Ian's POV Last day ng School Fair. Buti naman at peaceful na ang mga buhay namin. Wala na kasing humahabol samin. Mamayang gabi na rin yung ball. Dati wala akong pakialam sa ball na yan at hindi rin ako pumupunta. Pero nung dumating si Ara ay nagkagana na ako. "Anong oras kayo pupunta mamaya?" Tanong ni Jero. Magkakasama kami ngayon at nakatambay kami dito sa Canteen. Wala na kasi kaming magawa. "7 siguro." Sagot ko. "Ako six. May mga aayusin pa kasi kami." Sagot naman ni Ayen na umiinom ng juice niya. "Susunduin kita ha?" Tinanguan lang ni Ayen si Onyx. "Maghintayan tayo ah? Dun sa gate. Sabay sabay tayong pupunta sa quadrangle." Wika ni Kaira na tinanguan naming lahat. Sa quadrangle kasi gaganapin yung ball mamaya. Kanina ko pang napapansin na tahimik si Ara kaya kinausap ko siy

