Kaira's POV 2 months nalang at maaamin ko na rin ang nararamdaman ko for him. For Andrex. I never thought that I will like him eventually. All my life I've been always dreaming of being with Jero. I never see myself with somebody else, But along came this guy. Andrex Jimenez. "Space out ka ata?" Napatingin ako kay Clyde na nasa tabi ko ngayon. "Hindi naman. May mga naiisip lang." Sagot ko naman sa kanya. "Si Andrex. Kayo na ba?" "Hindi pa." Lagi nalang yan ang topic namin tuwing magkakasama kami. Kung kami na daw ba. Ganun ba sila kaexcited na magkatuluyan kaming dalawa? "Si Shantal? Di mo ba namimiss? Wala ka bang balak na dalawin siya dun?" Ako naman ang nagtanong kay Clyde. "Miss na miss ko na nga eh. Kaso hindi kasi pwede." Kumunot ang noo ko sa kanya. Bakit naman hindi pwede?

