"Ahmm-- pahinga mo na ba mula sa trabaho mo Mr. seaman?" tanong ni Lenna kay Larry sa nanunuksong tinig. "Oo Lenna pahinga ko na--- hmmnn parang gusto ko 'yung paraan ng pagtitig mo sa akin ah." nakangising hayag nito sabay kindat sa kanya. Lalong nabuhay ang nabuong balak sa isip niya dahil mukhang palaban ang binatang seaman. "Gusto mo bang mag-release ng stress?" mapanuksong tanong niya pa sa binata sabay pinungayan niya ito ng mata. At alam niya na nagmumukha na siyang desperada sa ginagawa niyang 'yun. Naisip niyang kailangan niya ng alak para kumapal ang mukha niya sa gagawin niya sa harap nito. "Gustong-gusto Lenna--- may alam ka bang paraan para makapag-release ako ng stress?" tanong nito na malagkit ang pagkaka-tingin sa kanya. "Ahh meron, teka tatawagan kita ulit may kuku

