Jassie POV
Hindi agad ako nakasagot.
Sa office niya? Under him?
“Hindi ko kailangan ng special treatment,” maingat kong sabi. “Ayokong isipin ng mga tao na dahil asawa mo ako kaya may trabaho ako.”
“Walang special treatment,” diretso niyang sagot. “Dadaan ka sa tamang proseso. Interview. Evaluation. Training. Kung hindi ka pumasa, wala kang slot.”
Napataas ang kilay ko. Parang hinahamon niya ako.
“Kaya ko,” sagot ko agad.
“Good,” maikli niyang tugon. “Documentation Staff. Maraming paperwork. Reports. Coordination. Hindi madali.”
“Sanay ako sa trabaho,” sagot ko. “Mas mahirap pa nga sa café minsan.”
“Tama na ang café,” putol niya. “Magre-resign ka na bukas.”
Napabuntong-hininga ako. “Kailangan ko pa rin magpadala kay Mama.”
“Hindi kita pipigilan magpadala,” sagot niya. “Pero hindi mo kailangang magkasakit para lang kumita. Kung gusto mong pagtrabahuhan ang pera, sa office mo pagtrabahuhan.”
Tahimik ako sandali.
“May oras ba?” tanong ko. “Baka maapektuhan pag-aaral ko.”
“I-aadjust natin schedule mo,” sagot niya. “Priority mo pa rin ang school. Hindi kita papayagang bumagsak.”
Napatingin ako sa kanya.
“Pero malinaw,” dagdag niya, seryoso ang tono, “kapag nasa office ka, empleyado kita. Hindi asawa. Walang drama. Walang special rules.”
“Tanggap ko, Mag asawa lang naman tayo sa papel, so wala naman talaga special treatment." sagot ko agad.
Tumango siya. “Magpahinga ka muna ngayon. Bukas, ihahatid kita sa café para mag-resign ka nang maayos.”
Hindi na ako tumutol.
Humiga ulit ako, ramdam ko pa rin ang kaunting hilo pero mas maayos na ang pakiramdam ko.
Mukhang simula bukas, hindi na café ang pupuntahan ko,
Kundi opisina niya.
Kinabukasan, maaga kaming umalis ng bahay. Tahimik lang ang biyahe. Hindi na kami nag-usap tungkol sa kagabi. Diretso lang ang tingin niya sa daan, habang ako naman ay nakatanaw sa bintana.
Pagdating sa café, bumaba ako ng sasakyan.
“Ako na ang bahala,” sabi ko.
“I’ll wait,” maikli niyang sagot.
Pumasok ako sa café at agad akong sinalubong ni Sharon.
“Oy, bakit parang may hatid ka?” pang-aasar niyang bulong.
“Magre-resign na ako,” diretsahan kong sabi.
Nanlaki ang mata niya. “Ha? Bakit? Biglaan naman!”
“May lilipatan na akong trabaho. Mas related sa course ko,” paliwanag ko.
Medyo nalungkot siya pero ngumiti rin. “Sayang ka dito, pero congrats! Deserve mo ‘yan.”
Nakipag-usap ako sa manager at nagpasa ng resignation letter. Mabuti na lang at maayos ang usapan. Pinayagan akong mag-clearance agad dahil may valid reason naman.
Paglabas ko ng café, naroon pa rin si Keano, nakasandal sa kotse. Nakatingin siya sa relo niya.
“Tapos na?” tanong niya.
“Oo.”
Tumango siya. “Good. Diretso na tayo sa office.”
Hindi na ako sumagot. Sumakay na lang ako ulit.
Pagdating sa building nila, napatingala ako. Iba ang atmosphere kumpara sa café, mas tahimik, mas pormal, mas seryoso.
“From here,” sabi niya habang naglalakad kami papasok, “huwag mong sabihing asawa kita. Applicant ka. Gets?”
“Gets,” sagot ko.
Pagpasok namin, maraming bumati sa kanya. “Good morning, Sir Keano.”
Tumango lang siya at tuloy-tuloy sa paglakad.
Huminto kami sa harap ng HR office.
“Dito ka muna. Interview ka ngayon,” sabi niya.
“Interview agad?” gulat ko.
“Gusto mo bang patagalin?” taas-kilay niyang sagot.
Napahinga ako nang malalim.
Sige. Kung ito ang gusto niya, na pagtrabahuhan ko ang bawat gastos ko—ipapakita kong kaya ko.
At sa unang pagkakataon, hindi ako papasok bilang asawa niya.
Papasa ako bilang empleyado.
“Isa pa,” malamig na dagdag ni Keano bago ako tuluyang pumasok sa HR, “huwag kang magsasabi na mag-asawa tayo. Ayoko ng special treatment. At bata ka pa para may asawa ka agad.”
Inirapan ko siya.
“Hindi ko rin naman balak sabihin,” sagot ko. “Soon magdi-divorce rin naman tayo, ‘di ba?”
Sandali siyang natahimik.
Tumalikod na ako bago pa siya makasagot.
Sa loob ko, may sariling sagot ang isip ko.
Ayaw mo lang malaman ng mga tao rito dahil nandito ang girlfriend mo na si Ashley.
Pero hindi ko na iyon sinabi.
Hindi ako nandito para makipag-away. Nandito ako para magtrabaho.
Huminga ako nang malalim at pumila para sa interview bilang office staff. Bitbit ko ang folder ng requirements ko, resume, TOR, recommendation letters.
Suarez.
Hindi Ishikawa.
Pinili kong gamitin ang apelyido ko. Mas malinaw. Mas ligtas. Mas ako.
“Next applicant,” tawag ng HR staff.
Pumasok ako sa loob ng interview room. Dalawang panel ang nandoon, isang HR manager at isang department supervisor.
“Good morning. Please introduce yourself.”
“Good morning. I’m Jassie Suarez,” diretso kong sagot. “Graduating student po, Business Administration major in Marketing.”
Tinanong nila ako tungkol sa experience ko sa café, paano ako humawak ng customer complaints, paano ko hinahati ang oras ko sa school at trabaho.
Maayos akong sumagot. Diretso. Walang paligoy-ligoy.
Walang bahid ng personal.
Walang koneksyon kay Keano.
Paglabas ko ng interview room, nadatnan ko siyang nakatayo sa hallway, kausap ang isang babae.
Matangkad. Maayos manamit. Confident ang tindig.
Ashley.
Narinig ko ang tawa nito bago pa ako tuluyang makalapit.
Tumigil ang usapan nila nang mapansin nila ako.
“This is?” tanong ni Ashley habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. " Hello."
“Applicant,” maikling sagot ni Keano.
Applicant.
Hindi asawa.
Hindi kahit ano.
Tumango lang ako at bumati ng " Good Morning." at dumiretso sa waiting area na parang wala akong narinig.
Suarez.
Office staff applicant.
At wala akong balak gumamit ng apelyidong Ishikawa para lang mapansin
Jassie POV
Umupo ako sa waiting area, kunwari ay busy sa pag-aayos ng mga papel ko. Pero malinaw sa tenga ko ang bawat tawa ni Ashley sa likod ko.
Professional. Confident. Bagay sa mundo ni Keano.
Ilang minuto pa, lumabas ang HR.
“Ms. Suarez?”
Agad akong tumayo.
“Please proceed to the second interview. Department head na po.”
Saglit akong napalingon kay Keano. Hindi niya ako tiningnan. Nakikipag-usap pa rin siya kay Ashley na parang wala akong presensya sa hallway.
Fine.
Mas mabuti nga iyon.
Pumasok ako sa mas malaking opisina. Nandoon ang department head—seryoso ang mukha, mukhang hindi basta-basta napapahanga.
“Why should we hire you, Ms. Suarez?”
Diretso ang tanong.
“Because I work,” sagot ko agad. “Hindi ako takot sa overtime. Sanay ako sa pressure. At hindi ko kailangan ng special consideration. Fast. Learner din po ako, madali po ako maka adopt ng sistema. "
Bahagyang tumaas ang kilay niya. “Confident.”
“Prepared,” sagot ko.
Tinest niya ako—pinagawa ng mock report, pina-analyze ang sample sales data, pinasagot sa situational questions tungkol sa office conflicts.
Hindi ko alam kung gaano katagal iyon, pero paglabas ko, pagod ako.
Paglabas ko sa hallway, wala na si Ashley.
Si Keano na lang ang naroon.
“Done?” tanong niya.
“Oo.”
“Tara.”
Sumabay ako sa paglalakad niya papunta sa elevator. Tahimik lang kami.
Pagkasara ng elevator doors, nagsalita siya.
“Final evaluation na lang. HR will call you.”
“Hindi mo ako tutulungan?” medyo may tono kong tanong.
“Hindi,” diretso niyang sagot. “Kung papasa ka, dahil sa’yo. Kung hindi, tanggapin mo.”
Tumango ako.
Pagkababa namin sa lobby, may sumalubong sa kanya na staff.
“Sir, about the marketing proposal—”
Tumingin siya sa akin. “Umuwi ka na muna. Magpahinga ka.”
“Okay,” sagot ko.
Lumabas ako ng building mag-isa.
Hindi ako umasa.
Hindi ako gumamit ng apelyido niya.
Kung matatanggap ako rito, dahil iyon sa kakayahan ko.
At kung hindi,
Hindi rin ako babalik sa café.
Pero habang naglalakad ako palayo, hindi ko maiwasang isipin ang eksenang nakita ko kanina.
Bagay sila sa iisang frame.
At ako?
Applicant lang.
Sali pusa na, pilit na pinakasal lang.