malagkit. "Mayroon ka bang sasabihin?" ang naitanong niya rito sabay uminom ng alak. Imbis na sumagot kaagad sa kaniya lumipat ito ng upuan. Tumabi ito sa kaniya na hinayaang lang din. Hindi naman siya nagulat nang hawakan siya nito sa kaniyang hita. Hindi na nito nasagot ang naging katanungan niya. "Game ka ba?" saad nito na mayroong ngisi sa labi. Muli nitong pinisil ang hita niya. Nagsalubong ang dalawa niyang kilay na ikinakunot ng kaniyang noo. Nagtataka siyang tumingin dito. "Ano ang ibig mong sabihin?" Inalis na niya ang kamay nitong ipinipisil nito sa kaniyang hita. Hindi pa rin naman ito nagpapigil. Hinawakan pa rin siya nito sa kaniyang hita na ikinabuntong-hininga niya nang malalim. "Alam mo ang ibig kong sabihin. Sumusubo ka ba?" ang naisatinig nito. "Hindi. Wala akong balak makipaglaro kaya huwag mo na lang ituloy ang binabalak mo." Ikinapit niya ang kaniyang kanang kamay nang mahigpit sa kamay nito. Diniinan niya iyon na ikinangiwi na nito. Matapos niyang bitiwan ang kamay nito, kinuwelyuhan naman siya nito. "Pagbigyan mo na ako dahil kaarawan ko naman ngayon," pamimilit nito sa kaniya. Sumasama na ang mukha nito. "Kung hindi mo ako pagbibigyan habang buhay kang mananatili rito sa piitan. Alam kong ikaw ang pumatay kay Gustavo." "Hindi ako natatakot sa banta mo," matapang niya namang sabi nang alisin niya ang kamay nito sa kaniyang suot. Wala na rin itong ibang nasabi nang marinig nitong papabukas ang pinto ng silid nito. Nagmadali itong lumipat ng upuan na siya ring paglabas ni Aristhon ng silid. Humakbang nito na isinasara ang pinto nang nakatalikod. Sa paglapit nito sa kaniyang kinauupuan tinapon nito ang cellphone patungo sa warden. Sa kaba na nararamdaman ng warden, hindi nito nasalo ang cellphone kaya nahulog iyon sa sahig. Naupo rin naman kaagad sa tabi niya si Aristhon na napapatingin sa hawak niyang baso. Bumababa ang kutson ng upuan sa bigat. "Bagal mo namang uminom," puna nito nang kunin nito ang bote ng alak. Nilagyan nito ulit ang basong hawak niya. Hindi nito tinigilan ang hanggang hindi napuno. Nakuha pa nga nitong isenyas ang ulo para utusan siyang uminom. "Bumalik na lang kaya tayo sa selda," suhestiyon niya rito. Ininom niya ang alak na dumaan lang sa kaniyang lalamunan na walang maririnig ng pagdaing mula sa kaniya. "Sumusuko ka na ba? Hindi pa nga natin napapangalahati ang alak." Imbis na magsalin ito ulit sa baso. Tinungga nito sa bote ang alak. "Napapagod na ako. Gusto ko na lang matulog." Inisang inom niya ang alak na nakalagay sa kaniyang baso. "Kung ayaw mo naman, mauna na lang ako." Hindi na nga niya hinintay na sumangayon pa sa kaniya si Arisrthon. Tumayo na siya sa kinauupuan para umalis na ngunit hindi niya naituloy nang pigilan siya nito sa kamay. "Mamaya na." Hinila siya nito kaya muli siyang napaupo. "Ubusin muna natin itong alak." Hindi na siya nakapagsalita pa nang ilagay nito ang bibig ng bote sa kaniyang bibig. Napainom na lang din siya nang iiangat nito ang bote. Nakailang lagok siya nang alak bago nito inalis iyon. Pinahid niya na lamang ang kaniyang labi ng likod ng kaniyang kamay nang maalis ang butil ng mga alak sa gilid ng kaniyang labi. Napalingon siya sa pintuan nang pumasok doon ang guwardiya. Muli itong naupo sa kabilang sofa beer lang ang iniinom. Sa hindi nga nila pagtigil pag-inom nagsimula ng mag-iba ang kinikilos ng warden. Naghubad ito ng damit hanggang sa maliit na salwal na lamang ang naiwan sa katawan nito. Napapabuntonghininga na lamang siya para rito habang pinagmamasdan niya ito kasabay ng guwardiya at ni Aristhon. Nakuha pa nitong umakyat sa upuan at pinaiikot ang hinubad na pantalon sa uluhan. "Mas maganda siguro kung matulog na siya," ang nasabi niya kay Aristhon sa pagsigaw ng warden. Tiningnan siya ni Aristhon sabay lipat ng tingin sa guwardiya. "Ipasok muna siya sa kuwarto niya," utos nito na kaagad din namang sinunod ng guwardiya. Nilapitan nga ng guwardiya ang warden. Hinawakan nito sa braso nang mahila nito. Dahil sa lango na nga rin naman ang warden madali itong naipasok ng guwardiya sa silid. Sinara ng guwardiya ang pinto hindi na ito lumabas pa. Narinig niya na lamang ang pagmumura ng warden. Nabaling niya ang kaniyang atensiyon kay Aristhon nang tumayo na ito dala ang hindi pa nauubos na alak. Kinuha nito ang ID ng warden na naiwan nitong nakasukbit sa bulsa ng uniporme. "Saan ka pupunta?" ang naitanong niya rito. "Babalik na ba tayo sa selda." Nilingon siya ni Aristhon. "Hindi. Basta sumunod ka na lang sa akin." NAGTAKA na lamang siya nang makaakyat silang dalawa ni Aristhon sa rooftop. Payapa ang gabi kaya ganoon na lamang ang katahimikan na nakabalot sa paligid. Malinaw na maririnig ang kanilang mga paghakbang patungo sa harang. Pagkarating nga nila sa harang tumayo siya roon na nakapatong ang dalawang kamay sa ibabaw niyon. Umabot sa kaniyang dibdib ang taas ng harang. Pinagmasdan niya ang kalaparan ng piitan sa ibaba kung saan walang makikitang isang tao na nasa labas. "Ano bang ginagawa natin dito?" ang naitanong niya nang maisipan niyang umakyat sa ibaba ng harang. Binuhat niya ang kaniyang sarili na may kasamang pagtalon nang bahagya. Nilingon niya lamang si Aristhon na nakatingin lang sa kaniya nang makatayo siya nang tuwid. Tumatama sa kaniyang mukha ang banayad na pag-ihip ng hangin. Sinalubong nito ang kaniyang mga mata habang gumuguhit ang matalim na ngisi sa labi nito. Iba na naman ang ipagkahulugan niyon sa kaniya nang sandaling iyon. "Ano sa tingin mo?" tanong nito pabalik imbis na sagutin siya ng direkta. Pinanliitan niya ito nang tingin dahil nahuhuluan niya ang gusto nitong mangyari kaya nagpunta sila ng rooftop kung saan silang dalawa lamang ang tao. "Hindi kita hahayan sa gusto mong gawin." Maingat siyang humakbang sa ibabaw ng harang na nakadipa ang dalawang kamay. Wala naman siyang takot na nararamdaman kaya tuloy lang siya sa paghakbang. Napapasunod na lang sa kaniya si Aristhon. "Ano ba ang gusto mo? Sa selda tayo? Hindi ka makakasigaw doon nang maayos," wika nito na ikinababa niya ng kaniyang dalawang kamay. Tumigil siya sa paghakbang na siyang pagpigil nito sa kaniyang pulsuhan kapagkuwan ay walang sabi-sabing hinila siya nito paibaba mula sa itaas ng harang. Nahulog nga siya dahil sa ginawa nito. Bumagsak siya sa harapan nito na siyang naging dahilan ng pagtumba nito na nasa ibabaw siya nito. Naumpog ang kanilang nga ulot nagtagpo ang kanilang nga labi. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa matigas nitong dibdib para bumangon. Hindi niya naituloy nang pigilan siya nito sa kaniyang batok. Lalo lang nitong inilapit ang mukha niya't siniil na naman siya ng halik nang walang sabi-sabi. Napapatitig na lamang siya nang masama rito sa hindi niya pagpikit ng kaniyang mata, samantalang ito ay ninamnam ang lasa ng halik. Hindi naman siya tumugon sa paghalik nito nang sandaling iyon kaya napatigil na lamang ito. Naiangat niya ang kaniyang mukha sa pagluwag ng kamay nito sa kaniyang batok. "Puwede tumigil ka na baka saan na naman mapunta ang paghalik mo," sabi niya rito na hindi umaalis sa ibabaw nito. Magkadikit pa rin ang kanilang mga dibdib at pang-ibabang katawan kung saan niya nararamdaman ang paninigas ng p*********i nito. Huminga ito nang malalim dulot ng pagkadismaya. "Iyon nga ang balak ko para naman mayroong mas malalim na mangyari sa ating dalawal," paliwanag nito na mayroon pa ring ngisi sa labi. "Pahiramin mo ako ng isang gabi dahil baka ito na ang huling pagkakataon na magkita tayong dalawa." "Ano ang pinagsasabi mo? Mayroon tayong usapan na dalawa," paaalala niya rito na mayroong kasamang pagpukpok ng kamao