Eos's POV Mag-aalas dose na ng madaling araw pero wala pa din akong balita kay Jaxon. Hinanap ko na siya sa mga kaibigan niya pero wala din silang ideya kung saan nagpunta ang kapatid ko. Hindi ko maiwasang mag-alala. Ngayon lang kasi ito hindi ma-contact at umuwi ng maaga sa bahay. Ang lalo pa nagpapakaba sa akin, ang malaman na nakahanap ito ng trabaho. Paano na lang kung masamang gawain pala iyon o hindi kaya ay napahamak na ang kapatid ko. Napahilot ako sa sintido ko. Bigla naman tumunog ang cellphone ko. Unknown number iyon. Dali-dali kong sinagot iyon dahil baka si Jaxon na iyon. "Hello?" "Eos" Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko palabas sa katawan ko nang marinig ang boses na iyon. "A-anong kailangan mo?" Narinig ko ang pagtawa nito na para bang ako pa ang may kailangan s

