Elizar's POV
Nasa loob ako ng aking opisina ng lumapit sa akin ang isa ko'ng tauhan habang bitbit ang kanyang cellphone.
"Boss, may gusto kumausap sa'yo, asawa daw ng kapatid niyo, emergency daw."
Nag-isip ako ng mga ilang segundo at tsaka tumango, itinapat naman muli ng tauhan ko sa tenga niya ang cellphone at sinabing...
"Ito na," at pagkatapos ay ini-abot na niya sa akin ang cellphone at agad ko naman 'yon itinapat sa aking tenga.
Hindi ako nagsalita, hinihintay ko na siya ang mauna.
"He-hello Elizar."
Napangisi ako ng marining ko ang boses niya.
"Hello Lizzy, it's been a long time and alam ba ng asawa mo na kinontak mo ko, baka magwala 'yon."
"Hi-hindi ko lang siya asawa, kapatid mo din siya, at kaya ako tumawag para ipaalam sa'yo na nawawala siya and papunta na ko ngayon sa presinto para i-report ang pagkawala niya."
Ano na naman kaya ang ginawa ng magaling ko'ng kapatid?
"Well, good luck." At agad ko ng ini-end ang call at ibinalik ko agad ang cellphone sa tauhan ko.
.
.
.
.
.
.
.
Lizzy's POV
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, talagang pinatunayan lang niya na wala siya'ng pakielam sa kanyang kapatid.
Ibinalik ko ang cellphone kay Monica.
"Ang bilis naman, ano'ng sabi?" Ang tanong ni Monica habang nagsisimula na ulit mag-drive.
"Basta alam na niya," ang tanging naisagot ko na lamang kay Monica.
Hindi ako makapaniwala sa reaksyon ni Elizar na parang wala lang sa kanya.
Baliwela lang sa kanya at wala talaga siya'ng pakielam pero hindi ako pwedeng magpa-apekto sa kanya, need ko'ng magfocus sa next step na kailangan ko'ng gawin, at iyon ang i-report sa mga pulis ang pagkawala ng aking asawa.
.
.
.
.
.
.
Pagkatapos i-report sa mga pulis ay agad ako'ng inihatid ni Monica at ngayon nga ay nasa tapat na kami ng aming bahay.
"I think kailangan kita samahan ngayon, please Lizzy alam ko'ng ayaw ni Enrico sa akin pero need mo ng kasama mo ngayon."
Natigilan ako sa sinabi ni Monica, never ko naman na sinabi sa kanya na ayaw ni Enrico sa kanya pero ramdam pala niya.
Hindi ko na naman mapigilan na hindi maiyak.
"C'mon Monica, hindi totoo yang sinasabi mo na ayaw sa'yo ni Enrico," ang pagtatanggol ko sa aking asawa at pagsalungat sa sinabi niya na kahit alam ko'ng mali na magsinungaling ako ay kailangan ko'ng gawin dahil ayaw ko'ng maging masama ang tingin niya dito.
Hangga't maari ay ayaw ko ng gulo at nag-aaway ang mga taong mahahalaga sa buhay ko.
Nabahala naman si Monica sa mga sinabi ko at agad na humingi ng tawad.
"I'm sorry Lizzy, hindi ko sinasadya 'yong mga nasabi ko, it's just alam mo naman na hindi ko kasundo ang asawa mo at sorry talaga, please kalimutan mo na."
Tumango-tango naman ako habang pinapahid ang aking mga luha.
"So, ano samahan kita?"
Tumango ulit ako at sabay na kami bumaba sa kotse at pumasok sa loob ng bahay.
Panay pa din ang kalikot at pagpipindot ko sa aking cellphone na baka sakaling mag-ring ang number niya pero wala pa din.
"Lizzy, kumain muna tayo, need mo ng lakas." Ang paalala sa akin ni Monica.
Tinignan ko lang siya at hindi ko alam para na ko'ng nababaliw at wala din ako'ng gana kumain sa mga nangyayari ngayon.
Pero tama siya kailangan ko nga'ng kumain at hindi ako pwede'ng magkasakit dahil kailangan ko pa'ng mahanap ang asawa ko.
Hindi naman pwedeng i-asa ko lang sa mga pulis ang paghahanap, need ko din kumilos.
Kaya napagpasyahan ko na bitawan muna saglit ang aking cellphone, at sundin ang utos ni Monica na sabayan siya sa pagkain.
Pilit ko'ng nginunguya ang bawat pagkain na isinusubo ko, kahit wala talaga ako'ng gana dahil kailangan hanggang sa matapos kami.
Sinimulan ko na ang pagliligpit pero pinigilan ako ni Monica, magpahinga daw muna ako saglit.
Pero malabo mangyari na makapagpahinga ako knowing na hindi ko alam kung nasaan ang asawa ko, okay ba siya, at sana ay walang masamang nangyari sa kanya.
Muli ko'ng kinuha ang aking cellphone para muling subukan na tawagan siya pero wala pa din, hindi pa rin talaga matawagan.
Wala ako'ng kasawa-sawa sa paulit-ulit na pagpipindot, nagbabakasali na baka biglang mag-ring.
"May mango graham float ka pala dito, pwede'ng makahingi," ang sabi ni Monica habang nasa tapat ng nakabukas na ref.
Hindi ko na naman napigilan at naiyak na naman ako.
Ginawa ko ang graham cake na 'yon dahil paborito ni Enrico 'yon at supposed to be na pagsasaluhan namin kagabi dahil nga anniversary pero hindi naman siya nakauwi dahil nga nawawala siya ngayon.
Agad naman isinara ni Monica ang ref at agad na lumapit sa akin.
"Lizzy," At hinagod hagod niya ang likuran ko.
"I'm sorry, it's just... hi-hindi ko mapigilan," ang sabi ko sa kanya sa garalgal na boses.
"It's okay, sige kung ikakagaan ng loob mo eh iyak mo lang," ang payo sa akin ni Monica na patuloy pa din sa paghagod sa likuran ko.
Naglakad ako papuntang ref at inilabas ang mango graham float.
"Sige, ano ka ba siyempre pwede mo'ng kainin 'to," ang alok ko kay Monica.
Ibinalik naman ni Monica sa ref ang graham cake at sinabing...
"Bukas na lang, sige na, please pilitin mo muna matulog, huwag ka'ng mag-aalala ako naman ang susubok na tumawag kay Enrico at gigisingin na lang kita kung sakaling mag-ring." Ang suhesyon ni Monica.
"Thank you," ang sagot ko kay Monica, dahil kahit na medyo nawala ang closeness namin mula ng magka-asawa ako, ay nandiyan pa din siya para damayan ako at samahan ako sa oras ng problema.