Chapter 15

1324 Words
Chapter 15 Lex Mabilis lumipas ang mga araw, apat buwan na rin buhat ng bumalik ako ng probinsya. Wala akong naging balita kay Luke. Hindi ko alam pero wala akong lakas ng loob, para malaman kung kumusta na ba siya. Sila ng girlfriend n'ya. Palagi ko na lang kinakausap baby namin, gusto kong maramdaman niya na mahal na mahal ko siya. Wala man sa aming tabi ang kanyang ama. Kahit mahirap bibigyan ko sila ni Kate ng magandang buhay. Palagi ko ding ibinubulong sa baby namin na nagkaroon ako ng magandang alaala nung maging kami pa ng kanyang ama. Hindi din ako nagtanim ng sama ng loob dito. Inisip ko na lang na hindi ibibigay ng Panginoon ang lahat ng pagsubok na ito kung hindi ko kakayanin. Nawala ang pamilya ko, pero iniwan nila sa akin si baby Kate Liam, si Luke naman, oo ako ang umalis, hindi ko naman kayang saktan ang girlfriend n'ya, mas nauna s'ya sa akin. Pati hindi naman nawala si Luke. Nandoon lamang siya sa, malayo nga lang sa amin. Hindi ko lang alam bakit hindi iyon sinabi sa akin ni Luke. Hindi ko maintindihan kung bakit nagsinungaling s'ya sa akin. Pero sa ngayon wala na ang galit, mahalaga sa akin maging malusog ang baby ko, maalagaan ko silang dalawa ng ayos ni baby Kate. Nasa tabi ko pa rin si Harold, hindi pa rin ako iniiwan. Hindi lang basta bestfriend ang turing n'ya sa akin parang kapatid na rin, lalo na at magkakaroon na daw s'ya ulit ng pamangkin. Hindi ko alam kung paano pa ako makakapagpasalamat kay Harold, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko alam kung paano na kami ni baby Kate at ng magiging anak ko. Luke Apat buwan na ang nakakalipas buhat nung huli kong makita si Lex sa opisina, hindi ko alam kung bakit hindi s'ya makita, halos lahat na yata ng imbestigador binayaran ko para mahanap s'ya, pero hindi naman ako makatanggap ng balita, pakiramdam ko may pumipigil pero paano? Gusto kung malaman kung kumusta si Lex, kung sobra na ba ang galit n'ya. Alam kung nasaktan siya noon ng sobra. Noong pinaglaruan siya ng lalaking una niyang minahal. Noong panahon na mawala sa tabi niya ang kanyang pamilya. Tapos ngayon ako naman ang nananakit sa kanya. Galit ako sa sarili ko, galit na galit ako, wala akong kwenta kung tutuusin, nasaktan ko si Lex, hindi ko s'ya maipaglaban dahil magkakaroon ako ng anak kay Jenny. Pero sabihin mang makasarili ako, wala akong maramdaman ang kahit kunting pagmamahal sa puso ko, para sa magiging anak namin. Pwede na akong bansagang walang puso at walang kwentang ama, dahil sa nararamdaman kong ito. Nakatanggap ako ng balita, na nagkaproblema ang kompanya ng mga magulang ni Jenny sa ibang bansa. Nasangkot sa isang eskandalo ang daddy n'ya, halos ikalubog ng kompanya, wala akong pakialam kahit maghirap sila, pero si Jenny pinipilit akong tulungan ko ang pamilya n'ya. Wala akong puso di ba? Kaya sino ako para tulungan sila. Problema nila iyon, ayaw ko ng mangialam. "Please, Luke, tulungan mo si daddy, gagawin ko ang lahat ng gusto mo, wag mo lang hayaang bumagsak ang kompanya, at huwag mong hahayaang makulong ang daddy ko, wala s'yang kasalanan. Alam kong na frame up lang si daddy. Alam kong malaki ang inggit ng pinsan niya sa kanya. Please Luke tulungan mo ako." Pagmamakaawa ni Jenny habang halos hindi na maampat ang mga luha sa mga mata nito. Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Paano ko sila tutulungan. Sarili ko ngang problema, sa babaeng mahal ko, hindi ko maayos. "Anong kapalit ng pagtulong ko?" Wala sa sarili kong tanong. "Ibabalik ko sayo si Lex, ibabalik ko ang babaeng mahal mo. Hindi ko kayo guguluhin. Pangako, pakiusap. Mahal kita, pero hindi ko kayang maghirap ang pamilya ko." Umiiyak n'yang pagmamakaawa. Galit ako pero gusto kong makasama si Lex. "Anong gagawin mo sa anak ko? Ilalayo? Aalisan mo ako ng karapatan? Para lang maisalba ang pamilya mo?" Galit na galit ako sa mga sinasabi n'ya. "Luke, pakiusap, sorry... sor...ry..." hindi na halos makapagsalita si Jenny pag-iyak ng bigla s'yang lumuhod sa harapan ko. Nagulat din ako sa ginawa n'ya. Nilapitan ko s'ya para itayo, pero lalo lang s'yang umiyak at humihingi ng tawad. "Luke, sorry..sorry... hindi ko sinasadya na lokohin ka... Desperada akong maging akin ka... Desperada akong, mahalin mo... Desperada akong maging akin ka ulit... Nagsinungaling ako sayo, walang nangyari sa atin, hindi ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ko... Luke patawad." Umiiyak na pag amin ni Jenny. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, oo galit ako, sobra akong nagagalit, pero naroon ang pag-asa para maging akin ulit si Lex. "Tutulungan ko ang....." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumigaw si Jenny, at namimilipit sa sakit. Hindi pa n'ya, kabuwanan pero bakit ganun. Basa... basa ang sahig, pumutok ang panubigin n'ya. Pitong buwan pa lang na buntis si Jenny. Natatakot pa rin ako sa maaaring mangyari sa anak niya. Oo nga at hindi ko ito anak. Pero hindi ko kayang mapahamak ang batang dinadala niya. Mabilis ang akin naging kilos at dinala ko s'ya sa pinakamalapit na ospital. Nang nasa ospital kami, hindi ko alam ang gagawin ko, galit ako pero hindi ko kayang iwan si Jenny sa sitwasyon n'ya ngayon. Premature ang baby n'ya, napaanak s'ya ng hindi pa n'ya kabuwanan, sabi ng doktor gawa ng stress at depression. Sa isang banda, naaawa ako kay Jenny. Hindi ko kayang manakit ng tao, lalo na ng babae, kahit malaki ang kasalanan n'ya sa akin. Hinintay ko s'yang magkamalay. "Luke, ang baby ko kumusta s'ya?" Biglang tanong ni Jenny, pero nag iwas ito ng tingin. "Ok, lang ang baby mo. Premature s'ya dahil kulang sa buwan, nasa incubator, sa NICU wag kang mag-alala. She's fine." Sagot ko kay Jenny. Nakita ko ang liwanag sa kanyang mukha. Lalo na ng masiguradong ayos na ang kanyang anak. "Luke, please help my dad, i will do anything, please. Ibabalik ko sayo si Lex. Hihingi din ako ng tawad sakanya. Pakiusap tulungan mo lang ang pamilya ko." Pakiusap na naman ni Jenny habang unti unti na naman s'yang umiiyak. "Ok, I 'll do my best to help, your father, but please, bring back my Lex." Sagot ko naman kay Jenny na nakangiting iniabot ang kanyang kamay. Hinawakan ko ang kanyang kamay, saka ako nagsalita. "Pagbinitiwan ko itong kamay mo, wala na tayong relasyon. Magkaibigan, pwede. Pero mahal ko talaga si Lex. Kaya hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo sa akin" Pahayag ni Luke habang nakatitig sa mga mata ni Jenny. "Kung tatanggapin mo akong maging kaibigan, masaya na ako doon. Pwede ka bang maging ninong ng baby ko?" Pabiro pang sambit ni Jenny na ikinatawa ni Luke. "Hindi na masama. Aalis na ako mamaya, para mabilis makauwi. Aayusin ko ang gulo sa pamilya mo, at sisiguraduhin ko sayong hindi makukulong si Tito. At magbabayad ang siyang tunay na may sala, kung bakit nagkaroon ng problema sa inyon kumpanya. Pero sana pagbalik ko. Nasa bahay ko na si Lex at makakasama ko na s'ya." Wika ni Luke na ikinataas ng kanang kamay ni Jenny. "Pangako, bago ka pa umuwi, nasa bahay mo na ang pinamamahal mo. Salamat Luke sa isa pang pagkakataon. Isa pa palang ihihingi ko ng tawad. Ako ang humaharang sa mga naghahanap kay Lex. Pero wag kang mag-alala. Nasisiguro ko naman sayo na ligtas siya. Kasama niya iyong kaibigan niya. At pag uwi mo may surpresa ako sayo." Nag-aalangan pa ring pag amin ni Jenny, pero nilakasan lang niya ang loob nandoon na rin naman siya sa sitwasyon na iyon ayaw na naman niyang maglihim pa. "Hindi na ako magagalit, mahalaga sa akin ngayon ay okey lang ang kalagayan ni Lex. Umaasa ako sa usapan natin na pag uwi ko. Makakasama ko na siya." "Wag kang mag-alala at tutupad ako sa pangako ko." Nakangiting sambit ni Jenny, bago tuluyan ng lumabas si Luke, ng hospital room na inuokopa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD