Chapter 6 Dale’s POV Ring! Ring! Napalingon ako at hinanap ko kung saan nangagaling ang tunog na iyon. Kinuha ko ang bag niya at kinuna ang phone niya. Mokong calling… “Hello? Bakit ang tagal naman bago mo sagutin iyang phone mo? Ano ka ba? Kumusta ka na riyan? Nandiyan ka na ba sa trabaho mo?” Boses ng lalaki iyon at sa pagkakatanong niya ay mukhang boyfriend siya nito. Sayang. Ang ganda pa naman niya. “Ah, sorry pero hindi ito ‘yung girlfriend mo. Si Da—“ naputol ang sasabihin ko nang magsalita siyang muli. “Teka, sino ka? Kidnaper ka ba? Nako, walang pera 'yan. Hindi sila mayaman. Nasaan kayo? Saan mo siya dinala? Papatayin kita! 'Wag mo siya sasaktan!” sunod-sunod na sabi nito. “Teka, hindi ako kidnaper! Eh, kasi muntikan ko na siyang masagasaan, kaya dinala ko siya sa hospi

