BUMALIK sila ng kasiyahan matapos nilang maayos ang kanilang mga sarili. Malayo pa man sila sa mesa sinalubong na sila ng babae ni Aristhon. Nangunyapit ito sa braso ng lalaki na para bang isang sawa. Napapabuntonghininga na lamang siya nang malalim sa itsura ng babae. Sa pamumula't pagpungay ng mga mata nito'y malalamang lango na ito sa alak. Nakangiting tumitig ang babae kay Aristhon habang niyayapos ang dibdib nito. "Saan ka ba pumunta? Kanina pa kita hinahanap," anang babae sa malikot na paraan ng pagsasalita. Niyapos nito ang pisngi ni Aristhon. Hinawakan na lamang ni Aristhon ang kamay nito nang maalis niyon. "Dapat ka nang umuwi. Ano pang mangyari sa iyo habang nairto ka na lasing," ang nasabi nito sa babae. "Hayaan mo na. Ginusto niya iyan," sambit niya naman. Nilingon siya ni

