Jassie POV
Huminga ako nang malalim bago pumasok sa malaking building ng Ishikawa Corporation.
Sa kanto lang ako binaba ni Keano. Mutual decision namin na walang dapat makaalam na mag-asawa kami. Mas tahimik. Mas ligtas. Mas… komplikado kung hindi.
Ngayong graduate na ako, magpapasa na ako ng credentials ko para maging ganap na empleyado.
Ms. Suarez.
Iyon ang pangalan na gagamitin ko. Originally Ishikawa na sana, pero pinabago ni Keano. Practical daw. Siya ang boss—alam niya ang galawan sa loob.
“Ms. Suarez, please wait here for a while,” sabi ng HR.
“Okay, Ma’am,” maayos kong sagot.
Umupo ako sa lobby. Malamig ang aircon. Tahimik pero ramdam ang pressure ng lugar, lahat mukhang busy, lahat may direksyon.
Ilang minuto pa lang, bumukas ang elevator.
At lumabas sila.
Keano.
At si Ashley.
Magkatabi. May pinag-uusapan. Sabay naglalakad papunta sa lobby na parang may pupuntahan.
Bagay talaga sila, Sir at Ma’am.
Mahinang bulong ng dalawang empleyado sa likod ko, pero rinig ko.
“Kinikilig ako sa kanila,” dagdag pa ng isa.
Hoy, mga bastos. Dito ang asawa oh, bulong ko sa sarili ko.
Napapikit ako saglit.
Sabagay, hindi nila alam.
At kung tutuusin…
Totoo naman.
Bagay sila. Parehong elegante. Parehong may dating. Parehong nasa iisang mundo.
Samantalang ako?
Tahimik lang sa gilid. Ms. Suarez. Fresh graduate. Walang apelyidong Ishikawa sa ID.
Saglit kaming nagkatinginan ni Keano.
Isang segundo lang.
Walang ngiti. Walang reaction.
Professional.
Tama lang.
Una siyang nagbawi ng tingin. May sinabi si Ashley at tumawa siya ng bahagya.
May kumurot sa dibdib ko.
Pero agad kong inayos ang sarili ko.
Focus.
Hindi ako nandito para magselos.
Hindi ako nandito para sa love story.
Nandito ako para sa goal ko.
Maging successful. Maiangat ang pamilya ko sa hirap. Hindi na kami yung laging may utang na loob. Hindi na kami yung umaasa.
Love?
Saka na ’yon.
Kahit may asawa ako sa papel.
Alam ko naman sa sarili ko—kasal lang kami ni Keano dahil sa sitwasyon. Hindi dahil sa feelings.
Kung saan hahantong?
Bahala na si Batman.
Sa ngayon,
Ms. Suarez muna.
At sisimulan ko ang laban ko sa mundong hindi ko pa kabisado.
Jassie POV ( Interview Room)
“Ms. Suarez?”
Napalingon ako sa HR.
“Ready na po ang panel.”
Tumayo ako at inayos ang blazer ko. Hindi ito ang unang interview na dinaanan ko, pero iba ang pakiramdam ngayon.
Ishikawa Corporation ’to.
Kumpanya ng… asawa ko.
Pero wala dapat makaalam.
Pagpasok ko sa conference room, tatlong tao ang nandoon. Isang senior manager, isang HR head, at,
Bahagyang bumukas ulit ang pinto.
Pumasok si Keano.
Tumigil ang mundo ko ng dalawang segundo.
“Good morning,” kalmado niyang bati habang umuupo sa pinakadulong upuan.
CEO presence.
Hindi asawa.
“Good morning, Sir,” sabay-sabay naming sabi.
Hindi siya tumingin sa’kin nang matagal. Isang professional glance lang, parang first time niya akong nakita.
“Proceed,” sabi niya sa HR.
Nagsimula ang tanungan.
“Why do you want to join Ishikawa Corporation, Ms. Suarez?”
Huminga ako nang malalim.
“Because I believe I can grow here,” sagot ko. “And I want to prove that I can contribute based on my skills, not my background.”
Ramdam ko ang titig ni Keano.
“Marketing department ang target mo?” tanong ng senior manager.
“Yes, Sir.”
“Fresh graduate ka. What makes you think kaya mong sumabay sa pressure?”
Hindi ako nag-alinlangan.
“I’ve been a working student for years. Pressure is not new to me. If anything, it made me disciplined.”
Tahimik ang room.
May nag-notes.
“Where do you see yourself in five years?” HR asked.
“Leading projects,” sagot ko agad. “Not because I was given the position, but because I earned it.”
Saglit na katahimikan.
Pagkatapos ng ilang technical questions, nagsalita si Keano sa unang pagkakataon.
“Ms. Suarez.”
Tumayo ang balahibo ko.
“Yes, Sir?”
“Hypothetically… if you discover office politics that could benefit you personally, but compromise your integrity—what would you do?”
Alam ko ang ibig sabihin.
Hindi niya ako tinitingnan bilang asawa.
Tinitingnan niya ako bilang empleyado.
“I would walk away from the benefit,” sagot ko diretso. “Reputation lasts longer than shortcuts.”
Nagtagpo ang mga mata namin.
Isang segundo.
Walang emosyon.
Pero may respeto.
“Noted,” sabi niya.
Ilang minuto pa, pinatapos na ang interview.
“Thank you, Ms. Suarez. We’ll contact you,” sabi ng HR.
“Thank you for the opportunity.”
Paglabas ko ng room, saka ko lang napansin na medyo nanginginig ang kamay ko.
Hindi dahil sa kaba.
Kundi dahil,
Hindi niya ako tinrato bilang asawa.
Hindi niya ako tinulungan.
Hindi niya ako pinadali.
Pantay.
At sa totoo lang?
Mas gusto ko ’yon.
Habang naglalakad ako palabas ng building, may tumawag.
“Ms. Suarez.”
Boses niya.
Napalingon ako.
Mag-isa na siya ngayon.
“About the interview,” sabi niya.
“Opo, Sir?” sagot ko, professional pa rin ang tono.
“You did well.”
Saglit akong napangiti.
“Thank you, Sir.”
Humakbang siya palapit pero may distansya pa rin.
“Whatever happens… you earned your spot in that room.”
Hindi ko alam kung bakit mas tumimo ’yon kaysa sa kahit anong sweet words.
Tumango ako. “That’s the only thing I want.”
“Good.”
Tahimik.
Professional pa rin.
Pero habang magkatapat kami,
Ramdam kong hindi lang career ang sinusubok namin.
Kundi kung paano maging magkasama,
Nang hindi umaasa sa papel