WALA NAMAN siyang ibang makitang lugar kung saan puwedeng manigarily kung kaya nga nagtungo na lamang siya sa parking area. Nanatili siya para kapag mayroong pumuna sa kaniya matatapon niya nang mabilisan ang sigarilyo. Sa dulo siya ng unang hanay ng mga sasakyan kalapit ng elebeytor na kaniyang nilabasan. Inilabas niya ang kaha ng sigarilyo mula bulsa ng suot niyang pantalon kasunod ang pangsinding ginintuan ang kulay na hiniram niya kay Aristhon. Una niyang inipit sa kaniyang bibig ang sigarilyo bago niya sinindihan iyon. Humithit siya nang matagal upang masunog ang dulo niyon. Nagawa niya namang makasindi na walang sumisita sa kaniya. Sa pagsara niya sa ginintuang pangsindi natigil siya sapagkat lumabas mula sa elebeytor ang senador na amo ni Daniel. Kaagad siya nagtago sa likuran ng

