Gangster 6

1754 Words
Liara's POV "He started it!!" Sabay turo ko kay Ian. Nandito kasi kami sa guidance office. Diba nga dahil pinaguidance kami ni Kaira? "Pinagtanggol ko lang ang girlfriend ko!" Balik na sigaw niya sakin. "Wala akong paki!" Sigaw ko sa kanya. Lumapit naman si Ryca kay Ian at kumapit sa braso niya. "Tama na baby. Pabayaan mo na yang babaeng yan." Sabi ni Ryca tapos ay hinigit niya palayo sakin si Ian. Aba dapat lang. Baka kasi kung anong magawa ko jan. "And where do you think you're going Ms. Villafuerte and Mr. Kim?" Napangisi ako nung mapagalitan sila ni Kaira. "And who the hell are you para pagsalitaan kami ng ganyan?" Nakataas kilay na tanong ni Ryca. Ayoko talaga sa aura ng babaeng to. "Kaira Park. 4-A. Classmate mo and lastly, Royal Gates academy's Student Council President." Mataray na sabi ni Kaira. Infairness. "And how dare you talk to her like that?" Tanong ni Ian. Itong lalaking to, Napakaepal! "She just dared." I answered. "I'm not talking to you, B!tch!" Sabi niya. I smirked. "I don't care, Jerk." Ganti ko. "Hindi mo ako kilala Ara."Sabi niya. "Oh? Anak ka ni tita Ana diba?" Pang-aasar ko. Magsasalita pa sana siya kaso sumigaw na si Kaira. "ENOUGH! Liara and Xandrei. Bukas na bukas, Kayo ang maglilinis sa field. Kayong dalawa lang. At ikaw naman Ryca, Tutulungan mo akong maglinis sa Lumang room sa likod ng Academy. Got that? Ngayon, LABAS!" Wth?? Paglilinisin niya kami?? Asa naman! Magrereklamo pa sana ako pero lumabas na si Kaira ng guidance office. "Seriously? Anong ginawa ko dito?" Nagtatakang tanong ni Jero. Pero hindi namin siya pinansin at nagdiretso nalang kami sa labas. Pumasok na kami sa room namin. Pagpasok namin ay sinamaan ko agad ng tingin yung mga taong nakatingin sakin. Mga panira! "Hey Anne! What happened? Pinatawag daw kayo sa guidance office?" Isang babae ang lumapit kay Ryca at tinanong yan. "Shut up Ayen." Naiinis na sabi ni Ryca. Umupo na ako sa upuan ko at tumabi naman sakin si Ian. Hindi kami nag-uusap pero ramdam mo yung lamig ng aura naming dalawa. Maya maya pa ay dumating na yung teacher namin at nagsimulang magdiscuss. "I heard may bago ng Vice President ang student council ah?" Sabi ng teacher namin. "And I heard na it's miss Arceo over there." Sabay turo ni maam sakin. Pero di ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Naramdaman ko namang nakatitig ang klase sakin. Naramdaman ko rin ang tingin ni Ian sakin. "Has something to say Ms. Arceo?" Tanong ni maam. Tinignan ko lang siya ng malamig. "Well, Open your books on page 25" Sabi ni maam. Binuksan ko na yung book ko at tinignan ang lesson. ************************************* "Kaira!" Tawag ko kay Kaira nung makita ko siyang palabas na ng gate. Uwian na kasi namin. "Ano kailangan mo?" Nakangiti niyang tanong. Nakakapanibago naman to. Maya't maya ang ngiti. "Pwede bang palit nalang kami ni Ryca? Ayokong kasama si Ian." Naiinis kong sabi. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko talaga matanggap na si Ian ang kasama kong maglilinis! "Nah-uh." Pagtanggi niya. Tinignan ko lang siya ng malamig. Nagsmirk lang siya sakin. Nakakainis talaga tong gangster na to. "Balik ka na kasi sa T-quar." Lalo lang nanlamig ang tingin ko sa kanya. At dahil wala siyang kwentang kausap ay bumalik ako sa loob ng campus at pumunta sa parking lot. Nandun kasi yung kotse ko. Bubuksan ko na sana yung kotse ko nung may narinig akong nag-uusap. Nagtago ako sa likod ng car ko nung makita kong paparating sila Ryca at Jero. "That girl is really something!" Sigaw ni Ryca. Di ba talaga siya maka get over sa nangyari kanina? "Hahaha! Astig nga eh. Yung mga galaw niya ay parang yung kakilala ko lang." Sagot naman ni Jero. Hmmm?? Kakilala niya daw? Sino kaya? "But I hate her! Kala mo naman kung sinong maganda." Reklamo ni Ryca sabay nag cross arms. Aba! Kung di pala ako maganda eh ano pa siya? Kabanas ah! "Hahaha. She's pretty kaya." Hohoho! Buti pa si Jero honest! "Duh!" Sabay flip ng hair ni Ryca. Nag make face lang ako. "Selos ka na niyan?" Panlalambing ni Jero kay Ryca. I smell something fishy ahh. Nagulat ako nung bigla silang maghalikan. Wala naman masyadong tao dito sa parking. Tago pa yung pwesto namin. Pero hindi yun ang point! Oh My Gosh! Si Ryca na girlfriend ni Ian ay may hidden affair kay Jero? Ang landi ha! Oh my gosh talaga! Magkaibigan pinatos niya?? Maya maya ay naghiwalay sila. Binuksan ni Jero yung pinto ng kotse niya at pinapasok si Ryca. Pagkasara ni Jero ay umikot siya at pumasok sa driver's seat. Gulat na gulat ako! So doon nila itutuloy yung kahalayan nila?? Kawawang Ian, Ginagago ng Girlfriend niya at ng Kaibigan niya. Psh=____= Ano bang nakita nila kay Ryca? Eh mas maganda naman ako jan! Ahh paki ko ba sa kanila! Hmpft Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at akmang bubuksan ulit yung kotse ko nung may biglang yumakap sakin mula sa likod. Handa ko na sana siyang ihead bat pero nagsalita siya kaya napatigil ako. "Ate Ara!" Si Zewel pala to. Kinakapatid ko. Anak nila Tita Liya at Tito Ivan. Napakahinhin ng isang to. Kasama niya ang pinsan niyang si Dustin na anak nila tito Cloud at Tita Yanna. Kinakapatid ko rin. "Nandito ka na pala nag-aaral ate." Nakangiting sabi ni Dustin. "Pinalipat ako ni mommy eh. Para daw magtino na." Napachuckle naman si Zewel. "Pakabait ka na kasi Ate Ara." Sabi niya. Sila Dustin at Zewel, Importante sila sakin. Napapalambot nila ang matigas kong puso. Bukod kasi kay Dale noon ay madalas na kalaro ko itong dalawang to. 3 taong ang tanda ko sa kanila. "Hatid ko na kayo? Gusto ko ring dumalaw kila ninang. Matagal tagal na akong di nakakapunta sa inyo." Tumango lang sila. Pinapasok ko na sila sa loob ng kotse ko. Habang nasa byahe ay daldal lang sila ng daldal. Magbebestfriend kaming tatlo. Simula nung mawala si Dale ay sinabi ko sa sarili ko na sila Zewel nalang ang natitira sakin kaya proprotektahan ko sila. Nandito na kami ngayon sa salas nila Zewel. Si Dustin ay umuwi na sa kanila. Nasa iisang subdi. lang naman kami eh. "Umma! Appa!" Tawag ni Zewel. Agad naman na lumabas mula sa kusina sila ninang Liya at ninong Ivan. Pareho silang madungis dahil sa mga flours sa mukha nila. "Hi, Anexa. Anjan ka na pala anak. At oh, Napadalaw ka ata baby Ara?" Napasimangot ako. Baby Ara parin ang tawag nila sakin. Si Ninang Liya. Siya ang nag-aalaga sakin dati nung wala si mommy. Busy sa trabaho malamang. Katulong ni ninang si Daddy. Kaso habang lumalaki ako. Nawawalan na ng time sakin ang parents ko. "Good Afternoon po, Tita, Tito." Sabay ngiti ko sa kanila. Lumapit kami ni Zewel sa kanila at nagmano. "Palit kana dun anak." Utos ni Tita kay Zewel. Agad na umakyat sa taas si Zewel. "Naku Ara, Pasensya na ha? Madungis kami ni Liya. Nagbebake kasi kami." Napangiti ako. Ang swerte