Eos's POV Alas sais na ng gabi nang matapos ang event sa Hope orphanage at masaya akong makita ang mga bata na masaya sa araw na ito. "Ate Eos, punta po kayo ulit dito ha? Tapos laro po ulit tayo." yumakap sa akin si Franco at hindi ko maiwasang mapangiti. Marahan kong pinisil ang pisngi niya. Napaka-cute kasi niyang bata at bibo pa. Para siyang hindi mauubusan ng kwento. "Oo naman, basta isasama ulit ako ni Kuya Zel niyo." biro ko pa at napatingin din kay Zel na nasa tabi ko. "Of course I'll bring her again here. Basta magpapakabait ka ha?" sabi nito kay Franco at ginulo ang buhok nito. "Opo, Kuya Zel! Magiging good boy po ako para po mabilis ako lumaki." nakangiting sagot ni Franco kaya napangiti akong muli. Ilang sandali lang ay lumapit sa amin si Mother Superior at nakapaskil s

