CHAPTER 54 Makalipas ang ilaw araw, bumalik na naman ang dati kong gawi sa school, bahay at kina Aila. Wala naman kasi akong magawa dahil umpisa pa lang ng class. May swimming class kami sa P.E kaya puro lecture lang at stretching. “Gagi! Kelly! Kanina pa kita hinahanap!” Hingal na hingal siyang tumatakbo papunta sa akin. Minsan, ako ang kinakabahan para kay Aila. Sinabi ko na nga sa kaniya na bawal siyang magtatakbo at mapagod pero madalas niya pa ring ginagawa. Ilang beses ko na siyang sunugod sa clinic pero hindi pa rin nadadala. Ayaw niyang masyado akong mag-alala pero siya rin naman ang gumagawa ng ikakapag-alala ko pati na rin ng Mama niya. Agad ko siyang pinitik sa noo. At agad naman kumunot ang noo niya nang tumama ang daliri ko sa noo niya. “Aray!” Daing niya