sa dibdib nito na binalewala lang nito. "Huwag mong sabihing hindi talaga totoo." "Mailalabas naman kita," saad nito kaagad bago pa siya mayroong maisip na iba pang makakasama. "Pero sa oras na iyon hindi mo na ako makikita kung kailan mo gusto." "Akala ko naman kakalimutan mo talaga ako." "Paano kita makakalimutan? Samantalang bata pa lang kilala na nga kita," ang makahulugan nitong sabi sa kaniya. Pagkahanggang sa sandaling iyon hindi niya pa rin matandaan kung saan niya ito nakilala. Hinaplos nito ang kaniyang pisngi. "Natatakot ka ba na wala kang maramdaman kaya ayaw mo?" "Bakit naman ako matatakot?" ganti niya naman dito. "Iyon naman pala e. Kaya nga narito tayo para mayroon kang maramdaman." "Gaano ka naman nakakasigurado na mayroon akong mararamdaman kung gagawin nga natin ang gusto mo? Paano kung wala?" "Wala na tayong magagawa kung wala talaga." "Ako ang talo sa naiisip mo." Hindi na siya na niya nasabi pa ang ibang gusto niyang sabihin nang halikan siya nito. Napapatugon na rin siya dukot na rin ng kaniyang nainom na alak. Ang kanilang mga labi ay walang nais magpatalo kaya lalo pang naging mapusok ang kanilang paghahalikan. Gumalaw ang mga kamay nito upang hubarin ang kaniyang suot na polo. Iniangat niya na lamang ang kaniyang dalawang kamay nang magawa nito ang bagay na iyon. Sinunod nito kaagad ang kaniyang sando. Sa nangyari saglit na naghiwalay ang kanilang mga labi't muli rin namang nagtagpo nang bitiwan na nito ang kaniyang hinubad na damit. Naglakbay ang mga kamay nito sa kaniyang katawan, lumipat-lipat sa kaniyang tagiliran, tiyan, dibdib at batok. Sa kanilang paghinga isinuksok niya naman ang kaniyang kamay sa ilalim ng suot nitong sando't hinubad niya na iyon. Matapos niya iyonh maalis pinaulanan niya ng halik ang dibdib nito't leeg kaya napapaungol na lamang ito sa ginagawa niya. Sa hindi niya pagtigil hinawakan siya nito sa kaniyang ulo't tinulak iyon paibaba. Napasunod na lang siya sa kagustuhan nito. Bumababa nga ang kaniyang labi mula sa bibig nito, dumaan sa dibdib, at namahinga sa matigas nitong tiyan. Hinalikan niya ang malapandesal nitong laman na mayroong kasamang pagdila. Kahit ang pusod nito ay hindi nakaligtas sa kaniyang pagdila, tumatama ang kaniyang baba sa itaas ng pantalon nito kung saan mahahalata ang naninigas nitong p*********i. Nang makuntento siya sa kaniyang ginawa muli siyang umangat. Nakipaghalikan siya rito habang nakahawak ang kaniyang kamay sa leeg nito. Ang mga kamay naman nito'y pinisil ang kaniyang pang-upo. Kapwa sila umuungol na dalawa sa bawat pagtagpo ng kanilang mga labi. Pumaibaba pa ang kaniyang halik patungo sa leeg nito't tumatalon patungo sa dibdib nito. Pinaglaruan niya ang butil nito ng dila habang pinipisil ng kamay ang kabila. Nailalagay na lamang ni Aristhon ang isang kamay sa ilalim ng ulit nito, ang isa namang kamay nito nakaalalay sa kaniyang ulo na pumapaibaba na naman ng katawan nito. Napapatitig ito sa kaniya sa pagtaas-baba ng kaniyang dila sa tiyan nito habang hinahaplos niya ang kamay sa matigas nitong dibdib. Puno ng pananabik ang mga mata nito, nag-aapoy sa init ng nararamdaman ng katawan. Sa loong ng ilang saglit nagpahinga siya nang kaunti. Itinaas niya ang kaniyang mukha sinalubong ang mga mata nito. Kapwa nakaguhit sa kanilang mga labi ang ngiti. Naroong naghahalikan pa rin silang dalawa. Tumalim lang ang ngiti nito nang itulak siya nito paibaba sa balikat. Kusa naman gumalaw ang kaniyang katawan para sumunod dito. Hindi na niya alam ang ginagawa epekto ng pagkalango hindi lang dahil sa nainom na alak. Natagpuan nga niya ang pakay kaya tumigil siya sa harapan ng pantalon nito. Inamoy-amoy niya ang pantalon nito, binabaon ang kaniyang mukha na tumatama sa bumubukol nitong pagkalalaki..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD