Umalis ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko na lang umuwi total nasabi ko naman na kay Kaii ang lahat. Siya na ang bahalang gumawa ng paraan para maipag higanti ang anak niyang inagrabyado ng Lola niya. Kinuha ko ang phone ko sa bag para itext si Migo na hintayin ako sa labas ng building dahil gusto ko nang umuwi. Halos wala na akong maramdaman habang tumatakbo palabas ng opisina nila Kaii. Gumuguho na ang mundo ko gusto ko na lang umuwi at yakapin si Migo para mawala na ang lahat. Nasasaktan ako ng sobra. Bakit ba kasi ako umuwi pa ng pilipinas, puro sakit na lang ang napapala ko dito. Pero kailangan kong mapag daanan ang lahat ng sakit na ‘yun kung kinakailangan para lang makamit ang hustisyang matagal ko nang gusto makamit para sa anak ko. “Kelly!” Hindi ko alam kung