lang ni Zewel sa mga magulang niya. Kahit nagtatrabaho ay may time parin sa isa't isa. Nakakainggit. "Malungkot ka ata, Baby Ara?" Tanong ni Tita. "Sorry Tita. May namiss lang." "Is it Dale?" Tanong ni tito. Ngumiti lang ako. Kahit ang totoo ay ang parents ko ang namimiss ko. "Mama ang itawag mo sakin. Yun naman tawag mo sakin nun eh. Musta na pala sila Kiel?" Tanong ni Ti--Mama. "Ah, Nasa Ibang bansa sila ngayon. As usual. Work." Sagot ko. Napangiti lang ng mapait si Mama. Nagpaalam sila sakin na babalik na sa kusina. Nakabalik naman na rin si Zewel. "Ate Ara dito ka nalang mag dinner." Sabay ngiti pa niya sakin. "Well sige." I said. "Ate Ara! Zewel!" Napatingin kami ni Zewel sa pinto at nakita ko si Dustin na kasama sila tito Cloud at tita Yanna. "We heard from Dustin na nandito daw si Baby Ara kaya napagpasyahan naming dumito muna." Nakangiting sabi ni tita Yanna. Napapout ako. Can they just stop calling me baby Ara? Hindi na ako bata :3 May baby bang nambubugbog ng tao? "Dinner is ready! Oh best! Nandito pala kayo! Tamang tama ready na ang dinner." Tumayo kami ni Zewel at nagtungo sa kusina nila. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mainggit. Buti pa sila laging kumpleto. Samantalang ako nag-iisa. I know it's wrong but... I hate them. I hate my parents. Pagkatapos naming kumain ay may namaalam na ako sa kanila. Hinatid ako ni Tita Liya sa gate. "I hope you'll understand them, Ara. They love you." Alam ko ang ibig sabihin ni tita. Ngumiti lang ako sa kanya at niyakap siya. Sorry Tita. But I hate them. Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng gate. Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar ito. Nagpatugtog lang ako sa radyo ng kotse ko. Imbis na umuwi ay nag U-turn ako. Lumabas ako ng subdivision namin. Tama, dadalaw muna ako sa Gang. Ass. dun pwede kong ilabas lahat ng sama ng loob ko. Binilisan ko ang patakbo sa kotse ko at nilakasan ang music sa radyo. Bigla akong kinutuban. Napatingin ako sa rear view mirror. Sh*t!! May sumusunod sakin! Sabi na eh! Binilisan ko pa lalo ang patakbo ko. Nung mejo nakalayo na ako sa sumusunod sakin ay napangiti ako. Mabagal pa siya. Pero naalis ang mga ngiti ko nung nakita kong nakasunod parin siya sakin. Imbis na magdiretso ako sa Gang. Ass. ay niliko ko ang kotse ko. Kailangan kong iligaw kung sino man tong hunghang na to. Ang kapal ng mukha niyang sundan ang isang blinder princess. Teka.. Kilala niya kaya ako? Pero imposible. Ibang kotse ang gamit ko ngayon. Dalawa ang kotse ko. Parehas na Lamborghini. Ang gamit ko ngayon ay black. Samantalang gray ang ginagamit ko pag nasa katauhan ako ni Blinder Princess. Pero lagi kong gamit ay motor. Hindi. Hindi ako pwedeng lumabas at magpakita bilang blinder princess. Makikilala nila ako. Pero.. Sino tong nakasunod sakin? Kilala niya kaya ako? Tinigil ko ang sasakyan ko. Napansin kong sa di kalayuan ay napatigil din siya. Kinuha ko ang kutsilyo sa kotse ko. Lagi ko tong dala. In case of emergency. Aalamin ko lang kung sino tong sumunod sakin. Lumabas ako ng kotse ko marahas na sinara ang pinto. Naglakad ako palapit sa kotse niya. Nakauniform pa ako! Sinipa ko ng malakas ang kotse niya. Patay ka sakin ngayon kung sino ka man. Dumistansya ako sa kotse niya para mabuksan niya ito. At paglabas niya. "IKAW????" Bakit ako sinusundan ng hayop na to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD