Ramdam ko pa din na namumula ang mukha ko habang naglalakad kami papasok ng bahay nila Yell. Nasa bungad pa lang kami ay rinig ko na agad ang hiyawan ng mga kaibigan niyang lalaki at ang pag-saway sa kanila ni Ate Yell. "So ano, kailan ang kasal?" nakangising tanong ni Hendrix kaya sinimangutan ko siya. "Ang sama mo." sabi ko sa kanya kaya natawa si Ate Aiora. "Tsk! Kung ako kay Aiora, sasagutin ko na lang iyong manliligaw niya kaysa sa gagong 'to." pagpaparinig ni Tyler kaya minura siya ni Hendrix at nag-iba agad ang timpla ng mukha. Napailing na lang silang lahat at tumingin ulit sa akin. "Baka naman gusto niyo muna alagaan si Baby Matthew? Aba! Nangangalay na ako!" angal ni Everleigh kaya agad akong humiwalay kay Zel at kinuha iyong inaanak ko. "Sorry, Everleigh." paumanhin ko sa

