Chapter 25

1182 Words
Jassie POV Pagpasok ko sa classroom, nandoon na ang mga ka-group ko. Halata ang kaba sa bawat isa. “Jassie, okay ka lang?” tanong ni Erica. “Okay,” sagot ko, pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari sa parking. Halik lang ’yon ng kuya. Kuya. Kuya. Kuya. “Hoy, nasa Earth ka ba?” biro ng isa kong ka-group. “Present,” sagot ko sabay iling. “Focus na tayo.” Tinawag ang group namin. Habang naglalakad ako papunta sa harap, biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Keano, Kaya mo ’yan. Mataas magiging grade mo. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas lumakas ang loob ko. Nag-start ako mag-present. “Good morning, panelists. Our study is about…” Habang nagsasalita ako, napansin kong tahimik ang mga panel. Nakikinig. May mga tumatango. May mga nagno-notes. Nang Q&A na, medyo kinabahan ako. Pero bawat tanong, nasasagot ko nang maayos. Hindi ako natameme. Hindi ako nag-stutter. Parang may kakaibang confidence akong nararamdaman. After almost an hour, “You may step outside while we deliberate.” Lumabas kami. Doon na bumalik ang kaba. “Grabe, ang intense nung tanong sa’yo,” bulong ni Erica. “Akala ko nga hindi ko masasagot,” sagot ko, pero deep inside alam kong kinaya ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami pinabalik. Tumayo ang lead panelist. “Overall, your study is well-prepared. The presentation was clear, especially from your lead presenter.” Napatingin sa akin ang mga ka-group ko. “In behalf of the panel, congratulations. You passed.” Parang nabingi ako sa sumunod na palakpakan. “Your final grade will be—” Huminga ako nang malalim. “1.25.” Nanlaki ang mata ko. Mataas. Hindi man Summa c*m Laude level agad, pero mataas. Napahawak ako sa dibdib ko. “Thank you, Ma’am,” mahina kong sabi. Pagkalabas ko ng room, halos maiyak ako sa relief. Una kong ginawa? Kinuha ko ang cellphone ko. May message na agad si Keano. Keano: Tapos na? Buhay ka pa? Napangiti ako kahit pigil. Me: Passed. 1.25. Ilang segundo lang— Tumawag siya. “1.25?” excited niyang bungad. “Ang galing mo!” “Syempre,” kunwari kong yabang. “So hindi pa simbahan. Pero pwede na siguro garden wedding,” pang-aasar niya. Napairap ako kahit hindi niya nakikita. “Kuya lang naman diba?” Biglang natahimik siya sa kabilang linya. “…Hindi ko sinabing kuya ako,” sagot niya, mas mababa ang boses. Natigilan ako. “Jassie.” “O?” “Libre kita mamaya. Celebrate tayo.” Hindi ko alam kung bakit parang mas may ibig sabihin ang tono niya ngayon. “Sige,” sagot ko, mas mahinahon. Pagbaba ko ng phone, napangiti ako mag-isa. Kuya lang ba talaga? O may nagsisimula na kaming pareho na hindi pa namin inaamin? Huwag ka ngang ambisyosa, Jassie. Paglabas ko ng campus, nandoon na si Keano. Nakasandal sa kotse na parang may hinihintay lang na artista. “Ang aga mo,” sabi ko. “Sabi ko celebrate tayo,” sagot niya. “Sumakay ka na, Ms. 1.25.” “Grabe ka. Isang subject lang ’yon,” sagot ko habang pumapasok sa kotse. “Excuses ng matalino,” sagot niya agad. Sa biyahe, normal lang ang usapan. Walang tension, walang drama. “Proud ako sayo ah,” sabi niya casually. “Hindi biro pagsabayin ang school at office.” “Syempre,” taas noo kong sagot. “Marketing assistant mo kaya ako.” “Assistant lang?” taas kilay niya. “Parang ikaw na nga magtuturo sa staff ko.” “Libre mo muna ako bago mo ako i-promote,” sagot ko. Tumawa siya. “Ayun naman pala.” Dinala niya ako sa isang simpleng rooftop restaurant. “Uy, sosyal,” sabi ko. “Hindi naman. Sakto lang sa 1.25,” biro niya. Habang kumakain kami, puro kulitan lang. “Alam mo,” sabi niya habang umiinom ng tubig, “kung maging Summa ka talaga, baka seryosohin ko na ’yung simbahan.” “Edi ikaw mag-white gown,” sagot ko agad. “Pwede,” tumawa siya. “Bagay naman siguro.” “Hindi,” deadpan kong sagot. “By the way,” dagdag niya, “bawi ako ha. Hindi na kuya.” Napatingin ako. “Ay wow. Promotion?” “Oo. From Kuya to… driver.” “Mas bagay,” sagot ko sabay tawa. “Grabe ka sa driver.” “At least bayad,” sagot ko. Pag-uwi namin, normal lang din. “Congrats ulit,” sabi niya habang papasok ako sa bahay. “Thanks. Libre mo ulit ako pag 1.0 na.” “Ambisyosa.” “Goal-oriented,” sabay kindat ko. Umiling lang siya habang natatawa. Walang malalim. Walang awkward. Simpleng asaran, simpleng celebration. At sa totoo lang… mas magaan pala kapag ganun lang. Kinabukasan, maaga akong nagising. Mas magaan ang pakiramdam ko, siguro dahil tapos na ang defense. Pagbaba ko sa kusina, nandoon na si Keano. May hawak na mug ng kape at seryosong nakatingin sa tablet. “Good morning, Ms. 1.25,” hindi siya tumingin pero halatang nakangisi. “Good morning, Mr. Driver,” sagot ko habang kumukuha ng tinapay. “Driver na talaga?” taas kilay niya. “Oo. May schedule ka mamaya, 8 AM pickup,” sagot ko. “May bayad ba ’to?” biro niya. “Libre na lang. Celebration package.” Umiling siya, pero halatang natatawa. Habang kumakain kami, bigla niyang sinabi— “May meeting tayo mamaya sa office. Ikaw magpe-present nung marketing layout.” Napatigil ako. “Ha? Ako?” “Oo. Ikaw gumawa. Ikaw mag-explain.” “Eh part-timer lang ako.” “At?” diretso ang tingin niya. “Mas pulido gawa mo kaysa sa full-time.” Napataas ang kilay ko. “Grabe ka sa staff mo.” “Motivation ’yon,” sagot niya. Sa office, medyo kabado ako pero hindi tulad kahapon. Iba na ’yung confidence ko. “Relax,” bulong niya bago magsimula ang meeting. “Hindi ka kakainin ng board.” “Pag nagkamali ako, ikaw bahala,” sagot ko. “Always,” casual niyang sabi. Hindi ko na pinansin ’yung choice of word niya. Natapos ang presentation nang maayos. May ilang tanong, pero nasagot ko naman. Paglabas namin ng conference room, “See?” sabi niya. “Hindi ka lang pang-thesis. Pang-corporate ka.” “Promotion ba ’to?” tanong ko. “Wag muna. Baka maging boss mo ako.” “Akala ko na nga boss kita.” “Totoo naman,” sagot niya sabay tawa. Habang pauwi kami ng hapon, mas natural na ang usapan. Hindi na awkward, hindi na rin sobrang asaran. “Alam mo,” sabi niya habang nagda-drive, “mas okay ka pala pag hindi ka galit.” “Mas okay ka rin pag hindi nang aaaar,” sagot ko. “Iconic move ’yon.” “Trauma ’yon.” Tumawa lang siya. At sa totoo lang, ganito lang pala kami kapag walang pressure—parang magkaibigan na laging nagbabangayan pero may teamwork pag kailangan. Hindi dramatic. Hindi komplikado. Sakto lang. At siguro… okay na muna ’yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD