Chapter 4
Casey’s POV
Patawid na ako sa kabilang kalsada para pumunta sa building ng pinagtatrabahuhan ko nang biglang...
Beep!
"Ouch!” Nakaramdam ako ng sakit nang mabangga ako. Naramadaman ko, hindi ba? Ang ibig sabihin lang no'n ay buhay pa ako. Napapikit kasi ako sa sobrang pagkabigla at sa takot kaya madilim ang paningin ko.
Dinilat ko ang kaliwang mata ko, kasunod ang kanang mata, at saka ko idinilat ng sabay ang mga mata ko.
Kinusot-kusot ko iyon. Nasa harapan ko lang naman ang isang magarang kotse. Take note, six inches na lang as in kalahating sukat ng ruler na lang talaga at napisat na ako. Thank God at nakakahinga pa naman ako ngayon.
Ang ganda no'ng kotse kaya sayang pala kung nagasgasan ko lang dahil mukhang bago pa. Kahit harapan lang ang nakita ko ay halata namang mayaman ang nakasakay roon. Patay ako nito!
"Hoy, ikaw! Magpapakamatay ka ba?"
"Hoy, ikaw! Muntikan mo nang mabunggo ang kotse ko, ah! Ipapakulong kita!" Sabay hablot sa akin at dadalin ako sa presinto.
“Hoy, ikaw! Bayaran mo iyong gasgas ng kotse ko!" Sabay lahad ng kamay nito na nagsasabing humihingi ng pera.
Iyan ang mga nai-imagine kong sasabihin no'ng taong bababa sa kotse. Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko tumawid. Ano’ng gagawin ko? Kung kaya tumakbo na lang ako? Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan. Ang daming tao at sasakyan sa paligid namin. Hay nako naman!
Eh, kung kaya magkunwa-kunwarian akong nasaktan? Best actress naman ako at saka nasaktan naman talaga ako ng bahagya. Ang sakit kaya sa puwet.
Nabalik lang ako sa katotohanan nang may magsalita. Hindi ko siya tiningnan dahil busy ako sa pag-iisip nang maipapalusot sa kagagahan ko. Nakakakaba.
“Miss, okay ka lang ba? Anything that hurts?” tanong no’ng lalaki na may-ari ng kotse.
Hindi ko ine-expect ang mga salitang iyon sa kanya. Ibang-iba sa mga nabuong imahinasyon sa isip ko pero mas lalong hindi ko ine-expect ang malumanay at nag-aalalang tono ng boses nito. Pamilyar 'yong boses niya sa akin at parang narinig ko na 'yon dati.
Inilahad niya ang kamay niya at inabot ko naman iyon saka niya ako tinulungang makatayo. Inangat ko ang mukha ko para makita siya.
"Nothing hurts. Thank Y—" naputol ang sasabihin ko kasabay nang paglaki ng mga mata ko. Mula sa medyo singkit ko na mata ay lumaki iyon nang sobrang laki sa gulat ko.
Kaya pala pamilyar ang boses niya. Kaya pala iba ang kabang nararamdaman ko kanina at sigurado akong lalo pa 'yong tumindi ngayon. Hindi ako makahinga, parang anytime ay hihimatayin ako. Hihimatayin ako sa pagkabigla nang makilala siya.
Nakahawak siya sa ulo niya, nakakunot ang noo, at naguguluhang nakatingin lang sa akin. Siguro ay nagtataka siya kung bakit ako napatigil at natulala sa kanya. Hindi ko maintindihan 'yong nangyayari at hindi ko rin lubos maintindihan ang nararamdaman ko.
Biglang tumahimik ang kanina'y maingay na kalsada sa tunog ng mga sasakyan at sa dagsa ng mga tao. Biglang dumilim ang kanina'y maliwanag na paligid sa tindi ng sikat ng araw. I can hardly speak. Tumigil ba ang mundo? Eh, bakit wala akong marinig? Nabibingi na ba ako?
Lab dub. Lab dub. Lab dub.
