Andrex's POV "Hey." Napatingin ako sa nagtapik ng balikat ko. Si Kaira pala. School fair at founding anniversary na namin ngayon. First day. Marami ng booths sa paligid. Marami ring nagbebenta. Open kasi ang school fair namin. First years to Third years lang ang nagbobooth. Kaming mga Seniors kasi ang may hawak para sa School fair ball na magaganap sa last day ng foundation day. Kaya hindi na kami kasali sa mga gagawa ng booths. Nakaupo lang ako dito sa bench at nagmamasid masid sa paligid. May mga nagtatakbuhan at hinahabol ng mga taga Jailbooth. Meron namang binablind fold para sa blindate booth. "Anong feeling?" Biglang imik ni Kaira. "Masaya. Ito kasi ang isa sa hinihintay ko taon taon eh." I answered. "Hindi yun. I mean, anong feeling na inlove ka sa isang taong kaibigan lang