Bakit wala akong ibang marinig kundi ang malakas na t***k ng puso ko? Bakit wala rin akong ibang makita? Nababaliw na ba ako? Bakit wala akong ibang makita kundi ang lalaking ito sa harapan ko?
HINDI ko akalaing ito pala ang mararamdaman ko sa muli naming pagkikita ng taong ito. Biglang dumilim parang gumabi pero maliwanag ko namang nakikita ang mukha niya at… at ang buong siya.
Bigla rin namang tumahimik na parang walang tao sa paligid pero maliwanag ko rin namang naririnig ang t***k ng puso ko. Nakakabingi. Nakakabingi ang lakas ng t***k nito pero naririnig ko rin ang boses niya na nag-aalalang nagtatanong sakin. Nag-aalala?
Tama nga ba ako? Sa tono kasi ng boses niya ay parang nag-aalala siya. Hmmm. Imahinasyon ko lang siguro. Hindi kasi puwede 'yon, imposible.
“Miss? Hey, please talk to me. Are you okay, ha?" tanong niya ng paulit-ulit na hinihintay na sumagot ako pero hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung ano man ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Tulala pa rin ako, wala sa sariling napayuko lang ako mula sa pagkakatitig ko sa kanya.
Bigla ko na lang naramdaman muli ang hapdi sa puso ko, sa isang iglap bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noon na pilit kong kinakalimutan. Bumalik lahat ng ala-alang, ayoko nang balikan at naramdaman ko na lang ang pag-init ng magkabila kong pisngi sa sunud-sunod na pagpatak ng mga luha ko.
Ayoko sanang makita niya akong ganito. Ayoko sanang makita niya akong umiiyak. Dapat ay makita niya ako ngayon na isang babaeng matatag, matapang, at palaban. Hindi katulad nang dati na mahina, duwag, at walang laban.
"Hey! Why are you crying, miss? Please, naman... 'wag ka umiyak, oh. Look, I'm so sorry kung muntikan man kitang masagasaan. Dadalin na lang kita sa hospital." Natataranta na ito at hindi malaman ang gagawin nang mapansin niyang umiiyak ako.
"Miss, don't cry!" ulit pa niya saka niya ako hinawakan sa mga balikat ko at iniyuko niya ng bahagya ang kanyang mukha para makita ako.
"D-Dont! Don't l-look at me! A-And don't y-you dare touch me again!" sigaw ko sa kanya kahit garalgal ang boses ko. Nagulat ata siya kaya naman inalis niya agad ang kamay niya at bahagyang lumayo sa akin.
"I'm sorry, but please, don't cry, will you? Please?" sabi niya pero nanatili lang akong nakayuko at umiiyak pa rin. "Miss, please?" pagmamakaawa niya. Napabuntong-hininga siya at tila sumuko na sa paghihintay ng sagot mula sa akin. "Dadalhin muna kita sa hospital para ma-check kung okay ka and then, we can talk. Let's go." Hinawakan niya ako sa braso ko para alalayan papunta sa kotse pero bumitiw ako at sinampal ko siya.
Oo, isang napakalakas na sampal. Ang tagal ko ring inipon ang lakas ko na iyon para lang sampalin siya. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito para ilabas ang lahat ng galit ko na naipon sa puso ko ng napakatagal na panahon.
Heto na. Heto na ‘yong araw na makikita niyang ibang-iba na ako mula sa dating mataba at utu-u***g babaeng niloko niya. Heto na 'yong araw na mare-realize niya na maganda ako... na hindi dapat niya ako pinaglaruan... na hindi dapat niya ako ginamit... na hindi dapat niya ako niloko... na hindi niya dapat ako pinaasa... na hindi niya dapat ako sinaktan. No one deserves to be played on.
"What's your problem? Bakit mo ako sinampal?" takang tanong nito na hawak-hawak ang namumula niyang pisngi.
"How dare you asked me like that, Dale? Limang taon. Limang taon kong hinintay ang pagkakataong ito na magkita tayong muli at masampal kita. Limang taon ko itong pinaghandaan para ipamukha sa iyo lahat ng ginawa mo sa akin. L-Lahat ng sakit na naramdaman ko, lahat ng l-lungkot na naranasan ko. L-Lahat lahat iyon. G-Gusto ko... gusto ko maramdaman mo!" Humagulgol na ako ng tuluyan. Hindi ko na kayang pigilan pa ang pag-iyak ko at ang paglabas ng mga hinanakit ko sa kanya.
Gusto ko siyang sigawan nang sigawan at sabihan lahat ng masasakit na salitang alam ko pero para bang naduwag ang dila ko at umurong ito. Gusto ko siyang hampasin ng dos por dos o tres por tres kung mayroon no'n. Gusto ko siyang ipasuntok kay Manny Pacquiao. Gusto ko siyang ipalapa sa mga pirana at buwaya. Gusto ko siyang ipa-assassin kay City Hunter.
Pero tanging pag-iyak lang sa harapan niya ang nagawa ko at siyempre ang kaya kong gawin ng mga sandaling iyon. Hindi naman ako gano'n kasama para gawin sa kanya ang lahat ng iyon.
“What are you talking about? I don’t understand! Do I know you? Bakit kilala mo ako?" sunud-sunod na tanong niya.
Napatawa ako ng pagak.
"Huh! Ang kapal din pala ng mukha mo, ano? Ay, matagal na nga pala kaya hindi na ako nagtataka. How dare you, Dale? Napakakapal ng mukha mo para kalimutan ang babaeng sinaktan mo! Animal ka!" sigaw ko sa kanya at saka ko siya tinadyakan sa binti niya at tumalikod na ako para umalis.
"Ouch! Hey! Miss!" Napayuko siya at napahawak sa binti niya sa sakit. Sinundan niya ako. "Hey! Can you explain to me further? Naguguluhan na ako sa sinasabi mo?" ani niya saka niya ako hinablot paharap sa kanya.
Napatitig ako sa kanyang mga mata. Totoo nga ba ang nababasa ko sa mga mata niya? Naguguluhan nga ba siya na parang walang alam o kinalimutan lang talaga niya?
"Explain mo, mukha mo!" sigaw ko ulit saka ako bumitiw sa pagkakahawak niya at tinadyakan muli siya sa kabilang binti niya ng magpantay naman ang sakit no'n sa isa kaya naman napabitiw siya sa akin at napayuko ulit sa sakit.
"Animal ka,Dale Garrett Cruz! Paano mo nagagawang magkunwari na wala kang naaalala sa lahat, ha? Ganyan na ba kahalang ang kaluluwa mo para itago ang kamalian mo?" Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. "How dare you!? I hate you, Dale! I hate you!" Hinampas ko siya nang hinampas sa dibdib niya.
Bakit siya ganyan? Bakit ang sama niya? Lalo lang lumalala ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako makahinga parang sasabog na ang puso ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit.
“Hey, wait! Stop it, miss! Nasasaktan ako. Ano ka ba?" sabi niya na pinipigilan ako sa paghampas sa kanya. “I said stop!” At hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Natigilan ako sa pagkakasigaw niya at napatitig lang sa kanya. Nanghina ako bigla at hindi ko na kayang bawiin pa mula sa kanya ang mga kamay ko. “Can you please be calm and try to listen to what I’m gonna say?” pakiusap niya. Mahinahon na ang kanyang boses. “Can you?” Hindi ako sumagot at sa halip ay yumuko lang ako. "First, I'm sorry kung muntikan na kitang masagasaan kanina. As I have said, we can go to a hospital so they can check if you’re okay... Second, please, explain to me what you had just said a while ago. We can talk about it after the check-up. And lastly, I don’t know what’s your problem to me ’cause I have amnesia so... so I don’t remember anything in my past.”
Napatingin ako sa kanya na gulat na gulat. Tama ba ang narinig ko? May... may amnesia siya? As in 'yong loss of memory? Iyon ba iyon?
"Hey? Narinig mo ba 'yong sinabi ko?" tanong niya pero hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi puwede iyon, hindi niya puwedeng kalimutan na lang bigla ang lahat.
“I-I can’t believe t-this,” nasabi ko na lang. Pagkatapos ay bigla na lang dumilim.